Skip to main content

My Hopes and my 5 waaa moments... (Work Experiences)

Waaaa! Sisimulan ko na sa sobrang dami na nangyari sa akin, sa mga tao sa paligid ko...hindi ko na alam kung paano ikukuwento...Ayokong masyadong i-narrate in detail kasi baka hindi nyo na basahin ang blog ko no. hahaha! Pero isa-isahin ko na rin...para makapagsimula na akong magkuwento.

1. Currently, na-virus ang PC ko. Yes...Totoo. The virus names was TrojanKillAV. Isang uri ng virus na nagdi-disable ng ang anti-virus protection natin. Wala akong magawa...at hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ito? Hindi ko talaga alam :( Pero accdg to research ko sa net...isa ito sa mga fast at mga pinakabagong virus na kumakalat. Ang isa sa mga senyales na infected na ang PC mo ay kapag hindi mo na na-access ang Control Panel mo. At laging may nagpa-pop-up na window na your pc is infected with a virus and you are advised to download a spyware. Ang nakakatawa sa warning message eh...mali ang spelling ng authorization...hahaha! Kaya hindi ko kini-click...Tapos naka-disable din ang Close (x) button nya kaya magtataka ka talaga sa warning dialog box na yun. Anyway...pag na-click mo daw yun...papapuntahin ka sa isang site. Tingin ko ay nagmamakaawa ang site na yun na magkaroon ng hits dahil sa walang visitors..haha! Pathetic! FYI. Hindi ko sya na-click. Hehe...Pero na-infect pa rin ang PC ko..huhu.

2. Dahil sa virus na yan ay kailangan kong mahinto panandalian sa trabaho. Yeheey! Joke lang! (Lord, paraan mo ba ito para makapagpahinga ang utak ko? Hehe.) 2 days na akong idle. As in! Bubukas ng lang email at gagawin ang lahat ng pwedeng i-update na records na di ko pa rin matapos dahil sa wala pa rin akong files. Hindi ako makapag-cater ng requests dahil wala rin akong tools. Dahil ng wala ang pc ko...dahil sa nga sa linsak na virus na yan! Hahaha!

3. Up and running na ang una kong project. Natuwa ako sa feedback. And then nag-isip din. I know kailangan ko pang galingan sa mga susunod. Higher expectations...higher responsibilities...People expects you to do more, higher and above standards. Ito ang batas ng mundong ito. At gagawin ko yun sa mga susunod pang mga projects. Anuman at saan man yun. :)

4. Then ito na nga...yung kay mareng reah. Public apology itech...hehe. Gusto ko mag-sorry kasi wala pa rin yung deliverables ko sa kanya. Pasensya na talaga at windangers ako this past few days. I have already emailed her and her boss for an apology. Sana matapos ko na rin. :)

5. Oh well...I have just receive a "waaa!" sign. I don't know...Pero susubukan ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng desisyon ko. Pero I will pray to follow His will anuman at saan man yun. Matagal ko na rin pinagpray na tulungan nya ako regarding sa decision ko na itech.... Kung hindi man...I know He has his reasons. Alam ko mas alam nya ang better para sa akin. :)

Sa totoo lang nakikita ko ang sarili ko ngayon na kontento naman. Sa aspect ng pagta-trabaho, mga kasama at sa mga nangyayari. Pero alam ni Lord na may bumabagabag pa rin dito sa utak ko. Pero alam nya rin na pinagkatiwala ko na sa kanya ang lahat. Cause I know He loved me that much na hindi nya ako hahayaan to have a decision that will lead me to danger. I have trust Him all. Kahit alam nya na nagwo-worry pa rin ako paminsan-minsan. :) Hehe. Basta...hanggat naniniwala Sya na kaya ko ang isang bagay...magagawa ko ito... Aja! Thanks Lord.

Comments

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...