Skip to main content

Laya si Erap (Estrada gets Executive Clemency/Pardon from Arroyo)

Well, ano nga bang masasabi ko? Masaya ako at malungkot sa balitang binigyan ng Executive clemency o Pardon si Erap. Read the news.

Malungkot ako dahil...feeling ko nabalewala ang lahat ng pagod at paghihirap at pera ng taumbayan sa mga trials at hearings nya. Nakinig tayong lahat sa mga pinaikot-ikot na istorya ng depensa at persecution...Pero sa dulo ay nauwi rin sa Pardon. Hindi ko alam kung ganun lang talaga ang ibig sabihin ng "grace". Ito ay ibinibigay sa mga taong undeserved katulad ko. Pero...naisip ko...na napakahirap pa rin palang tanggapin na basta mo na lang pakakawalan ang isang taong maaring nanloko at nanlustay sa pera ng mga Pilipino (kung meron man nga tayong pera...hahaha!). Malungkot kasi...ewan ko ba...parang nawalan ng justice????(Nga ba?!) Kung meron man sa kasong ito dahil sa sinasabi nilang dumaan ito sa proseso ng hearing ang all...Oh well...ewan ko na rin...Sa aspetong yan...hindi ko na talaga alam ang kahulugan ng salitang katarungan sa panahong ito... Tsk!

Masaya naman ako para sa kanya. Napakasuwerte pa rin talaga ni Erap dahil nakakaranas na siya sa simula pa ng isang favorable treatment sa iba't-ibang sector ng lipunan. From the house arrest with all the body guards and full media coverage ng lahat ng hearing nya...Sino pa nga ang hindi makakaalam sa kung ano ang naging kasalanan niya at bakit siya nasa Sandiganbayan. Masaya siguro kasi yung pardon na yan din somehow ay nararapat na rin siguro sa kanya. Sa tingin ko if ever man na ginawa nya ang kasalanan...ay nakapagsisi na siya dito...Sa tingin ko lang. Mapapansin mo naman kung paano siya sumagot sa mga interviews...Mahinahon at kadalasan ay umiintindi...hindi ko alam...pero...sa tingin ko lang...nakita na niya ang value ng kalayaan sa ilang taon din na house arrest nya. I think He has learned to value what he owns right now. Ang pamilya at ilan sa mga mahal nya sa buhay. Hindi na nga siya nagmatigas na tanggapin ang Pardon ibinibigay ng Presidente sa kanya. (Tingin ko para yun sa mama niya ang ginawa nyang yun...na napapabalitang nanganganib na rin ang buhay dahilan sa komplikasyong dala ng katandaan)

Malungkot o masaya....Iniisip ko lang na kailangan pa rin magpatuloy...kahit na anuman ang mangibabaw sa dalawa. We should learned sa kung anuman ang mga nangyari sa past ng ating mga leaders. Tigilan na rin nating pagpiyestahan ang issue at ipagpatuloy na rin kung ano ang nahinto. Patuloy na lang tayong magbantay para sa mga leaders natin. Hindi ko naman pinopromote ang ginagawa ng mga abusadong leaders ng ating goverment...Kasi hindi naman talaga madali ang makita at mahuli sila sa akto. Oh well but God can see them. At naniniwala ako na sa bandang huli...hindi man sila maparusahan ng batas ng tao....Bahala na ang batas ng Diyos ang maghusga sa kanila. And that's what I believe...there is still justice with God. God do things in mysterious ways, we will never know. But because He is the great judge, He judges by the heart... Kung nagkasala man si Erap talaga o hindi...si God lang ang nakakaalam...And I know God can give justice...and even a chance for Erap to change...Change Erap (and even the nation) for good.

Comments

Anonymous said…
oo nga.. tama ka,, pagkahaba haba man ng prusisyon, sa pardon din ang tuloy.
Kangel said…
shucks di ba? anu ba..ba..

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l