Iba na siya.
Oo iba na siya kasi hindi na siya yung dating sweet na kakilala ko. Iba na siya dahil nag-iba rin ako sa kanya. Nararamdaman niya kaya ang pagiging iba ko sa kanya? Pero kailangan ko sigurong gawin ito para na rin sa ikabubuti niya at ako rin siyempre. Hindi nya alam mas mahirap ang ginagawa ko kaysa sa ginagawa niya. Hindi ko ito gustong gawin pero kailangan eh.
Teka paano ko ba nalaman na iba na nga itong kaibigan ko? Baka ito lamang ay isang hypothesis na nahugot ng utak ko sa sandamakmak na observations na nakikita ko bawat araw. Pwede...Pwede rin totoo. Pero hindi naman ako yung tipo ng tao na bumubuo ng konklusyon sa pira-pirasong datos. Anupat nakapagtapos ako para hndi malaman ang siyentipikong proseso. (Pero siyempre pinagdududahan pa rin ito ng mga pilosopo.)
Hindi ko alam kung saan ko nakuha talento ko? Kung talento nga itong matatawag no? Hindi rin...Siguro gift ito. Yung nababasa ko ang nararamdaman ng tao sa pamamagitan ng pagsasalita at pagtingin sa kilos nila...Pati nga past nila minsan pwede kong malaman...Tapos ako, dahil sobra ko itong iniisip naapektuhan ako...
Iba na siya.Ang konklusyon ng datos na nakalap ko ang magsusuporta nun. Idagdag pa natin ang sinasabi ng utak ko tungkol sa maaring dahilan ng pagiging iba niya. Gusto nyong malaman ang konklusyon?
Ang konklusyon:
Gusto ko rin malaman eh. Pero siya pa rin ang nakakaalam nun...
Nalilito siya ngayon kung ano ang nagiging epekto ng isang tao sa kanya. Nag-aalala siya sa maaring pagbabago niya kung papakinggan niya ang taong matagal ng isang naging malaking tanong sa isip niya. Natatakot siyang magbago sa takot na mapagtawanan. Sumuko na siya...un ang laman ng utak niya ngayon...Hanggang doon na lang ang kaya niya...Patuloy siyang nagpapadala sa agos ng halos walang ginagawang anuman kakaiba. Pero alam niya na sinasaktan niya ang taong iyon.
Grabe no?! Well sumasakit ang ulo ko sa sobrang pag-iisip. Ganito na lang siguro ako parati.
Ayoko na nga no. Haay! Gusto ko ng maging iba ang laman ng utak ko bukas. Mag-arcade kaya ako ngayon...Pwede.

Comments