Skip to main content

Pray for healing....

My sister was diagnosed to have a dermoid cyst isang uri ng ovarian cyst... nakakatakot. Pero ayokong bigyan sa siya takot lalo na ngayon. Not this time na kahit siya ay natatakot na mawalan siya ng buhay na ina-assure namin sa kanya na hindi naman mangyayari. Ginagamot ang ovarian cyst sa pamamagitan ng pagtanggal nito. Ang proseso ay tinatawag na Salpingo-oophorectomy (i.e. removal of the cyst, ovary and fallopian tube. This procedure is done dependent upon the size of the cyst and complications encountered such as bleeding, rupturing and twisting of the cyst) Sa case nya sabi ng doctor matatanggalan sya ng ovary. :(

Isang nakakalungkot na balita man...ayoko ng i-emphasize yun sa kanya. Alam ko na mas nahihirapan sya ngayon dahil sa panay-panay na pananakit ng kaliwang balakang nya. Plus yung ideya na first time syang ooperahan, alam nyo yun...hindi nya rin siguro alam ang iisipin at gagawin. Pero hayun kailangan na talagang mawala ang cyst na yun na pwede pang ikapahamak ng buhay nya. Kaya wala kaming ginagawa ngayon kundi ang suportahan sya at ipagdasal sya sa bawat oras. Oo sa bawat oras...dahil ngayon mas madalas ang sakit na nararamdaman nya habang palapit na ang oras ng operasyon na gagawin sa kanya.

Nahihirapan man kami financially... I know God will provide.
Samahan nyo kaming magdasal para sa kapatid ko. For her healing at sa darating na operation nya... Your prayers would really help.

Comments

Anonymous said…
Kayren, I will pray for your family.
Kangel said…
thanks ying. :)
Anonymous said…
Hi,
I have the same situation now.
How much did the operation cost.

Thanks a lot

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Tagged and updates...

Dami nangyayari sa team namin lately. As usual maraming mga changes, challenges at mga nakakalokang mga adjustments na kailangan namin gawin. Kaya pa naman…pero hanggang saan at hanggang kailan? Ewan ko. Grabeh. I should really pray.. Andami ko iniisip lately. Oras-oras na lang ata.. ay hindi naman. Siguro pag nagkaroon lang ng idle moments ang utak ko.. Dun pumapasok yung ngang idea na yun na ayaw kong pagtuunan ng pansin. As in ayoko talaga.. Pero anong magagawa ko? Teka lang those ideas are not bad at all naman. As of a matter of fact…Happy thoughts naman yun e. Ayoko lang siya maisip parati dahil I am so afraid of the consequences. Only God knows what are these things that I’m talking about. Napapagod na rin ang utak ko no. Pero I can’t express them all to you. Just pray na matapos na lang ito. I don’t know how long.. But still alam ko may end naman ito.. So..haaayyyzzz. Next. I was tagged now by my friends namely Sarah and Arthur.. Yung kay Arthur nga medyo matagal na. Natatamad l...