Skip to main content

Ang Iniwanan ang Nang-iiwan

Nakakalungkot ang mga pag-alis. Ngayon lang... nakasaksi na naman ako...Ilan pa kayang mga pag-alis ang maririnig ko at makikita ko?

Kahit di ko masyadong kakilala ang umaalis at nang-iiwan sa akin, nalulungkot pa rin ako na hindi ko maintindihan. Nalulungkot talaga ako. Nakikita ko ang sarili ko sa katauhan ng nang-iiwan at iniiwanan.

Noon...
Nung na kolehiyo pa lang ako, naramdaman ko na ang pakiramdam ng may iniiwanan. Nalulungkot ako noon kapag umaalis ako ng bicol. Naiisip ko ang mga iniiwanan ko. Naiiyak ako sa biyahe dahil sa mahigit na 6 na buwan na naman ay hindi ko makakasama ang pamilya ko dahil sa kailangan kong mag-aral sa UPLB, bumalik sa dorm at mamuhay uli ng mag-isa. Naisip ko noon, kailangan lang mangyari ito. Pero andun yung kakaibang lungkot na hindi ko maipaliwanag... ang ending- iyak talaga...minsan impit na hagulgol.
Naiisip ko noon...matatapos din ang lahat ng ito. Kaya hopeful pa rin ako..madali naman akong nakaka-recover sa pagkalungkot.

Sa kolehiyo din, naramdaman ko ang feeling ng iniiwan. Kadalasan naman kasi ay dinadalaw ako ni mama o kaya ni papa kasama ang ilang kong kapatid sa LB. Masaya ako siyempre na dinadalaw nila kasama na dun sa dalawa na yun ang mga pasalubong, paalala at mga kuwento or updates tungkol sa mga nangyayari sa kanila. Matapos kong maramdaman ang saya...siyempre kailangan nilang umalis. Doon ko na naman nararamdaman ang kakaibang lungkot. Lungkot na nagpapaiyak sa akin. (Hehe...kapag naalala ko ang pakiramdam na yun...naiiyak talaga ako. habang sinusulat ko ang statement na ito kay napaluha ako...hehe :D )
Naisip ko na may katapusan din ito. And again naging hopeful ako. Inisip ko na lang noon kapag matatapos na ang pag-aaral ko, siguro maiiwasan ko na ang pakiramdam na yun. Pero hindi pala.

Ngayon...
Kakaalis ko lang sa dati kong trabaho. Marami akong minahal na tao dun. Dahil itinuring ko silang mga significant na parte ng buhay ko. May mga nakasamaan ng loob. May mga pagkakaibigang natapos at nagpapatuloy. Silang lahat na naging parte ng buhay ko, naringgan ko ng mga kuwento, at ang mga nakaalam ng drama ng buhay ko...hehe; ang mga taong close ko at di masyadong close, ang mga taong pinagdasal ko - silang lahat na naisip kong dumating dahil may dahilan Sya. Para maging mabuti akong tao at maging kung ano ako ngayon.
Ako na naman ang nang-iwan at naramdaman ko ulit ang kakaibang lungkot. At parang mas matindi ngayon.

Bago ako umalis ay naramdaman ko ang kakaibang lungkot na sinasabi ko kapag may umaalis na mga officemates ko... si ate rheena, si fung, si bossing, si sir joel, si rhiz, si johi, si rom. Andun yung lungkot na may dagdag na konting sakit.

Tapos yung nabalitaan kong pag-alis ng mga kasamahan ko sa dati kong pinapasukan...si reah at si beng. Ang mga iniwanan ko; na may iniwanan din. Ang lungkot. Sobrang lungkot.

At ngayon lang isa sa mga kasamahan ko dito sa opisina ng bago kong pinapasukan ang aalis. Nalulungkot na naman ako...Dahil naalala ko yung feeling ng pang-iiwan at ang iniiwanan.

Tapos....
Ang lahat ng karanasan na yun...siguro paulit-ulit ko na lang na mararamdaman. Minsan nararamdaman ko ito to the highest degree. Pero itong mga karanasan na ito ang nagpapatatag sa akin at nakakapagbigay sa akin ng realization na walang permanente sa mundo. Na hindi naman nawawala talaga ang taong ito. Kailangan lang may magbago para na rin sa iyo o kya naman sa taong yun. Sa pag-alis may iniiwanan at may nang-iiwan. Ganun na talaga yun. Naisip ko na lang ang mga magagandang bagay na ibinigay ni God sa mga taong umaalis. Nangyayari talaga ang lahat ng mga bagay for reasons. Kaya nagiging masaya na rin ako para sa kanila. Kaya nai-inspire naman ako para umalis din. Haha! Kidding aside, sa kalungkutan ko nare-realize ang grand masterplan ni God sa bawat isa sa atin. All we have to do is to trust Him our whole heart, mind, soul and our plans. At siya na ang bahala sa atin. All we need to do is just TRUST Him. And that feeling of loneliness teaches me to do that. It teaches me to trust more and more of me to God. =)

Comments

Anonymous said…
ang feeling nang nangiwan at iniwan...:(

that must be the worst part of leaving.the feeling it gives you.but you know,these are just emotions at we'll get past through it. kaya natin yan!

:D

andito lang kami kangel :) love you!
Anonymous said…
at naunahan mo pa kong magannounce..hehehe..basta ako..sa bahay lang muna..haha...
Anonymous said…
sabi ko sayo eh, maraming magagandang opportunities awaiting.....by the way, cno c si johi....hahaha, baka joni
Kangel said…
hehe..sori na...JONI na..hahaha!

yun lang...anu ba yan reunion naman dyan...:D
Anonymous said…
Waaah. Sino si Johi?? hahaha!

Ok lang yan kayren, you'll move past it. Ganyan lang talaga buhay. May aalis talaga sooner or later. Sigh. Magkita kita nlng tayo outside our workplaces! ;)

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...