Skip to main content

Dying...

Halos ilang weeks na rin na halos wala akong post. Hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin. Pero ang alam ko may problema.

Problemang kailangan ng solusyon
Ngayon week na ito andami kong pinalampas na pagkakataon para magawa ko ang isang bagay na dapat matagal ko ng ginawa. Hindi ko na pinapansin ang nararamdaman ko at halos nagiging manhid na nga ako. Naalala nyo yung testing ko? Hindi ko pa rin yun tapos… =( Nalulungkot na ako talaga…pero kalian ba ako magkakaroon ng lakas ng loob na magsalita? Kailan ba ako matuto na magsabi ng totoo kong nararamdaman? (Paalala lamang sa mga malisyoso…hindi pag-ibig ang problema ko…) Minsan naiisip ko na wala na siguro itong katapusan…Pero alam ko na Siya lang nakakaalam ng totoo kong nararamdaman. Pagod na rin ako. Buti na lang andyan Siya, ang walang sawang nagbibigay sa aking ng lahat ng lakas na kailangan ko…


Sa pagsusulat…
Sa pagsusulat ko nasasabi ang lahat ng gusto kong sabihin. Pero sa isang iglap napansin ko na napatigil ako ng kung anuman puwersa na hindi ko alam kung saan nanggaling…

Naisip ko hindi naman siguro sa busy ako… hindi naman sa walang panahon at maaga na akong umuuwi(totoo un… hehe). Ano kaya ang nangyari sa akin?



Unti-unting namamatay
Unti-unting namamatay ang isang matagal na bahagi na ng pagkatao ko. Yung hiniling ko noon na alisin Nya…na ipinagdasal ko na matanggal na… Para siyang isang malaking punyal na hindi ko nararamadaman na nakatarak sa akin. Pero nung nararamdaman ko ng unti-unting tinatanggal…nararamdaman ko ang lahat ng sakit…. Ang sakit. Masakit talaga kung alam nyo lang…

Sana magawa ko na this week. So help me God.

Comments

Anonymous said…
Hi Kayren, I know u can make it. No matter how hard it is, you can still handle it. Inde man ako sure kung ano yun at kung gano kasakit syo pero time can heal it and sabi mo nga u prayed for it and now nagrant na syo so dapat masaya ka d b? Andito lng ako syo khit na malayo ako:))
Kangel said…
Thanks ate rheena... God bless u..
Anonymous said…
hehe.

ang gulo mo ha! ipabalik mo na lng kung masakit pa rin.

ang gulo talaga. tsk tsk ang tao talaga di malaman ang gusto. *kamot ulo*
Kangel said…
@bwehehe.. huwell... yeah.. ang gulo ko... pasensiya na... one of my struggles" lang iyan...kailangan lang ilabas at itayp kasi hindi ko masabi e...hihihi! anyway thanks for reading.. :)

Popular posts from this blog

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

When is the right time?

When is the right time? There is just this one guy who makes me happy everyday. He makes my heart beat faster. He makes me feel really special even he intends not to. I wanted to express what I feel but I'm afraid it may not be the right time. God only knows when... New Chapter: The Japanese  I wondered...why am I always affiliated to "japan" word. I was never a super fan of any anime. Oh there is one...Sailormoon series. Naruto? so so. Ah Yugi-oh! :D Gladly, I started and ended only these two series. And in between I met some japanese folks - some of them are acquaintance  and wives of friends. One of my friend dreams to flew in Japan. Another one is a collector of manga characters. Friends and college friends work there. Now surprised! I was hired by Aeon  as Managing Software Consultant for a project - a japanese company. Never thought of it. But my subconscious mind has been absorbing too much information about Japan and japanese culture. Now my turn ...