Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2005

Lucky me!

Yey! Kakaiba ang morning ko kanina. Hehehe. Pumunta bestfriend ko kanina sa oras na palalim ang tulog ko. Teka his name...hmmn, kunin nyo na lang sa YM id ko sa yahoo || kunin nyo sa isang bagay na noon ko pa gustong-gusto kolektahin + "o". I'm glad I saw him. Feeling ko siya ang naging sagot sa aking mga prayers. Sobra kasing sumasakit ang ulo ko sa kaiisip nga dun sa problema ko. I guess I just need an outlet. Poor him! :D Hindi pa rin siya nagbabago. Ganun pa rin siya magbiro. And he really knows kung paano niya ako mapapatawa. Nakalimutan ko nga yung mga problema ko. Alam ko nung dumating siya nung umagang yun...I know somehow...alam niya na may prob ako. Pero alam niya ang solusyon e. Kailangan ko lang taong makikinig. :) Na-appreciate ko talaga yung mga ginawa niya kanina. Kahit ayaw niya akong patulugin.... Grrr! Hindi niya alam kung gaano ako kaantok...Pero wala siyang pakialam dun. Hayun! Napilitan akong pakinggan ang kanyang golden voice habang videoke king ang

Snapshot

Bago pa kung anu-ano ang isipin ko...Isusulat ko na lang. May nararamdaman kasi akong kakaiba talaga this past few days. Nalulungkot ako ng di ko maintindihan dahil sa isang balita na wala naman talaga akong pakialam. Teka nalalabuan kayo...Ako rin. Di ko maintindihan ang sarili ko. Badtrip? Yeah. Ewan. Grrr! Sana malinawan na rin ako no? Ayoko ng ganito. :(

Fotografi

Sa totoo lang...ginusto ko rin mag-take ng photography lessons sa LB. Nakakakatuwa kasi makakita ng mga larawan na gustung-gusto mong makita... mga pictures na nakakapagbigay ng relaxation sa pagod mong utak at mga pictures na kapag nakita mo, mabibigkas mo talaga ang mga salitang "WOW!", "Ang galing!" at "Ang ganda". Kanina ko lang ito nakita sa blog site ng isa sa mga brod ko ata ang mga pictures na nasa ibaba...( http://fotografi.blogspot.com/ ) pero dami ko kaagad naalala memories. (Sa dami kasi ng mga brod ko, hindi ko na talaga sila kilala ng personal. Pero papayagan naman siguro ako ni Mark na i-post rin ito sa blog ko. Hehehe!) At para kay brod...grabe ang galing mo! Bravo! Splash Relaxing! Ortigas Skyline Wow! Hindi ko alam na maganda pala ang Ortigas. Morning Isa sa mga di ko pagsasawaan tingnan. Falls Gimik Memories! Journey Way to IRRI-UPLB Common but Nice!

Pros and Cons

Shock Absorber? Siguro kung tatanungin ako kung anong bagay ang hindi ko pa ma-absorb sa ngayon, (haler no!) ay hindi ko pa masasagot. Paano ba naman nahihirapan akong maghanap ng right words para sagutin yun. Ayoko ng maging padalus-dalos lalo na ngayon. Iba mag-isip ang tao eh. Iniiwasan ko na yung nagsasalita na lang basta ng hindi nag-iisip. Kasi nung college stude pa lang po ako eh, may ilan nagalit sa akin ng hindi ko alam. Hindi ko naisip na maaring hindi nila matanggap ang mga sinasabi ko. Sinabihan nila akong insensitive, dumb and tactless. Ang sakit nun...Ayoko magsalita dahil ayoko silang ma-condemn. I think it wont help. Gusto ko lang makinig. I-weigh ang mga bagay-bagay. Pero sa totoo lang nahihilo na ako ng kakaisip. Halo-halo na kasi. Siguro tama rin sila. Siguro mali ako. Siguro masyado pa talagang maaga para magsalita. Kasi wala pa ako sa mga pinasok nilang sitwasyon. Maari rin masyado lang akong seryoso sa pag-iisip ng sagot. Haay! Hindi ko alam kung bakit ako ganito

Ping! Pong!

Yey! Naging winner din ako!!! Close fight!!! Yeheey!

Read my Mind

Mansiyon Namin Nakatira ako ngayon sa isang mansiyon. Oo mansiyon. Maliit lang talaga actually ang bahay na yun. Pero ngayon ko lang talaga uli nakasama ang mga magulang ko at ang mga kapatid ko. Matapos ang ilang taon kung pagtira sa dormitoryo... Ang laki pa rin ng paggalang sa akin ng mga kapatid ko. Halos parehas lang nung umalis ako para mag-aral sa LB. Sina mama at papa...pinapakinggan na ako. May halaga ang bawat salitang binabanggit ko sa bahay. Nakikinig sila. Hindi ko alam. Nakakatuwa. Natutuwa ako dahil kahit nawala ako...andun pa din yung pagmamahal at respeto. Mayaman kami sa tawanan sa bahay. Si papa strikto talaga pero siya ang comedy king ng bahay namin. Sa kanya nakuha ng mga kapatid ko ang pagiging masayahin at makuntento sa buhay kahit sobrang hirap na kami... Masaya pag nasa bahay ako. Lahat na ata ng stress sa isip at katawan ko nawawala. Pati yung stress sa heart. Hehehe! -------------- HEART STRESS Speaking of stress sa heart, may napapansin lang akong kakaiba ta

Thoughts

Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, "Never will I leave you; never will I forsake you." So we say with confidence, "The Lord is my helper; I will not be afraid. What can man do to me?" Most of the things we worry about have no eternal significance. No to Alternatives Haay bakit ba ang hirap makuntento ng tao? Bakit kasi nakakaramdam ng ganun? Lahat na lang gusto makuha...Lahat inaasam....Kadalasan pa yung mga gusto nila hindi talaga para sa kanila? Paano ko naman nasabi? Wala lang...vibes lang. Nakikita naman kasi kahit paano na wala talaga. Yung tipong sinubukan mo ng makailang beses pero wala pa rin. Andami alternatives pero hindi mo nakikita kasi sa yun lang ang gusto mo. Guilty rin ako diyan. Hanggang ngayon. Hirap talaga. Pero ito madalas kung ipayo sa sarili ko. Move On. Kung hindi para sa iyo... hindi talaga di ba? Matagal na proseso yun. Tapos para mas effective eh masinsinang prayers. Effectiv

Mad

Sa mga babasa: Pasensiya na kayo kung hindi nyo maitindihan ang blog ko ngayon. Just wanna burst all these emotions. Bukas ok na ako promise. I think its unfair! But what can I do? Wala naman akong magagawa...Ang magagawa ko... to think and absorb all these things are happening. I hate it! But I know I must accept it. Nobody can help me. Not even them. Ako ang may kasalanan ng lahat. At alam ko naman na God allow this to happen. But let me express my grief God. I am really sad on hearing today's news. Kahit sino ata na magyaya sa akin na uminom at this moment ay papayag ako. I am so sad. I wanted to cry. Pero OA naman kung iiyak ako. Pero yun talaga ang nararamdaman ko. Lahat na lang ng malungkot gusto kong iiyak. Pero alam ko kailangan ko tanggapin. Wala naman talaga justice dito sa earth. Kahit kailan. (Pero siyempre emotional na naman ako...) Ayoko na naagrabyado pero parati yung nangyayari. I hate it! I hate it sobra! Pero ganun ata talaga...Wala akong magagawa. Ayoko magalit..

Happy Beeday!

Happy birthday Joy! Naalala mo pa ba nung June 13, 2000. Natatandaan ko una tayong nagkita sa ballroom class. First P.E. natin. Ang unang napansin ko sa iyo nun...hehehe...super jolly, parating nakangiti at clumsy ka. Tapos naisip ko pa nun kung kamag-anak mo yung teacher natin na si Ms. Luna. Hahaha! July 4, 2005. Ilang years na pala. Naroon pa rin sa iyo ang mga ngiti. Yung tawa na kahit sinong makakarinig ay magkakaroon ng relief. Ilang taon na pala kitang bestfriend. Alam ko sa kabila ng mga ngiti mo at pagbibiro sa mga tao, naroon ang sakit ng past mo. Pero ngayon ok ka na. Lahat ng prayers ko sa iyo bestfriend nagkatotoo na. Masaya ako para sa iyo...Dahil lahat ng makapagpapasaya sa iyo ay nariyan sa tabi mo. Masaya ako dahil kahit matagal...totoong natutupad ang mga prayers ko para sa iyo. Happy birthday bestfriend. Tandaan mo ako pa rin ito. Di nagbabago. Sana maging masaya sa panibagong taon ng blessings na binigay sa iyo ni God. Wish all the best! Love you bestfriend! Maliga

Seeing Him

It will be worth it all when we see Jesus, Life’s trials will seem so small when we see Christ; One glimpse of His dear face all sorrow will erase, So bravely run the race till we see Christ. —Rusthoi Comforting words. Sa dami ng trials na pinagdaanan ko, nakakatuwa na maalala yung goal ko... :) Ang makita Siya. Nakakangiti pa rin ako pagkatapos ng sobrang dami ng trials. Umiiyak pero hindi nagagalit. Alam ko na kahit wala sa akin ang lahat, as long as I have this faith...makakaramdam ako ng "peace". Thanks for all the strength and wisdom God. :)