Minsan kailangan mo lang tumahimik. Huminga. Tumahimik ulit. At huminga. Ang katahimikan ang magbibigay daan sa iyo para makapag-isip ng mga tamang salita na pwedeng sabihin. Kausapin ang Diyos at humingi ng tulong. Para malinawan ka kung ano ang dapat at tamang gawin. Ngayon, ano pakiramdam mo? Galit, Awa, Lito, Inis. Puro negative eh. Sasabihin ko pa ba ang mga nararamdaman ko. Siguro ibabaon ko na lang sa limot. Palilipasin.... At palalagpasin. Isang bahagi ng sarili ko na nag-iisip na bigyan sila ng pagkakataon para makapagpaliwanag. Ang sarili ko. Gusto ko rin magpaliwanag. Para makiuso lang. Hehe. After all everybody deserves a second chance. Di ba? Alam mo yung pakiramdam na yung puso mong pula...eh may nakapalibot na usok na nanunuot sa mga unang layer ng balat ng puso mo. Tapos ang bigat dahil yung usok na yun, hindi nawawala. Andun lang nakapalibot. Naghihintay ng pagkakataon na manuot sa kailaliman. Yun ang puso ko ngayon. Sana umalis na yung usok na yun. Ang bigat sa pak
My Crossroads stories