Skip to main content

Unfair?

Nahihilo na ako sa puwede ko pang isipin. Hirap talagang lumagay sa ibang tao no....
Sumasakit na naman ang ulo ko.

HONORS

Kailan ko ba naramdamn ito...Haay naku matapos kung marinig ang kuwento ng mga Honors...
:(
Well doon sa nagkuwento...naiintindihan na kita. Pero comment lang po no...Huwag nyo masyado pahirapan ang sarili nyo. Pero since hindi ko naman mapipigilan yang naiisip nyo...eh di ok lang... parte iyan ng patuloy na "paglaki" nyo. One day... matitigil din iyan kaiisip nyong iyan. :)

At doon magsisimula kayong maging totoong masaya. :)

TLC
Nahihirapan na akong intindihin ang nagyayari sa mga tao. Yung mga barkada ko inaabot ata ng malas. Wala silang trabaho ngayon. Yung isa gusto ng sumuko..yung isa namatay naman ang boss. tapos yung isa lahat na ata ng job fairs ay napuntahan niya...pero wala pa rin. :(
Sad lang kasi nararamdman ko yung kawalan nila ng pag-asa... Siguro iniisip nila unfair tlaga no. Siguro unfair nga...pero kung patuloy nilang iisipin na unfair...kailan mababago yung stage nilang ganun? Parang nilulunod mo ang sarili mo sa problema.

Guys! Anuman ang pinagdadaanan nyo ngayon...lagi nyong tatandaan na God sees everything. Gagawa at gagawa ng paraan Siya para mabawasan yung burden nyo. :) Tawagin nyo lang siya. :) Naghihintay lang naman Siya eh. :)

Mega Saturday
Punta akong ngayon sa megamall. Kasama ko ang inaanak ko at mommy niya barkada ko. Nyahahaa! Bukas na kasi siya aalis papuntang probinsiya nila. :(

Sumasakit na talaga ang ulo ko. Naiisip ko kpag nakakarinig ng problema sa tao...Naiisip ko mas masuwerte pala ako...Kahit papaano mas ok pa pala ang buhay ko. :) Sinong magsasabi na ganito lang ako? Hehehe!

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Ang Aking New Christmas Layout

Wala lang.. Gusto ko lang baguhin uli ang layout ng aking blog dahil sabihin natin na gusto kong sumabay sa season. Hehe. Gusto ko lang na parang maging greeting card ang header ng blog ko at sana ay naging successful ako sa paggawa. Pasensya na at hindi talaga ako creative na designer so suffer muna kayo.. : ) Colors: Dapat Red and Green pero bakit Magenta at Lavander itech? Wala lang rin lang po. Actually sa dami ng mga blog templates na pinagpilian ko..wala akong choice kung hindi gamitin na lang template na ito..ito lang kasi yung medyo akma dun sa naiisip kong design. Maraming ok tlaga. Marami yung mga green and red blog templates..Pero may pagkamadilim kasi sa paningin ko. Eh ayoko naman maging dark ang aura ng blog ko dahil magpa-pasko. Kaya ok na ang magenta at shades of pink at lavender sa isip-isip ko. Tutal naturalesa talaga akong mahilig naman sa pink, secondary ang lavender. Bakit Christmas Greeting ang nakalagay sa header? Eh ano bang care nyo? Hahaha! Joke lamang po. Sa ...