Naiintindihan ko na ang salitang faith sa oras at araw na sinasabi ko ito ngayon. Ang faith ay… 1. kapag hindi ka nawawalan ng pag-asa sa isang kaibigan na babalik din ang dati nyong pagsasamahan kahit na may pagdududa na sya dahil sa nararamdaman pagkailang. 2. kapag kahit nararamdaman mo ang galit sa isang tao pero iniisip mo pa rin hindi sya talaga ganun. Kilala mo ang taong yun. Kapag lumipas ang galit mo…babalik din sa dati ang lahat. In short…hindi naman talaga masama ang taong yun. 3. ang pagtitiwala na nangyayari ang mga bagay ,sitwasyon at pangyayari dahil may dahilan na mas mabuti. Na maaring sa una hindi malinaw sa iyo…pero sa bandang huli sasabihin mo na lang…”Buti na lang pala.” 4. ang paniniwala sa mga bagay na hindi mo nakikita pero alam mo sa sarili mo na nagi-exist. Ito yung mga paniniwala mo na pwedeng mangyari ang isang bagay na alam mo sa sarili mo na posible kapag sinamahan mo ng dasal, gawa at “will”. 5. kapag nalulungkot ka pero iniisip mo na mawawala rin yun at ...
My Crossroads stories