Skip to main content

Updates (SFC, Pacquiao, Work)

Ang tagal ko na rin pala talagang hindi nakakapagpost. Waah! Madami kasing trabaho this week kaya kapag dinadalaw ko ang sarili kong blog titingnan ko lang kung may comments tapos basa lang...tapos yun lilipat na ako uli ng ibang site. Hehe.

Update lang...This week ginugugol ko ang araw ko sa mga sumusunod:

- Pagcheck ng adsense
- Pag-check ng yahoo mail. – minsan di ko na rin ito nagagawa.
- pagbubukas ng outlook
- pagbabasa ng our daily bread site na minsan nakakalimutan ko pa kapag nabaon na ako sa pagbabasa ng sandamakmak na emails.
- Paga-assign ng tasks
- Paggawa ng mga tasks
- Other concerns – pagbabasa ng blog; pagko-comment at paggawa ng blog entry. waaaah! Hindi ko na rin nagagawa kaya heto ngayong libre eh sinamantala ko na ang pagkakataon makagawa kahit isa. Malling; Merienda break….Chismaks…etc.

Kung tutuusin pag na-enumerate lang parang ang dali. Pero dito nauubos ang oras ko. Hindi ko na rin masyado napapansin na inuubos ng mga ito ang lakas ko. Sobrang gusto ko ng humilata sa dyip ng biyaheng galing Pasig to Bagong Bayan (biyahe ng dyip papunta sa amin) dahil sa sobrang pagka-antok. Hindi ko alam kung dahil sa pagod kaya inaantok o likas lang akong antukin. O kaya naman ay dahil sa pag-iwas ko pag-inom ng all time favorite kong kape na noon ay ginagawa ko talagang tubig o juice (kulang na lang pampaligo…Hehe) kapag iniinom ko noon… Haha!

So kamusta naman? Buhay pa ako. Busy lang talaga ang week na ito. Nakapag-tutor pa nga ako ng lagay na ito e… Hehe.

Haay…Gusto kong mag-relax talaga. Manood ng sine kaya…O kaya mag-kape. Hmmmn… Sarap naman nun. Naiisip ko pa lang. Matagal ko na rin palang hindi nati-treat ang sarili ko… Siguro bukas o kaya mamaya. Hehe.


What’s New? ( New SFC graduates and Pacquiao's Victory )

Member na ako ng SFC. Yey! Hehehe. Last Sunday nga yung graduation namin – November 19, 2006 (Laban ni Pacquiao –waaah!) Salamat na lamang sa walang sawang serbisyo ng kapamilya Studio 23 (Kabarkada mo!) napanood ko yung replay ng laban nya…. Grabe sulit na rin kahit 3 rounds lang ang napanood ko, napatumba nya naman agad e. Nakakaawa lang talaga si Morales. Sabi ng mga boxing experts e…ito na tlaga siguro ang end ng kanyang career.

Ito nga pala ung sinabi ni Pacquiao pagkatapos ng TKO nya kay Morales. Hihihi! =)

“Well, ahh, I feel relaxin. On the first place, it’s not hard to make my weight. Well the first, ah, I didn’t speak I’m gonna knock him, maybe it’s bonus of the God. As of now, I will spend the family and we’ll celebrate the Filipino people. All I say is thanx for the God and to all the people around the world for boxing. Thanks.”


Kung anuman yun…Mahal ka namin Manny Pacs! Hehehe! Congratulations!!!

Tuloy sa kuwento…

Yung nga grad namin nung Sunday…. Pagod nga ako at puyat nung araw na yun kaka-prepare ng presentation namin for the Lord’s day. Hindi ko malilimutan ang araw na yun dahil naman dun ko na ata naramdaman ang lahat ng emosyon. Haha!

Medyo nainis lang ako ng konti sa mga kasamahan ko nung mismong araw ng graduation. Paano ba naman? Hindi sila naging sobrang cooperative kahit ng mga huling oras bago mag-presentation. Nakakalungkot lang talaga na nakakainis. :D Ini-open ko naman mga nararamdaman ko sa kanila. Nakita ko naman na tanggap na nila ang magiging reaksyon ko. Grabe kasi naman tlaga. Last day na nga ng rehearsal hindi ko pa rin talaga sila nakita. Eh kung ang rason ay dahil sa trabaho… lahat naman kami ay nagta-trabaho no?! haller! (Sori hindi ko na naman napigilan mag-taray.. Hehe) Basta pumunta na lang sila dun ng para kasing wala lang... As in wala lang... Haay… only God knows kung ano ang iniisip nila. Sana hindi naman sila natarayan sa akin msyado…Hindi ko napigilan e.

Anyway, naayos naman kami bago matapos ang araw na yun. Kami naman kasi ang nanalo sa presentation kaya everybody happy! =) At saka lahat kami graduates na and members na….Yeheeeeyyyy!!! =D

Nag-end ang day na mga brods and sisses na kami sa SFC. Masaya yung feeling at alam ko marami pa akong dapat gawin para kilalanin ang community para mas maging komportable na rin akong mag-serve kasama sila. Meron lang akong fear na binabanggit ko kina Rom at Joni na …. Yun na yun….haha! Basta hiniling ko na lang na ipag-pray nila ako sa area na yun….

Hopefully… sana dito na magsimula…at sa lahat ng gagawin ko…ay gagawin namin pala sa SFC ay para sa Kanya. May God be praised. =)

Comments

Anonymous said…
Psst! Pinagpray kita kagabi as promised. :) Like I said last night sa jeep (haha! sa jeep e no?), God knows your heart and He longs to give you your desires because He wants you to be happy. Let's wait pa kung ano ang sagot nya. Kung ano mn yun, alam natin na perfect yun. mwahness! :-*

Matthew 6:33
Kangel said…
@joni - Hehe! pinagpray din kita...hihihi :)
Anonymous said…
so ano...kelan kna alis dyan? hahaha
Kangel said…
Hahaha! Tingnan natin..hehehe safe answer :)

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...