Skip to main content

Datu Puti Suka Song Commercial

Gud News! Gud News!

Andami gud news na nangyari… napi-feel ko na siyempre maayos din ang lahat. Ang galing talaga ni God… Yey! I was just so blessed dahil answered prayers tlaga ang lahat. God is so great.

1. Nagkatrabaho na rin sa WAKAS… ang tatay ko…Yahuuu! Meron kaming di pagkakaunawaan dahil sa isyu ng pagtatrabaho na iyan. Pero now..I can feel na si God na ang gumawa ng paraan… matagal na paghihintay ang ginawa ko… pero pinaubaya ko lang sa kanya…And look siya pa talaga ang nilapitan ng trabaho. Hopefully ang sumunod eh ang magkaroon ng na siya ng self-confidence sa sarili niya (tatay ko) at dumating yung pangangarap niya uli para sa amin. Hindi lang alam ng tatay ko kung gaano ako natutuwa sa lahat ng nangyayari…
2. Next, andami ko realizations this past few weeks dahil na rin sa mga inspirational books na binabasa ko ng libre sa Powerbooks. Ahehehe! Grabe noh! kahit nakatayo at tubuan na ako ng ugat ay hala sige basa pa rin… nakakalimutan ko nga minsan na kailangan ko na rin palang umuwi sa amin… hahaha! Pero masaya ako… feeling ko dun lang nagkakalaman ang utak ko bukod sa mga templates at script na kaharap ko sa araw-araw. Masaya akong kahit papaano ay nagkakaroon ng masustansiyang pagkain ang brain ko at soul ko… ;)
3. Nung times ng trials ko… grabe gusto ko lang I-mention ang walang sawang umaalo sa aking walang patumanggang pagluha… hehe…Rom, Reah, Joni, Ails, Rhiz, Kelly, and Jill. I know God sent this ladies to comfort me and to remind me of God’s promises… na minsan nakakalimutan ko dahil na rin sa walang patumanggang kong pagbibigay ng BIG DEAL sa problema… Ngayon mas iisipin ko na kapag may mga problema akong katulad ng mga nararanasan ko last week… dapat si God ang makita ko… hindi mismo yung problem… (tandaan mo iyan ha…karenina?!! =)
So there will always be good news everyday… baka malay mo bukas tumama na ako sa lotto, at yumaman ako, o kaya naman matanggap ako sa isang sikat na company na pangarap ko… o kaya naman maayos lahat ng problema ko sa bahay… o kaya magkaroon ng world peace… o kahit sa Pilipinas na lang? Hehe.

Napatunayan ko lang na sa bawat test sa akin…. Tumitibay ako… hindi pa ako ganun at sobrang tibay… pero those tests let me build the character that I will need para sa mga future plans pa sa akin ni God… At alam ko na kahit mahirap…hindi ako bibitaw… Hindi talaga…. (So help me God. =) )


Ang Datu Puti Suka Song Commercial – Mp3

In the another lighter side of things… hehe may bago akong kinagigiliwang song/dance number sa TV. Napanood nyo na ba yung sa datu puti commercial? Nakakatuwa lang yung commercial kasi may kuwento pa e… katatawanan kasi tlaga ang konsepto… Pang-masa at kaabang-abang naman kaya hayun… pinapanood ko talaga kapag nakikita ko… Actually pinasaulo ko pa sa kapatid ko yung dance steps…hehe… wala lang natuwa lang ako… Natuwa ako dahil nagkatuluyan yung dyanitor ng teatro at yung artista ng teatro..OH di ba SAKTO? Hahaha! Kilig… Hihihi!


Nga pala kung sino yung gustong magkaroon ng link sa mp3 ng DATU PUTI Sakto Song Commercial… Heto…

Comments

Anonymous said…
may trabaho na siya? wow. ang galing. :) pramis, pag si Lord talaga nag-answer ng prayer, panalo. :)
Anonymous said…
you just made my day. =)

Ansaya ha ha ha. ni-DL ko yung song ha ha ha!
Anonymous said…
Send me ur email ad and Ill give u an MP3 of the song :-)
Anonymous said…
thanks sa mp3 grabeh ang saya

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...