Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2007

Paulit-ulit na lang

This week’s top three songs I am listening to: Tibok ng Puso – MYMP Gusto Kita – Gary V and Vina Morales Loveteam – Itchyworms Nakakalungkot yung Tibok ng Puso ng MYMP. Nakaka-relate ako. Huhu. “Gusto kita” is a positive joyful song actually. This version of this song sung by Gary and Vina really uplift my spirit. Parang binibigyan ka nya ng hope. Hope saan? Hehe! Just read the lyrics. Nakakatuwa naman pakinggan ang Loveteam ng Itchyworms. Hehe…Ang ganda ng beat at lyrics nung kanta. Andun ang istorya ng kanta na hindi mo mapapalampas na mapakinggan…Maku-curious ka e. hahaha! Alis na ako. Gusto ko lang ibahagi ang mga kantang paulit-ulit ko na rin pinapakinggan ngayong linggong ito. Hehe.

Ang Iniwanan ang Nang-iiwan

Nakakalungkot ang mga pag-alis. Ngayon lang... nakasaksi na naman ako...Ilan pa kayang mga pag-alis ang maririnig ko at makikita ko? Kahit di ko masyadong kakilala ang umaalis at nang-iiwan sa akin, nalulungkot pa rin ako na hindi ko maintindihan. Nalulungkot talaga ako. Nakikita ko ang sarili ko sa katauhan ng nang-iiwan at iniiwanan. Noon... Nung na kolehiyo pa lang ako, naramdaman ko na ang pakiramdam ng may iniiwanan. Nalulungkot ako noon kapag umaalis ako ng bicol. Naiisip ko ang mga iniiwanan ko. Naiiyak ako sa biyahe dahil sa mahigit na 6 na buwan na naman ay hindi ko makakasama ang pamilya ko dahil sa kailangan kong mag-aral sa UPLB, bumalik sa dorm at mamuhay uli ng mag-isa. Naisip ko noon, kailangan lang mangyari ito. Pero andun yung kakaibang lungkot na hindi ko maipaliwanag... ang ending- iyak talaga...minsan impit na hagulgol. Naiisip ko noon...matatapos din ang lahat ng ito. Kaya hopeful pa rin ako..madali naman akong nakaka-recover sa pagkalungkot. Sa kolehiyo din, nara...

Smart Bro Wifi Effect

Yup. Kahapon lang kami nag-start ma-enjoy ang smart wifi benefits dahil sa wakas ay natapos na rin ang installation nito sa bahay. Thanks smart tech. Hehe... hindi siyempre magkandaugaga ang mga kapatid ko at buong maghapon yata na nakaharap sa monitor. Nag- friendster , nagdownload ng kung anu-ano at nanood ng kung anu-ano sa youtube . Anu ba yun? Haha! Yun nga lang ini-expect ko na ang ss na mga bagay. 1. Pagtaas ng kuryente. 2. Pag-init ng ulo ko dahil sa pagtaas ng kuryente. 3. Pagsabog ng processor ng computer ko dahil sa di ma-kontrol na paggamit. 4. Pagtaas ng temper dahil sa pagsabog ng processor ko. 5. Pag-transform ko sa isang monster pag nangyari ang lahat ng nasa itaas. Haha! Joke lang. :D Siyempre. masaya ako parati na akong online. Somehow ito na rin yung paraan ko para hindi ko mamiss ang mga taong hindi ko na rin masyadong nakikita. Thanks YM ! Pwede naman kami magkita-kita ay chat pala online. Hindi ba? Hehe. Konting HISTORY Nabalitaan ko rin ang ilang problems ng sm...

First Day High (Low)

First Day of Work. I am so confused. Lahat ba nararamdaman ito? Please tell me. I really hate first days... Bagong pakikisama. Bagong mga kakilala. New adjustments. Hindi ko alam kung tama ba itong pinapasok ko? Haha! I miss my team. Miss ko na yung mga sirang pcs at naglolokong mga mouse. I miss me. I miss talking a lot. Hehe. Well ganito talaga pag first day right? Haay... Basa na lang ako ulit ng mga tutorials na itoh.

You are Greatest Miracle on the World

Sa kakahalungkat ko ng mga lumang gamit para hanapin ang ilang papeles na kailangan sa akin bagong pakikipagsapalaran, nakita ko ang isang papel na nakatupi na nakaipit sa aking 2003 organizer. Nung binuklat ko siyempre yung papel, naglalaman pala ito ng excerpts sa libro ni Og Mandino na Greatest Miracle in the World . Ang mga salitang ito ang isa sa mga nakapagbuo ng desisyon ko na hanapin ang lugar ko o mas magandang sabihin na misyon ko dito sa mundo. Ang mga salitang nabasa ko sa librong na siyang nasulat ko sa kapirasong papel na yun ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob at tiwala sa sarili na makakaya ko ang kahit anong bagay na naiisip ko dahil ako isa sa pinakamalaking himala ng mundo ng ginawa Nya. Eye-opener talaga sa akin ang mga salitang ito nabasa ko sa libro ni Mandino. At gusto kong mabasa nyo ito para makita nyo rin ang liwanag na nakita ko sa mga salitang sinulat nya. Heto na… Wheew! Enjoy. It is God's will na mabasa ko ito uli...to reflect back... (Ang libro ay n...

Holy Week Sched =)

Holy week na... Daming pwedeng gawin. Sa totoo lang hind ko na alam ang dapat kung unahin sa dami ng natanggap kong invitations from friends. Hindi ko na alam kung saan ako dapat pumunta. Hehe. Nalilito na ako talaga. Haha! Anubayan... parang artista ako sa dami ng offers. Maundy Thursday Suggestions Siyempre ang gusto ko ung invitation galing sa family ko. Plano namin mag-beach sa cavite kasama ng ibang kamag-anak. Masaya naman un idea... Siyempre mas uunahin ko yun. Yun nga lang di pa sigurado yun. So what is the next option? Meeting with my highschool batchmates. Magpa-plano daw ng swimming get together party sa Black - April 7 naman gagawin. Siyempre gusto ko rin pumunta para makita sila...at maki-join sa pagpa-plano ng event. Pero dahil nga sa una kong nabanggit na plano...Hindi pa rin ako maka-OO talaga. Anubayan...ang hirap talaga naman talaga mag-decide :D Wednesday Activities - Bukas :D May Sector Recollection kami sa SFC bukas. Siyempre gusto ko pumunta. Last na yun e. Kasi s...