Skip to main content

Read my Mind

Mansiyon Namin

Nakatira ako ngayon sa isang mansiyon. Oo mansiyon. Maliit lang talaga actually ang bahay na yun. Pero ngayon ko lang talaga uli nakasama ang mga magulang ko at ang mga kapatid ko. Matapos ang ilang taon kung pagtira sa dormitoryo...
Ang laki pa rin ng paggalang sa akin ng mga kapatid ko. Halos parehas lang nung umalis ako para mag-aral sa LB. Sina mama at papa...pinapakinggan na ako. May halaga ang bawat salitang binabanggit ko sa bahay. Nakikinig sila. Hindi ko alam. Nakakatuwa. Natutuwa ako dahil kahit nawala ako...andun pa din yung pagmamahal at respeto.
Mayaman kami sa tawanan sa bahay. Si papa strikto talaga pero siya ang comedy king ng bahay namin. Sa kanya nakuha ng mga kapatid ko ang pagiging masayahin at makuntento sa buhay kahit sobrang hirap na kami... Masaya pag nasa bahay ako. Lahat na ata ng stress sa isip at katawan ko nawawala. Pati yung stress sa heart. Hehehe!

--------------
HEART STRESS

Speaking of stress sa heart, may napapansin lang akong kakaiba talaga sa akin lately. Medyo mas ok na ako kaysa nun. In terms of what? Saka na... Gusto kong intindihin ang lahat ng nakikita ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Kasi zero percent ang experience ko...natututo ako sa kanila. And because I have this gift of listening, marami akong nalalaman at malalaman pa. May problema lang ng konti...medyo nai-internalize ko ang mga sinasabi nila. Hahaha! Tapos, pinu-problema ko rin ung problem nila. Kung hindi ko sila matulungan talaga...i pray for them. Kahit dun lang makakatulong ako.
Kasi minsan napupuno na talaga ang utak ko. Katulad ngayon, sa blog ko na lang dinadaan lahat ng bigat ng utak ko.
Ito... ano ang latest! Meron akong incoming problem. Ikaiiyak ko talaga ito. Pero ayoko muna intindihin. Kung pwede lang sana mangyari lahat ng iniisip ko. Kaso...masyado pang maaga. I don't know the plan eh. Kung ano ang role niya sa complicated life ko. Hahaha! Pero yung last time...buti na lang talaga...Nakaka-recover kahit papaano.
Haay! Sana matapos na itong test ko. Kasi alanganin talaga. Anuman ang resulta. Failed man ang taong pambato ko o hindi para sa titulong un, eh di tanggapin na lang ng maaga. And look for greener pasture. :) Bata pa naman ako.
Read my mind. Kung totoo ang sinasabi mo tungkol sa akin. Hindi ako aamin. Paano mo ako mapapaamin ng totoo?

Comments

Popular posts from this blog

When is the right time?

When is the right time? There is just this one guy who makes me happy everyday. He makes my heart beat faster. He makes me feel really special even he intends not to. I wanted to express what I feel but I'm afraid it may not be the right time. God only knows when... New Chapter: The Japanese  I wondered...why am I always affiliated to "japan" word. I was never a super fan of any anime. Oh there is one...Sailormoon series. Naruto? so so. Ah Yugi-oh! :D Gladly, I started and ended only these two series. And in between I met some japanese folks - some of them are acquaintance  and wives of friends. One of my friend dreams to flew in Japan. Another one is a collector of manga characters. Friends and college friends work there. Now surprised! I was hired by Aeon  as Managing Software Consultant for a project - a japanese company. Never thought of it. But my subconscious mind has been absorbing too much information about Japan and japanese culture. Now my turn ...

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."