Skip to main content

Ang sakit lang talaga...

May mga bagay lang siguro na di ko kayang baguhin. At kailangan na lang siguro akong manahimik kahit na labag ito sa kalooban ko. Mahirap at ang hirap-hirap....Pero dahil sa nahihirapan ako...napatunayan kong tao ako at hindi ko ito kaya kung ako lang. Pero alam ko naman na andiyan lang Siya...nagmamasid at nagbabantay. =)


WORTHLESS

Akala ko ito na yung pinaka-least na salita na maari kong marinig o maramdaman sa biyahe ng life ko. Pero iba pala talaga yung pakiramdam kapag andiyan na. Nakakaparanoid. At kahit ang isang bahagi ng sarili ko ay nagsasabi na wala silang intensyon na iparamdam o sabihin yun...nasasaktan pa rin ako.

Alam ko naman ang worth ko. At alam ng Diyos at alam ko natutuwa siya sa lahat ng ginagawa ko. Ok na sa akin yun...kaso, masakit pa rin talaga kapag naramdaman mo at pinaramdam ito intentionally or unintentionally. Doon bumabangon ang iba't-ibang emosyon ko. Gusto kong magsalita na tama na... Pero iniisip ko ano na lang mangyayari sa akin bukas?

ANG PANINIWALA KO

Naniniwala na ako na kung ano binigay sa iyong responsibilidad...ito ang dapat mong gawin dahil may mga umaasa sa iyong mga tao. Mga taong pinagkakatiwalaan ka. Pero kapag binigo mo sila ano na lang ang mangyayari. Ang hirap buuin ang tiwalang nasira na... Sobra... Pero nakakatuwa lang na bukas ka pa rin sa ideya na kailangan rin itong bumalik.

NALALAMAN KO

Ang sakit lang ng may malaman ka na hindi pwede. Tapos makakapagpabago na ng lahat ng nararamdaman mo sa lahat. O dahil sa masakit lang talaga yung mensahe nun. Alam ko naman na pwede akong lumaban kaso hindi ko alam kung tama... Saka kung sarili ko lang ang iniisip ko...abah kahit kailan di ba? Saka naisip ko rin...sino pa ba magtatanggol sa akin...kundi ang sarili ko... Pero mas pipiliin ko manahimik at sarilinin ang sakit. Malamang ako rin naman ang may problema. Maaring sila rin... Pero dahil sa ganito ang nararamdaman ko... mas nararamdaman ko na SILA.

Hindi ko alam kung may makaka-gets sa mga sinabi ko. Well wala rin naman akong intensyon na may makaintindi ng mga sinasabi ko.

OVERALL EMOTION KO - Hindi maganda, Hindi maayos, Hindi masaya, Kapag naalala ko... naiiyak ako. Pero nakakangiti pa rin kahit papaano... Sobrang lungkot at disappointment.

GAGAWIN KO
Pinagtatawanan na ako minsan ng mga tao pero mas naniniwala pa rin ako na kapag sinuko ko lahat ng nararamdaman ko sa Kanya... mahi-heal din ako. Sana matapos na ito...

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...