Nung sinabi niya sa akin yun...kakaiba ang naramdaman ko. Naramdaman ko na parang gusto kong tumakas. Umalis. Natakot ako. Paano kung hindi ko kaya? Paano ko isusuko ang mga bagay na matagal ko ng pangarap at naplanong tuparin pagdating ng araw. Feeling ko nagsisimula pa lang ako na tumakbo sa race...nadapa na ako. Ang hirap i-explain ng state na na nararamdman ko ngayon pero detalyado siya sa utak ko.
Hindi ko alam kung bakit parang naduduwag akong harapin ang sitwasyon ngayon. Eh dati parang ang dali-daling i-plano. Iba na pala pag yung totoo na. Mahirap tlgang isipin. Pero sabi nga ng kapatid ko...nandiyan na iyan...Pangatawanan ko na.
Kung iisipin ko nga naman parang ang hirap di ba? Pero alam ko nahihirapan lang naman ako kasi iniisip ko ang sarili ko. Ang mga plano ko. Pero kung iibahin ko ang oryentasyon ko sa mga nangyayari at isipin na madali lang naman itong gagawin ko, hindi siguro ako mahihirapan. Siguro kailangan ko i-recollect ang mga totoong plano ko noon. Ano ang totoong nakapagbibigay sa akin ng saya? At ano ang depinisyon ko noon ng saya?
Alam ko kaya ko naman eh. Ewan ko ba kung sinong nagsasabi sa akin na hindi ko kaya at pinanghihinaan ako ng loob. Ang alam ko lang gusto kong maging masaya. At sasaya ako kung makikita ko silang masaya.

Comments