Skip to main content

Finally!

Finally!

Finally, nakauwi na rin mama ko from her so called "vacation". Hindi naman siya talaga "vacation" dahil alam ko kasama nag-sunbath nga mga bigas ang skin niya na matagal na niyang wish nyang pumuti. Yun umitim siya uli ang I know it will take five(5) likas papayas for her to be back in her normal color… :D Hahaha! Together with my comedian papa, binuhat nila talaga ang saku-sakong bigas at ilang mga gamit naming sa bahay…(take note! Yung mga gamit sa bahay includes our books, a television, bolos, eggs, dried fishes and some clothes) Ang tibay talaga ng dalawang yun. Thumbs up talaga ako! ;)

Finally, matatapos na rin ang aking mega multi-tasking life. From being a simple ate and mama, a “pwede ng” cook, a tutor, a seriotic developer and ang nakakasakit sa ulo na decision maker to the max…Yeeeessss! Sa wakas… Yey!!!

Sanay naman ako talagang gumawa ng mga decision but iba na pala talaga kapag totoong buhay. Ang nangyari kasi this past few weeks ay nag-file up ang mga bagay na dapat kong gawan ng decision. But life is all about making decisions! Hehehe… So what?! So far lahat naman ng mga decisions ko ay naging ok though nag-cause talaga ito na pagkatuyo ng utak ko at pagkamatay ata ng ilan sa mga cells ng brain ko. Sabi ko I need to relax. Kaya ko naman gawin pero hayun ang lakas talaga ng dikta ng utak ko… gumagawa ako ng mga decisions na most of the time sacrifice talaga sa part ko. Why called it sacrifice? Basta mararamdaman mo ayaw ng “self” mo pero dahil kailangan itong gawin for the sake of “nakararami”…gagawin mo na lang di ba?.

Everyday dini-dictate na lang ng brain ko ang mga dapat kong gawin. Pero himala talaga at the end of the day ay nagiging clown pa ako sa bahay. Nakakatawa at nakakapagpatawa pa ako… Though sa simula pagadating ko sa bahay…nagsusungit ako talaga…Mahirap? Mahirap talaga!!! Pero masarap din kasi I realized in the end of each day na kaya ko pala. God sustains me! I know… ;) Kung pwede lang ilagay sa resume yung mga accomplishments ko everyday I know magiging isang libro yun.Hahaha!

At least ngayon dito na mother ko…mababawasan talaga ang ilan sa mga iniisip ko. Hindi tulad nung wala siya… Pati ulam sa umaga, tanghali at gabi…kailangan kong gawan ng decision…Haay! Hindi kasi ako nakaisip ng magandang algorithm sa buong scenario… Set-up tuloy….wala akong choice…I remember Travelling Salesman Problem” - At each stage visit the nearest unvisited city to the current city".” Parang ganito ang naging ginawa kong process… Badtrip! Ang bagal ng running time ko… dami kong nagagamit na resources…Haay!

NOW!

Finally, makakapagplano na rin ako para asikasuhin ang pagpunta ko sa UPLB.

Finally, makakarecover na rin ang ilang cells ko sa brain. Renewal time! Sana magregenerate silang lahat which I think lang naman na kailangan ng mahaba-habang oras ng pagtulog which poses a problem. Kulang talaga ako nun… ;) Ng ano? Ng ORAS para ilaan ko sa pagtulog…Dahil…dahil… sa maraming kadahilanan. Hehehe! Well kung pwede lang matulog ng Friday night at magising ng Monday morning. Pwede na un….Sana may ganun. :)


Finally, I realized na hindi sapat ang one-time sacrifice. Kung nagawa mo ang sakripisyo ng isang beses…humanda kang gawin ito ng marami at kung minsan ay paulit-ulit pa. (Gudlak sa iyo!) Tsk… tsk…tsk! Be happy na lang on what you’re doing para kahit paano ay mabawasan ang pagod mo. Kapag masaya ka kasi sa ginagawa mo di mo na rin napapansin ang pagod…Kung di ka masaya…humanap o gumawa ka na lang ng mga bagay na makapagpapasaya sa sarili mo…basta ang importante maging masaya ka… ;)


Ang finally, magbaon ka na lang ng maraming lakas galling kay Lord. Hingin mo na lang ito para marami kang supply.


For sure…iti-treat ko ang sarili ko sa darating na suweldong ito. Bahala na kung ano ang magiging consequences. I know God will provide.

Sana lahat ng plans ko at prayers ko for “my extra curricular/personal activities” ay mangyari. I know… He’s up there listening. So help me God… :)



Comments

Anonymous said…
galing!

Kala ko ako na ang "the best" ate in the world... meron plang mas magaling sakin hahaha! Joke!

Bilib tlga ako syo sis! Iba ka!

God bless you always. :)
Anonymous said…
Congratz best!!!

Kahit nasungitan kita for being a responsible sister. Wahaha.. Pwede k na talga mg-asawa. Ang galing mo n mangalaga ng pamilya....wakeke..

Thumbs up for you best.Ingatz lgi.. God bless!

Miss you to the max... ^-^

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...