Skip to main content

Faith 101

Naiintindihan ko na ang salitang faith sa oras at araw na sinasabi ko ito ngayon.

Ang faith ay…

1. kapag hindi ka nawawalan ng pag-asa sa isang kaibigan na babalik din ang dati nyong pagsasamahan kahit na may pagdududa na sya dahil sa nararamdaman pagkailang.

2. kapag kahit nararamdaman mo ang galit sa isang tao pero iniisip mo pa rin hindi sya talaga ganun. Kilala mo ang taong yun. Kapag lumipas ang galit mo…babalik din sa dati ang lahat. In short…hindi naman talaga masama ang taong yun.

3. ang pagtitiwala na nangyayari ang mga bagay ,sitwasyon at pangyayari dahil may dahilan na mas mabuti. Na maaring sa una hindi malinaw sa iyo…pero sa bandang huli sasabihin mo na lang…”Buti na lang pala.”

4. ang paniniwala sa mga bagay na hindi mo nakikita pero alam mo sa sarili mo na nagi-exist. Ito yung mga paniniwala mo na pwedeng mangyari ang isang bagay na alam mo sa sarili mo na posible kapag sinamahan mo ng dasal, gawa at “will”.

5. kapag nalulungkot ka pero iniisip mo na mawawala rin yun at the end of the day dahil maraming ipinadalang anghel para magpasaya sa malungkot mong araw.

6. paniniwala na babalik ang mga taong nagdududa na sa kakayahan mo bilang isang lider ng grupo dahil naniniwala ka na dumadaan lang sa pagsubok ang mga ito.

7. pag-asa na mababago din ang taong ito kapag ipinakita ang anumang anyo ng pagmamahal sa kanya.

8. pagtitiwala sa taong minamahal mo kahit sinasaktan ka na.

9. ay paniniwala na mahal ka ni God kahit undeserved mong tanggapin yun, kahit ikaw pa ang pinakamasama, pinakasalbahe...Ayaw ka nyang tingnan sa kung ano ang mga ginawa mo. Mas tinitingnan nya ang laman ng puso mo.

10. ang pagtitiwala mo sa Diyos na sa kahit anuman ang sitwasyon na meron ka ngayon ay hindi nya ka nya pababayaan. As in kahit ano. Kahit kailan...Dahil siya ang may kontrol ng lahat. Lahat-lahat!


Sigh. Faith is faith. May kanya-kanya tayong sagot. Depende sa level at pagkakaintindi natin sa salitang ito. Ano kaya ang sa iyo? =)

Comments

ardee sean said…
Faith is sobrang mabigat na word for me. Lahat tau has our own way in defining it, as for me, marami din siyang kahulugan pero the closest na alam ko is, when we speak of faith in God. Well, sa lahat ng bagay, noticeably or not, tayo'y nacha-challenged and being tested. Kahit yung mismong feeling mo God is not there, you are being tested. Dun pumapasok yung faith, kahit ano pang obstacles or tests ang dumating sa atin at kahit feeling mo wala Siya, nagiistay ka pa rin sa Kanyang piling... :p
Kangel said…
amen! :) very well said :)

Popular posts from this blog

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."