FLASHBACK.
Sorry pero kailangan ko I-flash back ang mga oras na may paniniwala akong dapat kong isulat ang lahat ng dapat kong isulat. Dahil yun na ang nakasanayan kong gawin simula pa nung bata ako. Ito lang ang naiisip kong outlet noon sa lahat ng mga saya, frustrations at sa lahat ng depressions na hindi ko kayang sabihin o i-express sa salita. Kaya siguro nabuhay pa ako. Buti na lang pala natuto akong magsulat…
May mga naisulat akong nakapagpatawa at nakapagpasaya ng tao. Meron din naintriga at nasaktan sa mga sinulat ko. Meron articles na nagpapasalamat sa mga tao, andun yung mga walang sense na articles at andun din siyempre ang mga articles na ang topic ko ay ang mga self realizations ko spiritually and emotionally.
Sa pagsusulat nagiging posible ang dating imposible kong sabihin. Nasa akin ang entablado para makapagsalita at magkuwento. Ang mga mambabasa ko ang aking audience. Nagagawa kong bida o kontrabida ang lahat ng tao sa sinusulat ko. Yung iba nagiging extra o kaya naman walang kuwenta. Pero ang lahat ng ito may katapat na responsibilidad na hindi ko naisip noon. Isang responsibilidad na kailangan ko nang isipin at dalhin sa tuwing magsusulat ako. Isang responsibilidad na nakapagpagulo sa mga cells ko sa utak at nakapabigay ng agam agam sa mga tissues ng aking heart…. Kaya hayan hindi na ako nakakapagsulat ng katulad ng dati.
Totoong ang lahat ng tao nagma-mature na mag-isip sa ibat’t-ibang aspeto ng buhay nila. Siguro dumating na yung sa akin ngayon…
Ano ba iyang pinagsasabi mo?
Takot akong mag-express ng lahat ng iniisip ko vocally …(lahat naman ata…pero feeling ko kasi krimen yun e…hehe )As in sa salita. Dyaske!… nalaman ko lang ito nung college… Hahaha! Pero ang kakaiba lang e…madaldal na tlaga ako at makuwento. May kahulugan naman ang 80% sa mga sinasabi ko… pero paano nangyari na hindi ko pa mai-express ang sarili ko vocally…Ang gulo no?
– OO talaga ang gulo ko… =)
TOPICS na gusto kong malinawan...
Ang mga sumusunod ay gusto ko sanang gawan ng article...Pero siyempre... nawala na ko ng enthusiasm na paganahin ang utak ko. Hayan. share ko sa inyo ang iba... baka gusto nyo mag-contribute ng info... Ok lang. ;)
1. Testimonial ni Lola Vendor... (Or any vendor na nakikita ko sa Pasig) - (curious lang!)
2. Women are naturally flirtatious;its just that some overdo it. (by Janis Francisco) - (curious lang din!)
3. Si Olive - (Yung girl cartoon character na loves ni Popeye) - (Hehe!)
4. Ang buhay ng mga Aktibista sa UP - (kailangan ng research)
5. My Life Testimony - (haay matagalan ito...dapat booklet ito e. =)) )
6. Ang Ilan sa mga Scandal sa _ _ _ _ (nakakatakot i-publish)
7. ANG ISANG ARAW SA BUHAY NG ISANG SEO SPECIALIST- Masaya ba? (Hahaha!)
Yun lang muna. Marami pa iyan... Pag ok na ang kondisyon ng mga cells ko sa brain at kapag nangati na ang kamay ko na pumindot sa keyboard...baka masimulan ko na rin... Hahaha!
Saka siyempre kailangan na maging responsable di ba? Hehe. Ito na naman ako... =D
Comments