Skip to main content

Pros and Cons

Shock Absorber?

Siguro kung tatanungin ako kung anong bagay ang hindi ko pa ma-absorb sa ngayon, (haler no!) ay hindi ko pa masasagot. Paano ba naman nahihirapan akong maghanap ng right words para sagutin yun. Ayoko ng maging padalus-dalos lalo na ngayon. Iba mag-isip ang tao eh. Iniiwasan ko na yung nagsasalita na lang basta ng hindi nag-iisip. Kasi nung college stude pa lang po ako eh, may ilan nagalit sa akin ng hindi ko alam. Hindi ko naisip na maaring hindi nila matanggap ang mga sinasabi ko. Sinabihan nila akong insensitive, dumb and tactless. Ang sakit nun...Ayoko magsalita dahil ayoko silang ma-condemn. I think it wont help. Gusto ko lang makinig. I-weigh ang mga bagay-bagay. Pero sa totoo lang nahihilo na ako ng kakaisip. Halo-halo na kasi.

Siguro tama rin sila. Siguro mali ako. Siguro masyado pa talagang maaga para magsalita. Kasi wala pa ako sa mga pinasok nilang sitwasyon. Maari rin masyado lang akong seryoso sa pag-iisip ng sagot. Haay! Hindi ko alam kung bakit ako ganito mag-isip.
Naisip ko kung insensitive pa rin ba ako hanggang ngayon. I think yes sa ibang aspeto. Hahaha!
Basta aalahanin ko na lang ang sinabi ni Arcy. "Smile and Fight!"


Auction Night

Naalala ko ang auction night nung mga applicants pa lang kami sa isang academic oraganization. Naalala ko ang kaba ko nun. Hindi ko maipaliwanag no! Parang gusto ko na umatras at bansagan na quitter na lang. Ayokong ibenta sa auction night. Ayoko ibenta ang sarili ko. HIndi ko alam kung paano. Naisip kong hindi mga tao ang mga members ng org... Tao ang ginagamit nila para magkapera.Sobra di ba? Kapag nabili ka...5 hours kang slave ng member. Siyempre kuwento ko yung performance ko.
Kapag binebenta mo pala ang sarili mo...sasabihin mo ung mga talents mo. The more na kalog ka at katatawanan ka sa paningin nila, mabenta ka. Dapat sasabihin mo marunong ka maglinis ng CR, magmasahe, maglaba, etc. Yun ang talent na gusto nilang marinig..Siyempre kapag maganda ka at seksi o kaya naman guwapo ka at matipuno ang pangatatawanan, magmodel ka lang ok na sa kanila. Nasaan ako roon? Hehehe...

Pasaway na ako noon pa. Ayoko silang bigyan ng kahit konting kasiyahan. Hindi ako natutuwa noon sa mga ginagawa nila. Naiisip ko na walang puso ang mga taong yun. Kaya hindi ako nagsalita. Sinabi nila na wala akong kwenta. Tinanong nila ako kung ano ang talent ko...sabi ko marunong akong mag-flute. Asar sa akin ang members ng gabing yun. Pasaway talaga eh. To cut the story short, nabili naman ako, sa mababang presyo nga lang. Masakit pala yun. Mababa lang ang presyo ko.

Tingin ko hanggang ngayon mababa pa rin ang presyo ko. Hehehe! Pasaway pa rin ako hanggang ngayon e...Pero kilala ko naman ang sarili ko eh. Ang hindi nila alam bibihira lang ang katulad ko. Hehehe. Sa totoo lang kung ibebenta ako...wala talaga akong presyo...dahil hindi naman ako pinagbibili eh.

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l