Umaga. 4:00 AM Thursday.
Biro mo nagising ako ng ganitong oras...May miting kasi kami...Isang umagang nakakaantok. Naalala ko na naman ang buhay ko noon sa dorm. Ang aking makulay na buhay sa dorm. :) Madalas kapag ganitong oras pa tlaga tulog pa ako o kararating ko lang galing sa gimik. Hehehe!
Nagiging senti ata ako ngaung mga nakaraang araw. Naiisip ko ang mga posible pang mangyari sa buhay ko. Nalilito na nga ako minsan kung ano na talaga ang mga nararamdaman ko. Nahihilo na ako. Kailangan ko ng uminom siguro ng gamot. Isang gamot na pwedeng makapagpawala ng hilo ng utak ko. O kailangan ko lang ng taong may mapagsabihan.
McDo - Along Jollibee Plaza
Isang breakfast session kasama ang lahat ng officemates ko. Maingay silang lahat...Pero ang utak ko totoong maingay sa katahimikan. Minsan nararamdaman ko na lang nitong mga nakaraang araw na ayoko ng magsalita. Siguro na-shocked lang ako sa mga nakikita ko at nakakasalamuha kong tao. Iba kasi ung noon...Nung estudyante pa ako...At iba na rin ngaun.
Nasa state ako na inaalam ang tinatawag nilang "way of life" ng mga taong employed. Gusto ko lang manahimik para pakinggan sila. Sa sobrang hilig kong makinig sa kanilang mga kuwento... Pati ang sarili kong kuwento ayoko ng pakinggan. Kuwento ng buhay ko noon na kahit sino ata sa mga kaibigan ko ay alam... Ngayon, bakit parang mailap pa ako sa hayop na magkuwento? O wala lang akong mapili na mapagsabihan ng totoong ako? O wala lang talagang interesado?

Comments