Skip to main content

Smart Bro Wifi Effect

Yup. Kahapon lang kami nag-start ma-enjoy ang smart wifi benefits dahil sa wakas ay natapos na rin ang installation nito sa bahay. Thanks smart tech.

Hehe... hindi siyempre magkandaugaga ang mga kapatid ko at buong maghapon yata na nakaharap sa monitor. Nag-friendster, nagdownload ng kung anu-ano at nanood ng kung anu-ano sa youtube. Anu ba yun? Haha!

Yun nga lang ini-expect ko na ang ss na mga bagay.

1. Pagtaas ng kuryente.
2. Pag-init ng ulo ko dahil sa pagtaas ng kuryente.
3. Pagsabog ng processor ng computer ko dahil sa di ma-kontrol na paggamit.
4. Pagtaas ng temper dahil sa pagsabog ng processor ko.
5. Pag-transform ko sa isang monster pag nangyari ang lahat ng nasa itaas.

Haha! Joke lang. :D

Siyempre. masaya ako parati na akong online. Somehow ito na rin yung paraan ko para hindi ko mamiss ang mga taong hindi ko na rin masyadong nakikita. Thanks YM! Pwede naman kami magkita-kita ay chat pala online. Hindi ba? Hehe.

Konting HISTORY

Nabalitaan ko rin ang ilang problems ng smart bro. Nung last months ng 2006. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari..pero sa ngayon ok naman ang connections namin araw at gabi. Mabilis naman ang loading mga pages ng mga websites. So I hope ok na talaga ang smart bro. Puro kasi kasiraan ng smart bro ang nababasa ko sa net. Siguro ok lang yung connection kasi malapit lang kami dun sa cellsite ng smart. Hehe. Ang saya naman. :D

Haay dapat sana globelines...kaso ano ba naman yan. Gusto ko yung sana yung bundles(phone and internet)...pero ganun talaga. Wala daw sila linya malapit sa amin. Shucks...sayang naman... Nalungkot ako dun. Pero kailangan ko ng maging connected anytime. So ayun nawalan na ako ng gana sa globelines bundles...Internet na lang ng smart bro ang napag-tripan ko. And so there...connected na ako. At customer na ako ng Smart.

So see u all. :D

Comments

Anonymous said…
Hahaha! I wonder kung isa ako dun sa mga may bad reviews about Smartbro sa 'net. May mga keyword referrals kse ang blog ko na related sa "smartbro" eh. haha!

Ang connection nmn ng smartbro ay depende sa location. so kung okay jan sa inyo, e di ok na ok. ;)

Kaso sad to say, hindi tayo naka-wifi, friend. Sosyalan "coverup" lamang ito ng smartbro. haha. Broadband lng tlaga sya. :D

Enihuu, congrats! Buzz mo nmn ako. :P
Kangel said…
hehe...true... broadband nga sya...para kang nagpakabit ng cable sa tv. haha!

thanks joni...buzz na kita...tulog ka na ata..hehe..

mishu! :D

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...