Pages

Followers

Thursday, December 29, 2005

Khaenes!

Me: Paano ba mapaglalabanan ang inis?

Myself: Huwag kang lumaban. Just let your feelings flow. Pagpray mo na lang ung taong kinaiinisan mo. Mawawala rin iyan. :) . Intindihin mo na lang yung behavior niya. Be humble to accept your mistakes kasi may mali ka rin talaga. Kung kasiyahan na niya maramdamn naiinis ka... eh di mainis ka... ayaw mo nun nakakapagpasaya ka...hehe joke! Mali ka...At tama siya... ok? Respeto na lang...
Tama na iyan pag-iisip mo...sisirain lang ng nararamdaman mo ang mood mo. Ok?
Smile ka na diyan... Matatauhan din yun. :)

Me: Sana nga. (Sigh!) Pagod na akong umintindi e.. (Sigh!)

Wednesday, December 28, 2005

Happy Birthday Jesus

Dear Jesus,

Happy birthday po. Thanks for continously blessing my life with wonderful gifts( my friends, family at siyempre ung lahat ng experiences with you). And thank you rin po sa spiritual gift na bigay nyo po sa akin. Thanks for comforting me when I'm sad. Salamat din po dahil kasama ko kayo sa lahat ng tests ng life ko. Thanks for being a good friend... a good listener and understanding God. The thought that I made you smile makes me feel really good. Parang ang saya lang ng feeling. Sana ma-fullfill ko ang mission ko rito sa earth, given lang ung time na binigay nyo sa akin. I know God most of the time I sinned in words and in actions. Light man un hindi...you continously to give me mercy and hope to stand up again. Maraming maraming salamat po. Dahil sa inyo hindi ako nawawalan ng hope. Alam kong kontrolado nyo ang lahat anuman mangyari. Pasensya na sa katigasan ng ulo ko minsan kung pinipilit ko ung mga gusto ko. Siyempre mas gugustuhin ko na mangyari ang will nyo para sa akin… Dahil alam ko mas alam nyo ang nakakabuti at nakakapagbigay sa akin ng totoong saya…

Akala ko nga alam ko na yung meaning ng word na sacrifice…but you show me the true meaning of it. At siyempre hanggang ngayon andun pa rin ako sa process ng pag-intindi . =) Pero I learned many things everyday. Alam ko minsan nagkukulang na ako. Pero I know the Holy spirit keeps on reminding me of those high priority tasks I should do… hehehe. Pero marami pa rin…Hahabol ako God. =)

Thanks God. Thanks for your presence in my life. Wag po sana kayong magsasawa. =)
At ngayon birthday mo…gusto ko lang magpasalamat. Salamat na lang dumating ka. Salamat at nakilala kita. Thanks for your promised salvation.

Pang-ilan mo na kayang birthday ito? …

Thursday, December 22, 2005

Happy Anniversary XP—14 – (Belated!)

XP—14.

-Pangalan ng isa mga weirdong batch ng UPLB Computer Science Society.
-Narinig ko ang pangalan na ito sa bibig ng balahurang kong batchmate na si Mac (Mac Albert Bumolo, batchmate ko din). Hindi ko rin alam kung bakit XP… Ang alam ko nung aplikante pa lang kami ito ang kapanahunan ng pag-usbong ng bagong OS… Siguro kaya XP tapos decrement 14 (-- 14) dahil sa reason na nabawasan kami ng isa bago pa kami mag-finals.


Miyembro: Dreb, Nic, Nadia, Sylvie, Joy, Me (of course!) ,Neil, Mac B., Mac C., Jai, Roj,Euge and Dayo.



Image hosted by Photobucket.com


Haay. Late na ang post na ito. Pero its better late than never...

It turn out na naging masaya at talagang nag-enjoy ako na makasama ko ang mga batchmates ko nung Friday night. Akala ko hindi ako magi-enjoy dahil sa pagod na rin talaga ako paglabas ng opisina dahil sa mga tambak pa rin at lahat ay very very high priority task ang ginawa ko at kinailangang matapos. Pero all I can say is nag-enjoy ako mag-stay sa bahay nina neil kasama ang mga balahura kong bathchmates. Marami na silang pinagbago sa hitsura… pero sila pa rin ung mga batchamates kong maloko, nakakatuwa at masarap makasama at makausap.

Siyempre ang gabi ay hindi nakumpleto ng walang inuman at pagkain. Dalawang bote ng tequila ang nakahain sa amin nga gabing un kasama ang asin at ilang hiwa ng lemon…(sosyal!) Isama na rin ang ilang junk foods bilang dinner at pambara…(Ayus!) Buti na lang bago ako tuluyang mahilo at mawalan ng ulirat, nagkayayaan na magpunta sa starbucks… Doon nahimasmasan ako at siyempre mas na-enjoy ko ang nyt kasama sila.

Kanya-kanyang kuwento ng buhay, lovelife at siyempre work life. Pero ang alam ko lang ang presence namin nung gabing yun ang nagpakumpleto ng gabi at event. (anniversary namen.)

Masaya. Talagang masaya… Buti na lang pinilit ako ni besfren pumunta. =) Daming kuwentuhan, inisan, at halakhakan... Better way to wind up at mare-juvenate ang dying brain cells ko...Nice memories na naman ang maitatago ko sa treasure box ko.

Thanks XP—14 and happy anniversary… Till then…

Tuesday, December 20, 2005

Ang Walang Kuwentang Party

Saturday night... Isang magarbong party na pinagkagastusan ang nadaluhan ko. At sa palagay ko yun na ang ang pinakapangit na party na napuntahan ko.
Disappointed ako sa lahat ng na nakita ko. Sa na-experience ko. Hindi ko maiwasan maikumpara siya dun sa dating party. Pero nakakaloka talaga sa pangit. Kung hindi lang andun yung isa kang kaibigan na sumali sa isang event dun.... gusto ko ng ibaon sa limot ang party na yun.

Bakit walang kuwenta?

Maraming hindi inaasahang kapalpakan ang nangyari nung gabing yun. Andun yung nag-brownout na kung hindi ako nagkakamali ay umabot ng 45 minutes. Nag-uwian ang mga tao. Ang gulo-gulo. Ang pathetic talaga. Haay! Paumanhin kung puro negative.. Eh negative naman talaga e. Wala na akong magagawa siguro dun. Sabi nila ito ang first and worst party ever. And would definitely agree. To the highest level!

At ang pagkain…syaks talaga. Mukhang tinipid ang mga tao. Siguro kami lang… Dahil kami ang mga sinawimpalad na ma-late. Ano ba un? Excited pa naman ako kumain dun dahil gutom na talaga ako nung dumating sa party… Pero ang naabutan ko… pulutan ng mga lasing. (Masarap naman kaso yun ang gusto kong i-label sa kinain naming e sa mukha talaga pulutan e.) Pero at least may natira sa amin kung hindi ay sumugod ako sa kalapit na mall na naka-gown para lang kumain. Muntik ko ng gawin yun talaga… Kami ng kasamahan ko. Na-anticipate kaya ito ng committees na siyang nasa likod ng event na ito? O maging sila ay hindi nila naisip na mangyayari ito… O kaya naman hinayaan nila na mangyari ang lahat ng ito…come what may na lang…. Total marahil inisip nila na may mga pera na ang mga tao gawa ng 13th month. Tsk…tsk … tsk! Pathetic talaga. Pasensya na opinion lang.

At ang huli… pasensiya na… pero andami taong wala na rin pakialam sa mga kasamahan nila… Nagsama-sama ang mga lango sa alak, nagpapakasaya at sinasadya sigurong kalimutan ang kapangitan ng party na yun. Ang iba, ginagamit ang kalasingan para makalimutan ang salitang RESPETO para sa babae… Alam ko *aware sila sa kanilang ginagawa. Pero salamat sa salitang kalasingan…maaring excuse sila… (Pero paliwanag kasi sa akin ng kapatid ko na naging nasabak din sa matinding pag-inom…ang mga taong lasing daw ay alam ang ginagawa nila… Gaano pa sila kalasing…) Maaring binigyan sila ng kapangyarihan ng alak upang magawa at sabihin ang anuman gustuhin nila. Tsk…tsk… Siguro ganito na lang talaga ang modernong kalalakihan ngayon… Sana hindi na lang sila moderno… Ayoko talaga ng may nakikitang hindi nirerespetong babae.


Konklusyon ko lang…

Nasayang lamang ang ginastos sa party na yun. Sana ginastos na silang sa ibang bagay o sa iba pang pagkakawanggawa. Siguro nag-expect lang ako ng masyado sa party na yun. (Pero haler! Hindi naman masamang mag-expect…) Siguro nahihirapan lang akong i-absorb ang mga bagay na nakita ko lalo na sa mga taong inakala ko na… Pero siguro isa yung parte ng pagkatao nila na kailangan kong tanggapin gaya ng pagtanggap na naramdaman ko galing sa kanila. At siyempre mas kailangan kong tanggapin na kailangan magwaldas ng pera sa mga ganung event. Tsk…tsk… talaga. Sana pinamahagi na lang nila sa aming mga aba. Puwede na rin sa mga taong walang-wala…Sayang… sayang…

Ang mga nabanggit ko ay personal kong karanasan. Ang inyong violent reactions ay welcome. Pero ang opinyon ko ay opinyon ko pa rin. Nasa democratic (monarchy??? Hahaha!) country naman tayo. Paumanhin sa mga taong maaring maapektuhan… pero sinulat ko ito ng walang pinapatungkulan at ang lahat ay pawang obserbasyon ko lamang. Pasensya…pasensya…pasenya na talaga… pero para sa akin wala talagang kuwenta ang party…

Tuesday, December 13, 2005

Cool Characters

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

And my favorites

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

Gusto ko lang nung pusa at saka yung outfit nung unang girl. Cute (pusa) and fashionable(outfit). :)

Tuesday, December 06, 2005

Krismas Tri

Hirap talaga ng GY kapag Monday para sa akin. Paano ba naman? Wala talaga akong baon tulog. And take note...kagagaling ko pa lang ng isang mahaba-habang biyahe. Sa UPLB... sa aking pinakamamahal na kampus. Pumunta ako doon upang makuha ko sana ang ilang gamit na naiwan dahil sa aking katangahan at sobrang pagtitiwala sa mga tao na maitatago nila yun ng mabuti... Ngunit sa kasamaan palad...

Hay naku! Gusto ko sanang huwag ng pag-usapan pero bahala na talaga si God sa kanila...kung totoo man yun o hindi. hangad ko lang na ang lahat ng gamit ko ay talagang nagagamit at napapakinabangan. Sakit lang talaga dahil talagang mahalaga ang mga yun sa akin. Pero binibigyan ko na lang kunsuwelo ang sarili ko na ang lahat naman ay naibabalik... hindi man parehas pero alam ko higit pa ang damit at halaga sa mga gamit na nawala sa akin. Yun nga lang napagalitan ako nina mama at papa. Isa sila sa mga bumili ng gamit na yun. Dahil alam na alam ko na ang mawalan ng gamit na talagang pinaghirapan mo. Nanahimik na lang ako at pinakinggan ang litanya ng kanilang sweet sermon.

Krismas Tri

Siyempre nag-uwi ako sa bahay ng isang bagay na makakapag-divert na atensiyon nila at maging ako na rin sa pagkawala ng aking mga gamit. Sa wakas. bumili na rin ako ng Krismas Tri o Chrismas Tree (baybay sa Ingles). Ang krismas tri namin ay may habang 4ft, green at maganda ang tindig. Ito yung krisma tri na makikita nyo sa mga mall. Nabili ko siya sa metropolis. At ang pinakamasaya sa lahat ay nabili ko siya sa mababang halaga... Mababa lang talaga... Hindi naman talaga ako makakabili kung mahal. Hindi ko alam pero epektib siya. Hahaha! Epektib dahil sama-sama namin nilagayan ng decorations yung krismas tri. Pasko na talaga! Yey! Sa wakas... Ang krismas tri na yun ang nagdala talaga ng excitement sa mga kapatid ko sa mga pamasko at pagkain. Maski nanay ko...nag-iisip na ng mga ihahanda. Ewan ko ba pero biglang sumakit ang ulo ko...Hehehe! Joke! Pero masaya ako. :)

My Besprens's Bertdey

Nga pala lapit na ng birthday ng bespren ko. Ang bangag na yun. Katampuhan ko siya ngayon e. Hehehe. Hirap kainin yung fried chicken ko. Pero di naman siguro magtatagal ang kaartehan kong ito. Bigyan ko na lang kaya sila ng movie tickets ng girlfriend niya. Hmmn.... Pwede.. Pero pa-martir effect naman yun sa part ko. Libre ko na lang siya...(kaso nga ayaw...mas malaki fried chicken nun e). Hmmn ano kaya ...hmm T-shirt na lang kaya? Hmmn puwede kaso baka magselos girlfreind. Feeling ko sa bandang huli malamang card at ang aking mainit at matamis na pagbati ang mairegalo ko. (Mas tipid pa… hehehe) Andami kasing komlipkasyon sa buhay ng lalaking yun hehehe. kaya siya espesyal sa akin siguro. Siguro nga… Ang tiyaga niya sakyan ang ugali ko e… Haay bespren pramis ko sa birthday mo… iba-BLOG kita. Hahaha!


Zombie Shift

Sigurado akong magmumukha na naman akong zombie ngayong linggo. Zombie na magnanakaw. Nagnanakaw ng oras para makaidlip at makatulog ng konti dahil sa unti-unting pagkatuyo ng cells ko sa utak. Kahit na andami kong gustong gawin hindi ko magawa…sa halip ay ginagawa ko ang blog na ito…para ma-relax at ma-divert ang laman ng utak ko. Yung limang letra isinisigaw ng utak ko. Ang T-U-L-O-G! Mahirap talaga ang magtrabaho sa shift na ito. As in syaks talaga…

Kanina hiniram ko pa yung headset ng kasamahan ko para mabuhay ako at ma-inject ang malakas na musika sa tenga ko para makapag-integrate ako ng estore sa isa naming client. Ang hirap talaga labanan ng antok!!! Hindi ako maka-isip ng susunod na gagawin kahit iutos ko pa sa brain ko. Hindi ko rin alam kung kasama ng antok ko yung nakakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib ko dahil na rin siguro dun sa nilalaklak kong kape. Hay naku…kaya pala maraming nagkakasakit sa ganitong shift. Pero ang trabaho ay trabaho. Kailangan gawin… Kailangan lang magtiis pa ng konti.. Saan pa’t darating din ang umaga…(Hehe)

Nap Breaks for Agents!

Kakaawa talaga ang mga agents dito. Wala man lang silang nap break. Walang pahinga. Tapos ang lakas ng loob ng mga TL na ito magpagalit at sabihin na wala silang kuwenta. Ang nasa isip kasi parati production. Produce! Produce! Produce! Bakit kaya hindi na lang gamitin ng mga TL na ito ang kanilang isip. Magmuni muna sila at magkape.
Para makita at mabalikan nila ang mga oras na nagging agent din sila.


Sana marunong mag-alaga ng tao ang kompanyang ito. Nagsasayang lang sila ng pera kaya sa pauli-ulit na paghahanap ng tao. Haay ang hirap kasi hindi na marunong makinig sa mga taong karaniwan? Tsk tsk tsk!

Wishlist for Christmas

Gusto ko ng book. Nanghihiram lang ako ng libro e. Sana magkaroon ako nito. Maki-kiss ko talaga ang taong makapagbibigay sa akin ng mga bagay na ito. Sana kahit isa lang diyan sa mga iyan…matupad. Pwede din lahat. (Tinatawagan ang mga taong may mabubuting kalooban…kaibigan ko man o hindi. Higit sa lahat yung may kaya at gusto ng magkawanggawa..Hehehe)

I Kiss Dating Goodbye (kung naalala ko pa tlaga ng tama?)
A Good Read Devotional Book or any Christian Book.
Isang puppy
Pair of Rabbits
Body and Hair Spa/ Hot Oil and Hair Relax
5 Grocery Bags (Full of Pang-Noche Buena Foods)

Siyempre yung iba na medyo lang imposible dahil sa maraming kadahilanan…
- Portable MP3 Player
- Digicam
- Laptop pwede na rin Desktop Computer
- Honda Motor color pink. =)

Sa may mabuting kalooban. Pagpalain kayo ni God. Hehe.

Share it

Search This Blog

Loading...