Skip to main content

Kanta

Minsan paulit-ulit ko na lang naririnig. Kung pakikinggan mo ang himig at tono ng boses...Nasa tono naman.
Kaso ang mga boses nila higit pa sa mga letra ng kanta ang pinapahiwatig. Kakaiba ang mga mensahe...nakakalungkot..nakakaligalig…

Hindi ko alam kung tama rin ako...Pero ang nasa isip ko...at nararamdaman ko habang kinakanta nila ang mga kantang halos isuka na ng utak nila...pagkakaawa, lungkot at kawalan ng pag-asa.

Teka baka nagkakamali lang ako...Sana huwag naman magalit ang (mga) taong ino-obserbahan ko. Ang lahat ng sinusulat ko ay laman ng makulit kong isip... maaring katha lamang...pero hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman na may katotohahanan ang lahat ng nasa isip ko...Hindi ko rin kasi alam kung bakit ganito ako mag-isip… At hindi ko rin alam kung bakit ito ang nararamdaman ko sa kanila.

Mensahe ng Kanta
Minsan habang kumakanta tayo… ang kinakanta natin madalas (ung madalas) eh kung ano yung sumasabay sa mood natin. Madalas kapag naiinis tayo sa mundo at may kakaibang nakakainis na nangyayari sa atin ay nasa kinakanta natin ung totoong nararamdaman natin. Halos gusto natin na maging ang kanta o awit ay makisimpatiya sa nararamdaman natin. Minsan kumakanta rin tayo ng trip lang, minsan maganda kasing sabayan… Pero anuman ang dahilan natin sa pagkanta, sa madaling salita pa rin, maaring ang kanta ay ang mismong nararamdaman natin o di kaya ang gusto natin sabihin sa isang tao o yung gusto natin sabihin sa mundo.


Ang Obserbasyon.
Kung maririnig nyo lang ang taong ito ngayon, maiisip nyo na tila wala lang naman siyang pinararating na anumang mensahe. Pero marami kasing umaawit ng kanta ng hindi rin nila alam na pinapakita na nila ang kanilang mga naiisip at nararamdaman sa pamamagitan ng awit na kinakanta nila. At kung sasamahan nyo pa yun ng isang masusing pag-obserba sa kilos ng kumakanta…dun mo na makukuha ang lahat ng impormasyon na kailangan para mabasa siya.

Sa mukha ng kumakanta, naroon ang pagkagapos niya sa sarili niyang takot na kahit gusto niyang makawala ay hindi nya magawa. Sa tempo niya mararamramdamn mo ang pagtatampo niya sa tadhana dahil lumaki siya sa pinaniniwalaan niyang tama. At naroon sa himig niya ang pakikipaglaban niya para sa pananatili ng salitang pag-asa ( na hindi niya rin nalalaman na nakikipaglaban siya). Sa paraan niya ng pag-awit makikita mo kung paano siya tumakas panandalian sa sitwayon na kinakaharap niya o makisama sa mood o pakiramdamn na nararamdaman niya. Sa pagkanta niya lahat ginagawa ang lahat. At kung mararamdaman mo lang kung ano ang nararamdaman ng taong yun…marahil sisikip ang paghinga mo sa bigat ng kanyang nararamdaman.

Marahil paranoid lang ako. Pero hindi ko maaring sabihin na walang katuturan ang mga sinabi ko. Naglalaro lang siguro ang diwa ko at ang taong ito ang napagtuunan ko.

Sa totoo lang…mabigat sa pakiramdam. Buti na lang pala may blog. Siguro baka kumanta na rin ako.


Petsa: Matagal ko ng dapat naisulat.
Para kanino: Sa mga taong mahilig kumanta (katulad ko).


Comments

Popular posts from this blog

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."