Skip to main content

Guilty ang hatol kay Erap? (Erap vs. Republic of the Philippines sa kasong Plunder at Perjury


Napanood ko kanina sa Kapamilya ang buong coverage report tungkol sa naging hatol ng Sandiganbayan sa kasong plunder at perjury laban sa dating pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada. At ang verdict… (na inaasahan ko rin.. ) GUILTY. Para sa akin (sa akin lang ha…) talagang nagkaroon sya ng kasalanan in one form or whatever no…Haha! Pero tingin ko lahat ng mga nakaupo ngayon sa puwesto gumagawa nun… Plunder…Perjury…Si Erap lang yung na-obvious…nahuli at may nag-traidor na “kumpare” Chavit Singson. Tsk tsk…wala talagang mapagkakatiwalaan ngayon no?

Hehe accdg to Dos news…nadismiss ang kasong perjury kay Erap pero hindi ang plunder. Meron 4 counts of Plunder ang nakasampa laban sa dating presidente. At tulad din na alam nyong lahat…(salamat sa net at sa mga bloggers out there! Hahaha!) na acquit si ang anak ni Erap kasama na yung isang atty na hindi ko kilala..Haha! Oh well…

Ang nakakalungkot lang…eh pinakahihintay hintay talaga natin ang araw na ito…pero anak ni Enteng talaga…Hindi man lang pinaalam sa publiko/ mga tao ang nilalaman ng desisyon (kung ilang pages man yun)…Basta sinabi lang na “GUILTY beyond REASONABLE DOUBT”…. Anu baahh…. Siguro na-predict na rin ng Malakanyang ang pwedeng maging reaksyon ng tao o masa kung malalaman nila ang mga dahilan kung bakit siya nabigyan ng ganun hatol. At nag-agree ako dun sa UP Law professor na dapat binasa talaga yung desisyon…Siguro sa karaniwan tao…ok lang yung resulta ang marinig nila…Pero how you came up with the result…yun…yun ang gusto ko sanang malaman

Matagal na talagang inaabangan ng tao ang magiging hatol na ito…pero yun lang…nakakabanas na kulang na naman ang impormasyon na tingin ko nakontrol na Malakanyang… Sigh…Gusto ko lang ng impormasyon pa. Naawa ako kay Erap…Pero gumawa sya ng kasalanan…na nalaman ng lahat…Kaya…dapat lang nya rin pagbayaran… Eh paano pa yung ibang pulitiko na kurakot…Sana…naman…habang maaga….magbago na kayo…Nabibilang na rin ang oras nyo…Dahil ang mga tao…nagsasawa na sa sistema nyo… Galingan nyo na lang…or else…matutulad din kayo sa kaso ni Joey Marquez na nahatulan din ng dahil sa pangungurakot sa walis… (Overpricing naman kase talaga…Lumulusot pa…Kesyo..dumaan sa bidding…NAMAN! Walis lang dadaan pa sa bidding…OMG!)

Hahaha!

Anyway… basta ganun na lang muna… kung talagang hindi nya yun ginawa…aakyat pa yun sa korte suprema….At kung sya talaga naman at guilty as charged naman si ERAP…sana tanggapin nya na lang…Tutal Reclusion Perpetua lang naman…30-40 years…Malamang may pardon pa sya kasi di ba? Special case yung sa kanya at nakaabang sa knya ang masa. Mas ok na yun…Matapos lang ang laban…at magkaroon na rin ng tuldok sa istoryang ito. Hehe…

Nakakalungkot…alam ko naman na mabait din si Erap…in fact masa ang may gusto sa knya…Yun lang…nalulungkot din ako…na kailangan pa dumaan sa maruming paraan ang pagtulong nya sa mahihirap na katulad ko. Panget din yun…Kahit mahirap…basta malinis ang kunsensya… di ba? Maikli lang buhay…gumawa na lang tayo ng mabuti sa kapwa natin at sa sarili. Hiram lang ang life…so make the most out of it…by living a clean life…yung wala kang tinatapakan…yung wala kang nilalabag na batas… “Give to Caesar what is due to Caesar”, sabi nga ni Jesus… Sumunod tayo sa batas… Anuman ang ginawa natin dito sa earth…malalaman din naman pagdating natin sa heaven… Paano na lang tayo di ba? Siguro madami na talaga tayong utang. Kaya...hala...let's start renewing our ways na.. :) GO!
PS. Sorry sa mga links..hindi yata optimized ang pages ng ABS-CBN website or masyadong madami lang talaga ang competition para sa keyword na "ang hatol kay erap" or "erap's verdict". Hindi ko nakikita ang site nila sa google results. Hmmmn. Kaya ang mga links ko sa itaas ay galing sa Kapuso...hahaah! Dito sila talo ng Kapuso..haha!

Comments

ardee sean said…
naks..gusto ko rin ng parang ganyan na photo shoot..pero syempre for the purpose of photography naman, i'll try it one time..hehe.. i like the advices karen, yung last paragraph -- parang purpose driven life, is it? pero anywayz, more post waiting to be read.. :p
Kangel said…
haha...thanks ardee! :)

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...