Skip to main content

Holy Week Sched =)

Holy week na... Daming pwedeng gawin. Sa totoo lang hind ko na alam ang dapat kung unahin sa dami ng natanggap kong invitations from friends. Hindi ko na alam kung saan ako dapat pumunta. Hehe. Nalilito na ako talaga. Haha! Anubayan... parang artista ako sa dami ng offers.

Maundy Thursday Suggestions
Siyempre ang gusto ko ung invitation galing sa family ko. Plano namin mag-beach sa cavite kasama ng ibang kamag-anak. Masaya naman un idea... Siyempre mas uunahin ko yun. Yun nga lang di pa sigurado yun. So what is the next option?

Meeting with my highschool batchmates. Magpa-plano daw ng swimming get together party sa Black - April 7 naman gagawin. Siyempre gusto ko rin pumunta para makita sila...at maki-join sa pagpa-plano ng event. Pero dahil nga sa una kong nabanggit na plano...Hindi pa rin ako maka-OO talaga. Anubayan...ang hirap talaga naman talaga mag-decide :D

Wednesday Activities - Bukas :D
May Sector Recollection kami sa SFC bukas. Siyempre gusto ko pumunta. Last na yun e. Kasi sa mga susunod na buwan eh hindi na ako makaka-aattend ng mga weekdays activities namin. Sayang naman di ba? Oh well let's see kung makatakas ako sa trabaho. Calling Romela...Sabay na lang kaya tayo pumunta sa Marimar.

Good Friday - Fasting day. :D
Yun naman kung matutuloy ang family outing namin...malamang nasa Cavite ako nito. Gagawan ko na paraan ang pagpa-fast ko sa araw na ito...Tiyak kong sobrang dami na naman ng temptations (FOOD) sa araw na ito. Haha!

Kung hindi naman matutuloy... nasa bahay lang ako. Pahinga. Nagmumuni-muni. Attend mass siyempre. Read books and my bible...Movie marathon na itoh!!! :D Nga pala kailangan ko ng mag-rent ng VCDs kung ganun nga ang mangyayari. Exciting pa rin ang mag-reflect di ba? :P

Black Saturday
Haay! Ate Arlene invited me sa clubhouse sa Rizal na pag-aari ng friend nya...Siyempre kasama rin ang ilang SFC. Hindi ko alam kung makakarating nga ako. Pero siyempre gusto ko rin makapunta dun. Pero baka hindi na rin ako maka-attend dahil baka yung susunod na activity ang gawin ko.

Nagkasundo kami ni NC na gawan ng surprise video clip si Ate Jing. Paalis na kasi sya so I think it would be really nice to really present something memorable. Handa naman ako mag-render ng time and I think Saturday is the best time sana. Walang hassle kasi. Yun lang may isa pang problema na naman kaya hindi na naman ako sigurado.

Ang Saturday na ata ang vongga kong araw. Dahil ang Saturday ang pinakamaraming invitations... grabeh ang busy. Haha! Dinalaw ako ng frend kong si Angelo at heto nga at tuloy pala talaga ang swimming activity ng mga hayskul batchmates ko. Siyempre I decided to join na rin. Wala naman masama. Saka suporta na lang sa mga batchmates ko na nag-organize ng activity na yun. di ba?

Sa mga na-enumerate ko...hindi ko na alam kung saan at ano ang pupuntahan ko.
Ang hirap maging artista...PRAMIS! Hahahahahaha!

Comments

Anonymous said…
yay! artistahin ka na talaga sis! hahaha! manang mana.. ehem. hihi!

I hope it was a meaningful holyweek. :)

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...