Nakasama ko ang isang kaibigan kahapon. Nakita ko lang siya sa megamall. Nakita ko marami siyang kasama kaya lumapit ako. Umorder ako… Take out. Kasama ko siya lumibot sa megamall. Sa pamamagitan niya nasabi ko ang lahat ng mga naglalaro sa utak ko. Ang lungkot, saya at pagkainis ko. Sa kanya ko isinumbong ang lahat. Hinintay ko siyang magsalita pramis! Pero pinakinggan nya lang ako. Sad… pero mas ok na rin yun. Kasi baka sumigaw ako kapag nagsalita siya… Siguro mas alam nya na kailangan ko ng makikinig sa akin. Naging shock absorbent ko ata siya. Nakakatawa pero matapos kung masabi sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin at lahat ng nasa isip ko. Katahimikan… Naramdaman ko napapayapa na ako. Salamat na lang kasama ko siya. Feeling ko naging mediator ko siya ka God. Lahat sinabi ko… Kasama dun yung kinaiinisan kong kaibigan ko ngayon, pati na rin yung pressure sa bahay, yung mga plans ko sa Pasko kasama na ang mga gusto kong bilhin, yung wish ko na sana ay manalo man lang ako sa raffle sa company Christmas party namin, yung cellphone na gusto ko mabili sa megamall, ang mga barkada na nagsabing mag-boyfriend na lang ako kahit sino for the reason baka mahalin ko rin naman siya in the future, yung pangarap kong laptop, yung meeting naming sa Sunday sa bahay ng barkada ko kung saan naroon ang kanyang bro na aking former crush… Syaks! Andami palang laman ng utak ko… Malamang kung isulat ko at ikuwento… di ako matitigil. Natigil na lang ako ng magkuwento at magmuni nung wala na siya. Ubos na ang iniinom kong MOCHA FROST.
COFFEE SHOPS
Paglilinaw lang. Wala akong galit sa coffee shops. Sa totoo lang ay isa ako sa mga fanatic sa mga produkto nila. Naisulat ko lang ito gawa ng malikot kung utak. Pasensya na po sa aking sasabihin.
Dati ang tingin ko sa mga mamahaling coffee shops katulad ng starbucks, figarro, mocha blends atbp ay mga lugar na kung saan nagmi-meet ang mga taong maykaya for the business and personal purposes. Pero kahapon nalaman ko na sa coffee shops na ito nagbibiruan, nag-uusap, nagsisiraan o nagpa-plastikan ang mga tao. Sa mga ganitong lugar din nararamdaman mo na kasama mo ang mga nakakaangat na tao sa lipunan. Sa lugar na ito nagre-relax ang isang tao marahil kasama ang diyaryo at 100+ na kape. Mahal no? Talaga! Isipin mo na lang yung halaga ng 100+ na kape na ito sa mga taong walang-wala… Yung di pa nakakain at yung mga batang namamasura makakuha lang ng pandagdag sa pambili ng pagkain at pangkape na rin. Hindi ba nakakakunsensiya?
Talaga naman ang makaka-afford lang ay yung mga taong maykaya at nagpipilit na maykaya. Anuman ang rason nila siyempre hindi ko na rin malalaman. Teka ano ba ang rason ko?
Hmmmn… gusto ko lang magmuni. At naisip ko lang kung gagawin ko yun at iinom ako ng ordinaryong kape…hindi ko yun mapi-feel. Ordinaryong kasi ang lasa. Parati kong natitikman. Kaya patawad muna sa kapos palad… gusto ko i-treat ang sarili ko sa masarap na kape na may kakaibang lasa kaso lang talaga mahal. Sa kapeng yun nasabi ko ang lahat ng nasa utak ko. Mas ok na yun kaysa naman sa alak. Magbabayad pa ako ng sin taxes Di ba?
The Coffee Experience
Masaya naman ang coffee experience ko alone. Wala lang talaga akong makausap. Pero ang masasabi ko lang mas mura siguro kapag isang kaibigan tao ang kasama ko kaysa sa isang mamahalin kape no? Ok lang siguro…Tutal, minsan ko lang naman gawin at minsan lang naman ako gumastos para sa sarili ko. =)
At least ngayon alam ko na kung ano ang nagagawa ng kape sa isang problemadong tao. =)

Comments
Thanks Ate Rheena. Miss na kita tlaga. Mwaahness!
lam mo sabi ko? - "no comment po"