Skip to main content

Spiritually asleep...

I've been long sleeping. YES. And I have really enjoy it. Naisip ko noon na ngayon lang ako
nakapagpahinga ng ganun. At inisip ko rin na paraan yun ni GOd to make me rest. Ilang weeks (3-4 wiks na ata..) na rin naman akong ganun...naisip ko. At ilang weeks ang lumipas...at kinalimutan ko na ang
responsibility ibinigay sa akin. Ang maging isang ehemplo sa kapwa mga sisters ko sa
household ko.

Sa totoo lang talaga...kahit sino sa mga kakilala ko ay magsasabing sobrang hirap maging Kristiyano. Yun ang totoo. Oh well andun ang saya at hirap. Pero mas mahirap siguro sa punto ng lumalaban ka kasi sa hindi mo nakikita at hindi mo alam. And yet God ask you to trust in Him no matter what. Eh sa atin pa lang...kahit saan sulok mo man tingnan ang argument na yun....Hindi ka masi-secure eh. Kadalasan kung kailan ka nasa Kanya...doon mas marami
kang tests na mararanasan. Mas doon sinusubukan ka ni Satan kung hanggang saan ka tatagal... na ano? na magtiis at maghirap ang kalooban...Yung ganun...

Alam na alam ko yun. Pero ewan ko ba....bakit nga mas pinipili ng tao ang kanyang comfort zone kaysa ang lugar na sinabi ni Lord na dapat andun ka. Bakit? Bakit nga ba? Yan ang naglalaro sa utak ko... Kaya hayan...naisulat ko tuloy itong post na ito...Hihi.

Matagal na rin akong hindi nakapagmuni-muni ng ganito. After all God has done for my family.
I did thank Him for all the blessings. I ask for His forgiveness for all the sins that I
have done. And I know He has forgiven me and again I felt peace. But...there is something
missing...na alam kong kailangan kong gawin. Na hindi ko pa rin ginagawa. Pero I know na
hindi ako pinilit ni Lord na gawin yun. Ni hindi ako nakarinig sa kanya ng blame o kahit
ano. All I have receive from Him are blessings, love, understanding and peace. Alam nyo
yun...God is so good. He is the best God that I have ever known...because He has trusted us
with this kind of freedom. Freedom that makes us love Him more and just thank Him more sa
lahat lahat ng ginawa at naibigay nya. Freedom that can also let us hate him when things really go wrong. Hindi naman kasalanan ni Lord...pero minsan tayo pa ang may ganang mag-blame sa Kanya tungkol mga nangyayari sa atin...Eh tayo lang naman talaga ang may problema. Di ba? We trust Him less. We trust ourselves more....Ngayon sino talaga ang mali. Tayo talaga yun. ;)


Heto na nga....Para matigil na rin at umabot ako sa conclusion ng article na ito...Aaminin ko na nga. Yes. Guilty ako. Matagal na akong hindi nakakapunta ng community. Hindi ko alam kung dahil sa may iniiwasan lang ako na makita o dahil sa pinanghihinaan na rin ako ng loob na mag-
serve because of our decreasing number. Nalulungkot ako at nade-demoralize... Yes aaminin ko
yun. Aaminin ko rin na napabayaan ko na rin ang household ko. At nalulungkot ako na hindi ko
na sila nakikita. At sinabi ko sa sarili ko...kung aalis ako sa SFC-sunvalley...hindi dapat
ganito ang iiwan ko. Hindi ako dapat ganito...after all God has done in my life. I have
promised to serve Him. . At aaayusin ko paunti-unti ang lahat. And that is the only thing I can promise to myself and to God :) Kahit hindi perfect...Hindi lang ako titigil at hindi ako mapapagod magsimula ulit. :)

After all...He is the real reason for living in this world naman di ba? ;) What more can I ask for? ;)

Comments

ardee sean said…
Go kangel, kaya mo yan! ako nga, i'm still finding hard ways to reach Him, i dunno..pero sa totoo lang, with Him I can be whoever I want to be. that's what I wanna feel..i'm currently seeking out my purpose..dko pa masabi, ang bad ko kac, i mean hindi ko pa kasi fully embraced some things which I think I should. basta, in time, I know i'll find answers..that's all for now, basta be strong..its all for Him naman dba lahat ng gagawin natin. ako, i cant promise it yet..basta basta..magpapkabait na ko..wehehe..cge na..byers

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Ang Aking New Christmas Layout

Wala lang.. Gusto ko lang baguhin uli ang layout ng aking blog dahil sabihin natin na gusto kong sumabay sa season. Hehe. Gusto ko lang na parang maging greeting card ang header ng blog ko at sana ay naging successful ako sa paggawa. Pasensya na at hindi talaga ako creative na designer so suffer muna kayo.. : ) Colors: Dapat Red and Green pero bakit Magenta at Lavander itech? Wala lang rin lang po. Actually sa dami ng mga blog templates na pinagpilian ko..wala akong choice kung hindi gamitin na lang template na ito..ito lang kasi yung medyo akma dun sa naiisip kong design. Maraming ok tlaga. Marami yung mga green and red blog templates..Pero may pagkamadilim kasi sa paningin ko. Eh ayoko naman maging dark ang aura ng blog ko dahil magpa-pasko. Kaya ok na ang magenta at shades of pink at lavender sa isip-isip ko. Tutal naturalesa talaga akong mahilig naman sa pink, secondary ang lavender. Bakit Christmas Greeting ang nakalagay sa header? Eh ano bang care nyo? Hahaha! Joke lamang po. Sa ...

Shutdown computer virus... grr - solving it.. :)

My computer was infected by password-viewer.exe and pc-off.bat virus. A virus that when you type cmd on the command prompt, your pc automatically shuts down. Thank God to this article... This one saved me. :) Here it is. :) This is the symptom of a computer having bar311.exe virus A.K.A. winzip123. The virus comprises bar311.exe, password_viewer.exe, photos.zip.exe and pc-off.bat. When you boot your Windows XP in Safe Mode the message appears: Thank You!!! Password:Winzip123 The pc-off.bat contains the syntax like this"C:/path/shutdown -s -f -t 2 -c" which automatically shutdown your computer when you run the cmd.exe. So heres the solution to this problem… just follow these simple steps that im goin to discuss…. Manual removal: 1. upon start up…. after os loading… go to task manager by pressing CTRL+ALT+DEL then kill (end process) password_viewer.exe or bar311.exe or photos.zip.exe… 2. EDIT the following registry entries thru regedit at start/run [HKEY_LOCAL_MACHINE\SOFTWARE\...