Skip to main content

Lucky me!

Yey! Kakaiba ang morning ko kanina. Hehehe. Pumunta bestfriend ko kanina sa oras na palalim ang tulog ko. Teka his name...hmmn, kunin nyo na lang sa YM id ko sa yahoo || kunin nyo sa isang bagay na noon ko pa gustong-gusto kolektahin + "o". I'm glad I saw him. Feeling ko siya ang naging sagot sa aking mga prayers. Sobra kasing sumasakit ang ulo ko sa kaiisip nga dun sa problema ko. I guess I just need an outlet. Poor him! :D

Hindi pa rin siya nagbabago. Ganun pa rin siya magbiro. And he really knows kung paano niya ako mapapatawa. Nakalimutan ko nga yung mga problema ko. Alam ko nung dumating siya nung umagang yun...I know somehow...alam niya na may prob ako. Pero alam niya ang solusyon e. Kailangan ko lang taong makikinig. :)

Na-appreciate ko talaga yung mga ginawa niya kanina. Kahit ayaw niya akong patulugin.... Grrr! Hindi niya alam kung gaano ako kaantok...Pero wala siyang pakialam dun. Hayun! Napilitan akong pakinggan ang kanyang golden voice habang videoke king ang drama ng loko! Mahilig kasi siyang kumanta pero hayun...nakakayanan naman. Hehehe. Hindi siya sintunado...pero pinipilit niyang maging sintunado...para hayun laitin ko... Papansin kasi. Hahaha!

Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa mga prinsipyo niya sa buhay. Pero hindi niya ako pinipilit na tanggapin yun. Pero siyempre ramdam niya naman ang respeto ko. Kaya nga kami nagkakasundo. Karamihan sa plano ko di niya sinusunod...pero tanda niya lahat ng sinabi ko. Kahit ata yung mga sinabi ko nung nakaraang taon. Tsk tsk tsk! Kawawang bata hindi niya alam na gifted child siya.

Haay! Pambihira talaga siya. Thanks God for sending him dahil na-relax talaga ang utak ko. Sobrang suwerte ko...bestfriend ko ang taong yun. :))

Comments

Popular posts from this blog

When is the right time?

When is the right time? There is just this one guy who makes me happy everyday. He makes my heart beat faster. He makes me feel really special even he intends not to. I wanted to express what I feel but I'm afraid it may not be the right time. God only knows when... New Chapter: The Japanese  I wondered...why am I always affiliated to "japan" word. I was never a super fan of any anime. Oh there is one...Sailormoon series. Naruto? so so. Ah Yugi-oh! :D Gladly, I started and ended only these two series. And in between I met some japanese folks - some of them are acquaintance  and wives of friends. One of my friend dreams to flew in Japan. Another one is a collector of manga characters. Friends and college friends work there. Now surprised! I was hired by Aeon  as Managing Software Consultant for a project - a japanese company. Never thought of it. But my subconscious mind has been absorbing too much information about Japan and japanese culture. Now my turn ...

The Bench Story

Location: Rizal Medical Center habang sinusulat ko ang entry na ito, nakaupo ako at hinihintay ang pamangkin ko, mama at pinsan ko ( siya yung nanay)  Sinugod namin sya kasama ng nanay ko at nanay niya dahil sa matindi nyang pagsusuka. Sabi nila nausog daw...pero sa dami ng laway na natanggap nya wala pa rin makapagpagaling sa kanya. Kaya heto kinailangan na ng professional help para mas malaman kung ano ba tlaga ang sakit nya. naghahanap ako ng mauupuan at nakita ko ang bakanteng upuan kung saan andun ang mag-asawa. Habang sumesenyas ako na at nagpapalaam na kung pwede bang umupo...nakita ako ng asawang lalaki at pinagsabihan ako....na "mag-ingat ka baka masagi mo ang sugat sa paa ng asawa ko". Ang sungit no? Pero  imbes na mainis ako at magalit ako... odd thing is...napangiti pa ako. :) The Break up - Reason I  once had a relationship that it fails because somebody failed to take care of me and to protect me.  Nakakalungkot na rason yun no. Well,  we all...