Skip to main content

GY Chronicles

Waaah! Hindi ko alam kung bakit may GY pa? Pero alam ko naman ang mga benefits ng GY na ito? Pero bakit nagdidilim na naman ang paningin ko at gusto kong mawala na sa mundo ang nakaisip ng shift na ito…. Hmmmp! Basta shift siya…Hahaha! (Peace tayo kung sino ka man :P )

Sa halip na matulog inisip ko na paganahin ang inaantok kong mga brain cells para makapagtayp. Sige tayp lang ng tayp… hindi ko rin naman alam ang dapat I-blog ngayon… Ay marami pala. Pero nakakatamad naman na ikuwento yun…syakness.. iniisip ko pa lang. Mas lalong akong inaantok. : (

About the ATM issue..nakow gusto ko na lang ibaon sa limot. Walang umaamin e. Ayokong magalit dahil lang dun. Pero pinagppray ko na umamin na lang yun ng personal. Sana…

Leason learn: Kaya ko pala I-handle ang temper ko sa ganun sitwasyon. Sigh!

Time check 5:36 AM – Mag-uuwian na. Salamat naman. Meron mababago sa team namin. At alam ko na na-hurt namin yung boss namin. Guilty rin ako sa mga nilista niyang kasalanan namin. Hehe. At para sa kanya…sorry po. Di na mauulit.
Sabi mo nga,” I believe nasa tao pa rin un” At tama ka may mali kami… Tama lang yun no…na i-correct mo kami. :)

Basta Sir Jo love ka namen. Tsupness! *Group Hugz*

Comments

Anonymous said…
bwiset na yan, ayaw gumana ng tag mo...

ayan dito na lang ako susulat.. gusto ko lang sabihin na napadaan at din magtatagal dahil gahol me sa oras he he.

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Ang Aking New Christmas Layout

Wala lang.. Gusto ko lang baguhin uli ang layout ng aking blog dahil sabihin natin na gusto kong sumabay sa season. Hehe. Gusto ko lang na parang maging greeting card ang header ng blog ko at sana ay naging successful ako sa paggawa. Pasensya na at hindi talaga ako creative na designer so suffer muna kayo.. : ) Colors: Dapat Red and Green pero bakit Magenta at Lavander itech? Wala lang rin lang po. Actually sa dami ng mga blog templates na pinagpilian ko..wala akong choice kung hindi gamitin na lang template na ito..ito lang kasi yung medyo akma dun sa naiisip kong design. Maraming ok tlaga. Marami yung mga green and red blog templates..Pero may pagkamadilim kasi sa paningin ko. Eh ayoko naman maging dark ang aura ng blog ko dahil magpa-pasko. Kaya ok na ang magenta at shades of pink at lavender sa isip-isip ko. Tutal naturalesa talaga akong mahilig naman sa pink, secondary ang lavender. Bakit Christmas Greeting ang nakalagay sa header? Eh ano bang care nyo? Hahaha! Joke lamang po. Sa ...