It is my first post this August...kaya dapat naman hindi puro rants. Haay ano na ba ang nangyayari sa masyadong challenging kong buhay ngayon? Haha!
1.Work - Matatapos na rin ito. Yun na lang ang iniisip ko. Hindi pa naman to the highest level ang pressure. Pero lumalapit. I just trust God na matatapos namin ito ng maayos at maganda. Yihee!
2. Personal - Sa totoo lang napakakulay ng buhay ko. At ngayon lang ako totoong nagi-enjoy ng husto. Hindi ko makuwento ng buo dito dahil baka mabuko na talaga ko rito haha! Makulay ang buhay sa sinabawang lablyf ko. Haha. Tama lang ang timpla pero may sangkap na talagang mapapa-wow ka sa sarap. Hahaha! Ganun ang description. Haha!Oh well. I'm enjoying every second of it. Siguro yun talaga ang gusto ni Lord na gawin ko muna. True friendship is a rare gift after all di ba? =) So friendshipness muna. Wahaha!
3. Dilemma - Oh well, here it comes. I'm planning na lumapit ng SFC chapter. Naguguluhan lang talaga ako kung ngayon taon na talaga. Pero nakakita na ako ng chapter na mag-aampon sa akin. Yung malapit pa sa amin. I live in Taguig kasi. But I serve in SFC sunvalley Paranaque. Pero bakit ganun...parang hindi ako masaya. Oh well kasi andun yung guy na pinagppray ko. Hehe. And leaving my current chapter would mean leaving or losing the chance to know him better? Ganun? Waah. Kadramahan ever! Hehe.I don't know. Yun siguro yung pinakamalaking reason para malungkot. Pero siyempre mas lumaki yung reason ko na malungkot kasi...siyempre yung mga kakilala ko sa chapter na yun...lahat sila..bihira ko na lang makikita. Parang ang lungkot lang. Haay. I have been an active member since na naka-gradweyt ako. So...sobrang nakilala ko na sila. Sobrang naka-bonding. At sobrang naging masaya lang talaga. Kahit malayo pa yung nilalakad ko every Sunday...(ang pilgrimage ko every sunday...haha ang lumakad sa Bicutan way na yun...Grrr! Haha!) kahit na malaki talaga ang gastos...at kahit delikado sa pag-uwi ko sa gabi..(pero hinahatid naman ako ng mga brothers and sisters ko sa pinakamalapit na sakayan...) kahit na...nakakapagod talaga...Parang wala akong nararamdaman pagod mag-serve dahil na rin sa kanila. They are truly wonderful people. Christian in words and in actions... :)
Pero alam ko naman hindi magtatagal ang setup na yun. And maybe God will call me para naman matulungan ang chapter ng Taguig. And I know I will follow. Service yun e. Iniisip ko na lang na hindi naman talaga sila nawala (ang SFC sunvalley)...They are still there in service for GOd. Maiiba lang talaga ako ng lugar.
Haay sobrang mamimiss ko lang talaga sila. And siyempre yung guy na dini-discern ko till now...I don't know. Si God lang talaga nakakaalam. Bahala na...But thank God I met him...Ok na ako dun... =) Mapuputol for sure ang communication namin no..hindi naman marunong mag-text yun...Haha!!! (Rom...quiet ka lang dyan ha. Hehe...)
4. MMLC - Woohoo!! ANg saya ng MMLC. SUper saya... Andami ko natutunan siyempre.
Baruch 2:35. And I will make with them another covenant that shall be everlasting, to be their God, and they shall be my people: and I will no more remove my people, the children of Israel, out of the land that I have given them.
"I will be your God and you will be my people" - And GOd again has spoken...We are God's children. We are His. Masarap lang ulitin sa isip ung promise nya na ito. If we are God's people...we can do anything for His glory and He will never forsake us. And this verse really lifts me up to hold again sa promise nya. Basta...kakaiba yung chill effect nya. =)
Pictures siyempre...marami nyan...Ako yata ang paparazzi. Hehe. Waaa...Lalo ko silang mamimiss..Huhu... Enjoy. :)
Comments