Skip to main content

Boyfriend?

Boyfriend?
Boyfriend? Bakit ba ako tinatanong ng mga tao ng ganyang bagay? Hehehe. Sino ba namang babae ang ayaw na makaramdam ng love galing sa special someone nya?Ano beee... Nagiging windangers talaga ako kapag itong mga bagay na ito ang pinag-uusapan. Pero bakit nga ba wala pa rin akong special someone hanggang ngayon?Hahaha! Tanong ko rin iyan sa sarili ko. Pero friends ang sagot ko --- desisyon ko yun. :)
Ano beee! May mga nanligaw naman sa akin... Pero yun yung mga malalakas ang loob. Hahaha! Kasi naman po eh kasintaray pa ako ng Diamond Star no?!Actually ang totoong reason nya ay dahil sa mas masarap akong maging kaibigan. Ye! One of the boys. Hingahan ng sama ng loob (actually ng lahat ng tao) all around friend... Lahat ng boys noon na type ako lahat tinatarayan ko.(as if naman andami...hehehe) Nyahahaha! Kasi naman ang mga ugok...ang luma ng style. Joke! Kidding aside...hindi ko rin alam kung bakit ako ganoon .Kung sino yung gusto ko un ang tinataboy ko. Malabo? Oo ng labo ko talaga. Pero to cut it short..The reason na single pa rin ang lola mo until now ay....hehehe!
It's my faith. I just trust Him that much na hindi ko na inaalala ang mga bagay na bagay na minadali ng karamihan sa atin. :) I have faith na kahit anong situation o test ang ibigay Niya sa akin...may reason yun.And I love Him that much na kaya ko rin i-accept na possible na mga single ako forever kung iyan tlaga ang gusto niya. I'm ready...Secured ako.It's because I know He loves me. At dahil love niya ako hindi nya ako hahayaan maging malungkot...Therefore hindi nya hahayaan na wala akong partner dito sa aking lifetime dito sa earth...Hehehe! :)
I know He knows all. Lahat ng wishes ko...Kahit yung mga munting bulong ng utak ko...alam ko alam niya. Kaya alam ko naman na matutupad un. Makikilala ko rin yung boyfriend ko. Hehehe! Soon...
Idealistic? Yeah...Pwede itong sabihin ng iba. Pero hey...kanya kanya lang iyan no! :) Masaya ako sa desisyon ko na maghintay. I know He's worth the wait...Pero kapag nakilala ko na nga siya...Humanda siya sa akin...Makakatikim siya sa akin ng suntok,sipa, tadyak. Badtrip siya... ang tagal niyang dumating eh. :)

Comments

Anonymous said…
PATIENCE is a virtue. at ang masasabi ko lang: "i second emotion!" =)

roleth!

Popular posts from this blog

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Ang Aking New Christmas Layout

Wala lang.. Gusto ko lang baguhin uli ang layout ng aking blog dahil sabihin natin na gusto kong sumabay sa season. Hehe. Gusto ko lang na parang maging greeting card ang header ng blog ko at sana ay naging successful ako sa paggawa. Pasensya na at hindi talaga ako creative na designer so suffer muna kayo.. : ) Colors: Dapat Red and Green pero bakit Magenta at Lavander itech? Wala lang rin lang po. Actually sa dami ng mga blog templates na pinagpilian ko..wala akong choice kung hindi gamitin na lang template na ito..ito lang kasi yung medyo akma dun sa naiisip kong design. Maraming ok tlaga. Marami yung mga green and red blog templates..Pero may pagkamadilim kasi sa paningin ko. Eh ayoko naman maging dark ang aura ng blog ko dahil magpa-pasko. Kaya ok na ang magenta at shades of pink at lavender sa isip-isip ko. Tutal naturalesa talaga akong mahilig naman sa pink, secondary ang lavender. Bakit Christmas Greeting ang nakalagay sa header? Eh ano bang care nyo? Hahaha! Joke lamang po. Sa ...

Ang Miting

Ang hirap lang maniwala. Maganda lahat ng sinasabi ng taong yun pero bakit ganun...kahit pilitin ko sarili ko nung oras na yun...25% lang ang kayang i-absorb ng utak ko. Yung remaining 75% lahat un sinusuka ng utak ko. Hindi ko alam kung masyado lang siyang idealistic o ako lang yung pessimistic. Kagagaling ko lang sa nakaka-exhaust na meeting . Ang taong di ko sinasadyang naba-bad mouth ko kahapon pa ay hindi naman pala stupid after all. Isa pala siyang matalinong tao. Magaling magsalita (as literal na magaling) at mukhang matalino talaga. Bawat statements niya o arguments sa meeting na un ay talagang patama but most of the time encouraging. Nakakabuhay ng pangarap. Nakakapagpaisip sa amin na mag-self evaluate uli. Nag-aanyaya na magtiwala sa sistema na gusto nyang ma-implement. Magtiwala sa kanya as a leader. Haay mahirap yun… Oh well mukha naman masipag siya. Mukhang naman kakayanin nya. Kaya nya. Mukhang makakabuti naman sa lahat ang mga policies nya e… Sige…makikinig muna ako at s...