Pages

Followers

Saturday, December 27, 2008

Kangel's Christmas Parties...

Merry Christmas sa atin lahat! This is a late post...At habang hinihintay kong maluto ang anumang pagkain na niluluto ni mama....Magba-blog muna ako.

Kamusta Christmas?

MASAYA. Hehe.. Kasi kumpleto kami. Siyempre kanta ever ang lahat. Kaso tulog ang mga magulang ko at mga kapatid ko nung noche buena. Siguro dahil sa sobrang pagod.

Kinabukasan...

Siyempre gift giving...Hayun...nalagasan talaga ako...Kung meron pang malalagas sa akin. Ewan ko ba? Hahaha! Lagas na lagas na ako di pa man nag-start ang christmas. Pero happy ako...at super satisfied. Hearing them say thank you and merry christmas sa akin...parang sapat na tlagang kabayaran. Knowing na na-acknowledge nila yun...makes me feel...I am more blessed. Oh di ba?

Yun lahat ang nangyari nung Dec 24-25. Ano naman nangyari bago yun?

Siyempre dami parties:
1. Party sa SEER - Wala akong masabi...ang babait ng mga boys namin...I salute yung mga boys na namin na naging super game sa pagsusuot ng wigs. Sana lahat ng tao next year mag-participate na rin. Hehe. Girls wear hats. Nagkaroon ng konting pag-aaklas sa idea...But in the end...gentleman pa rin ang boys...they just give in. Yung iba naging innovative. And finally the wig and hat party ng SEER is a success!




2. GK Sibol-Sagip Christmas Party - Heto isa sa mga memorable na party din. Hanep sa intermission ang batang tinuturuan namin. Bumabaha talaga ng talent nung araw na yun. And thru the help of my brothers and sisters din sa SFC...super sa olrayt ang event. Naging masaya ang mga bata sa pagkain ng pansit, juice at tinapay. At siyempre ang inaabangan nila...ang GIFT GIVING at awards para sa mga ok ang attendance at recognition din sa mga batang mababait. At siyempre ang mga walang kamatayang mga games...na nagbigay ng excitement sa araw na yun. Saya. :) Pagod man ang araw ko nun. Sunday kasi yun eh, Dec 21. Kailangan maging gising pa rin...dahil may susunod pang party...Ang party ng Ministry of Word (Commentators and Lectors) right after ng party ng GK Sibol/Sagip. Grabeh indemand talaga ako. Haha!

3. Ministry of Word (Commentators and Lectors) - Hayun...late ang kagandahan ko sa party na yun. Pero keri pa rin dahil nakaabot ako sa bumabahang pagkain ulit. Wahahaha! Kaso lang hindi na nila ako natirahan ng Baked Macaroni na especialty ni Tita Agnes. Haay...ang lungkot. Masarap pa naman talaga sya magluto ng pasta. Anyways..tinatago ko lang ang lungkot ko nun. Eh kasalanan ko naman talaga kung bakit wala ng natira. Na-late ako. Boo talaga ako. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa mga masarap na chicken, pizza, tacos at sa masarap na 2 flavors ng red ribbon cakes. Hindi na masama di ba? Hahahahah! Busog na busog pa ako sa GK Party...Hindi na ako makahinga sa pagkain nung party sa Simbahan. Kaya inuwi ko na lang ang mga dala kong pagkain. At nung dumating ako sa bahay...Ano pa ba ang dapat asahan? Eh di....wala pang limang minuto...naglaho na ang dala ko. Hahaha! Mas masarap talaga kumain pag kasama ang pamilya...para kasing parati kang mauubusan. Hehe.

4. SFC Christmas Party - Bago nangyari ang dalawang party na magkasunod (GK and Minisry of WOrd) itong party muna ang ina-attendan ko. In short...puyat na puyat talaga ako. Naging masaya ang party dahil ako ang nagpalaro. Hindi naman nadumihan ang mukha nila...Heheh katulad ng naisulat ko sa previous post ko. It all went well....Hehe...Masaya din ung party. Nagsayawan...bonding and chismaks...plus siyempre bumabahang pagkain. Hehehehehe. Siyempre praise fest. Saya. We honor God who gives us all the blessings. A memorable event. :)

5.Family Christmas Party - mawawala ba ito? Siyempre hindi. Nangyari ito nung mismong Dec 25. And again ako ang emcee at nagpalaro ako sa mga kids including ang mga auntie ko ha plus kapatid. Ang saya saya nung paagaw. Halos magkaroon ng stampede kapag nagpapaagaw ako ng coins. Hahaha! Marami akong palaro pala nun. Kaya nalagasan din ako ng pera for the prizes. Kawawang bulsa...hahaha!


Naging masaya ako talaga nung Christmas dahil kumpleto kaming nagcelebrate ng Pasko. We celebrate it knowing Jesus is the reason for the season (from reah). Nakumpleto ko rin pala ang Simbang Gabi. And I have made my wish. Hinihintay ko na lang kung ano sagot ni Lord. :) Sobrang daming blessings na binigay ni Lord sa family ko this year. At siyempre sa buhay ko. Sobrang overwhelmed tlaga ang feeling. Sobrang kuntento and I feel really blessed. Kaya todo share ako rin...lagas man ako this Christmas...napuno naman ang puso ko ng kaligayahan na hindi talaga mapapantayan....hearing them say thank you and merry christmas. Iba talaga yung feeling eh. Totoo ngang ang kasabihan..It is better to give than to receive. Try mo? :)

Since this is a late post. It is never to late naman to greet everybody.

MERRY CHRISTMAS TO ALL. MAY THE BLESSING OF OUR LOVING GOD BE WITH US. :)

Iko-close ko itong post na ito by a part of the song na binanggit rin ni Father Daniel dun sa Christmas Eve homily nya....Heto yun. :)

At kahit na anong mangyari, ang pag-ibig sana ay maghari.
Sapat ng si Hesus ang kasama mo.
Tuluy na tuloy pa rin ang Pasko... :)

Happy Birthday Jesus. :)

Tuesday, December 09, 2008

Let's talk about Christmas and Work (my monday meetings)

Dami nangyari last night. Kapagod. Pero masaya.


I met Arcy Buenaventura last night sa Shang. Arcy is very close friend of mind and he is my...uhmmmn....hahha! Never mind...haha! You know what I mean frend...haha! Super close ko itong taong ito. We chismis a lot nung college about life at kahit ano. I remembered na sini-share nya ung kanyang Kool-Aid juice drink every time sa mga review sessions namin pag exam week. Kasama na rin dyan ang hindi ko malilimutan very fresh chocolate mik drink hunting namin sa VETMED campus. Nilalakad namin yun kahabaan ng VETMED campus...kahit sobrang init...haha! Sobrang mura at sarap kasi naman nun. Onli in YUFIELVI...hahaha!

We had coffee plus pastries. Kain lang habang kuwento. He never changed at all pala. Mas ok sya kaysa yung last time na nagkita kami. Last year pa yata yun. Ngayon kamuka nya na si Clark Kent. Hehehe! (Naks Superman!) He rant about his work. Hahaha! And that Mr....Ahem! Hahahaha!

Oh well, I shared my views. The reality kasi dito sa Pilipinas...Sobrang mapulitika talaga ang malalaking companies. Walang justice...It happened to me once. I wished him goodluck na lang...hehe. :)

I think may purpose pa rin naman kung bakit ka andun sya. And payo ko na lang siguro...just live it one day at a time na lang. :) (Parang ako haha!) And count blessings na lang para hindi ka mainis o mainip o ma-BORE. hahahaha! Konting tiis. Yun...hahaha! :)


KONTING SEGWAY...

Nga pala we have a SFC service meeting din last nyt. Ayun...namiss ko talaga sila. Andun sina mike, karlo, brian, allan, nick, tuping, jeff at siyempre ang timeless beauty na mga sisses.... Ate a, amy, ate rena, maricel and your truly. wahahaha! Andami napag-usapan. And may His will be done talaga...Dami gastos talaga. Pero Christmas is all about sharing! And we're happy to share our blessings. After all sa Kanya din naman ito nanggaling. :) Thank you Lord! :)

We talk about GK Sibol/Sagip Christmast Party, our Lord's day this coming saturday and our own SFC Christmas party. waaaaaaaa....nai-stress ako sa dami ng kailangan i-note...Pero I'm ready to give my part esp sa GK Sibol kids. These kids have taught me so much on all the simple lessons in life. Naging patient ako, tolerable, and humbled sa mga nakikita ko sa kanila. I learned to be child in them again. And I know I will be part of their lives forever. At sobrang honored ako na binigay sa akin ni Lord ang ganitong task. And indeed, kahit pagod talaga ako ever sunday, they complete my Sunday. Kapag wala at hindi nga ako naka-attend. Sobrang guilty ako... at namimiss ko tlaga mga kids. Sa kanila nga ako nagkaroong idea ng family...Gusto ko na rin magkaroon mga kids...hehe. (Teka hanap muna ako groom...haha!)

They decided last night na gawin akong facilitator ng games sa SFC Christmast party. I have a week to research naman. Exciting ito. hahaha! Marurumihan ang mukha nila...haha!

Here's my Christmast schedule for the following weeks to come. Haay....kailangan ko na talagang planuhin ang mga bagay bagay. Baka may malimutan ako...

Dec 12 - The Spa with Mareng Reah Padla.
Dec 13- Lord's Day (Saturday)
Dec 18 - SEER Christmas Party
Dec 20- SFC Christmas Party (Saturday)
Dec 21 - GK Sibol/Sagip Christmas party (9am-12pm)
Dec 21 - Lector/Commentators Christmas Party (1pm)


HEEEEELLLLPPPP!!!!!!!!!!!!! Kailangan makapunta ako divisoria...para makabili ng gifts...hahaha! Christmas cramming na ito..wahahaha!

Part ako ng christmas party committee sa SEER. Ayun...Siyempre somehow...me alam ko kung ano mangyayari. Sana mairaos namin itong lahat. We all wanted to have fun. Ipagdarasal ko na magparticipate lahat. NAMAAAANNN! KJ tlaga pag may hindi nagparticipate. Boo! Haha!

Ok...need to create the invitation. Deadline as in today!

Yeah right...haha!

Monday, December 08, 2008

Happy birthday (best) Angelo! :)

So hello there....hehe... wala naman. Pero since petiks dito sa office. Heto blog ako ulit. :)

What happened? Heto na...Heto yun...


Happy birthday best!

Kaarawan po ng isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya...(hanu vah at showbiz ba ito? haha!) este...sa earth. Maligayang birthday Angelo!

Last night was his pre-celebration of his birthday which was supposed to be today. Masaya naman. Oo masaya talaga. May videoke, lahat ata ng ka-cliques nya pumunta dun mula sa katrabaho, kabarkada, his girlfriend and fairy and siyempre andun po ang inyong lingkod. Pero tinatamad talaga ako nung una.. Pramis! Haay...pinilit ko lang talaga pumunta. Pampakunsensya ba. Para sa susunod maalala naman ng lokong yun ang birthday ko..haha! Andun rin pala ang family nya na syang pasimuno na bumabahang pagkain sa party nya. Sarap ng pansit...sarap tlaga. :D

Bukod sa pagi-enjoy sa pagkain na talagang na-enjoy ko...eh naging singer-singeran din ako nung nyt na yun. Hehe. (adik lang talaga) Sayang wala akong picture. Hingi na lang ako at i-share ko dito sa blog kung meron.

Na-stress ako honestly...hehe. Pero I wont say details here. And the bestfriend knew it. Sarap batukan talaga! Haha! Anyways...continue ko na lang kwento...

Umalis ako dun ng almost 2am na... Antok at hilo. haha! Pero...it was the end of that night. It was a happy celebration. :)

Gusto ko lang itake note na...ang sasaya at ang kakalog kasama ng mga ka-climb tropa ni bestfriend. And I miss highschool batchmates. Ang galing pa rin ni joviliza kumanta. I remember her singing sa mga programs namin at lahat ng school events. Galing galing! Saludo ako talaga sa kanya! Tiklop ang lahat ng musicality at vocal chords ng mga tao dun...hehehe! Galing talaga!

Yun na lang muna. Next topic: Ano ba ibig sabihin kapag FUTURISTIC ka?

Tuesday, December 02, 2008

You're simply the best Father! :)

I have so many things to give thanks to our God. Who is the mightiest, the awesome God in the whole universe. :)

Lately kasi andami ko talaga wino-worry. Yung problem ko sa career, sa pamilya ko at sa sfc. Andami ko iniisip...pati ang paparating na pasko. Inaalala ko. Kung paano ko mabibili ito kasi i have given myself a deadline, i promised this item to my family and so on and so forth. Idagdag pa natin ang ating kanya-kanyang concern sa gastos sa Christmas...handaan, mga kamag-anak na makikipamasko, mga give-aways mga christmas ,parties na pupuntahan. Waaaa ang dami dami talaga. blpht!

I forgot to contemplate on things that really matters. Celebration siyempre ng birthday ni Jesus. The birth of our dear savior. Yun lang naman dapat yun eh. Period. Siyempre higit pa rin sa lahat ng mga gastos at worries natin for christmas, we as Christians should prepare ourselves for His coming. We should rethink our ways and prepare kung paano natin gagawin "present" ang sarili natin sa Kanya. We are all sinners but He the most holy God, accepted us...with all His unconditional love offered to us for FREE. Kung iisipin lang natin, yung mga bagay na ginawa nya para sa atin, ung love God has for us, ung paulit-ulit nyang pag-accept sa atin kahit na paulit-ulit din yung kasalanan...yun pa lang matutunaw ka na. You are weaken by His grace...like never before.

Thank God sa mga articles ko na nakapagpapremind sa akin kung ano talaga ang Pasko. I have so much worries. But indeed God made a way again to show me that I should enjoy this season with or without a Christmas tree, be happy on the things that I have, and be hopeful on His good plans He has for me. Simula pa lang ng December andami nya ng pre-Christmas gifts sa akin. And indeed those gifts are prayers na sinagot nya na hindi ko alam kung paano nya ginawa. Ito yung matagal ko ng prayers na inililigaw ko sa kanya. He is indeed a wonderful God. A God full of wisdom. A God who can make all things possible. Thank you Lord for answering my prayers.

Teka nga..bago kayo malito. Share ko sa inyo yung mga answered prayers ko:

1. I finally bought magic sing for my family last Friday night. Thank you pooooorrr credit card. haha! Indeed super enjoy ang family ko nung weekend.Idee is with that night. Idee also bought her new Canon Camera. Super saya ang lola. Finally maka-capture nya na ang every moments ni aqil...hehe. Aqil is the super cutestness son of idee. Ang gwapong bata nun. :)

Hehe. Tagal ko ng pinagpray ang magic sing na ito. As in last year pa ito pina-plan. FINALLY!!!! I bought the Wow Fiesta Magic Sing Fiesta Edition with DUET MIC pa, plus T5 (tagalog) chip yeah for only almost 12K. Yiheaaaaaaaaaaaah!

2. Siyempre isa sa mga answered prayers ko eh yung sa kapatid kong si Jean at si Karel. Nakakatuwa lang na yung isa finally kinakausap na ako (Jean). (Thank you PSP! Haha!) Yung isa naman finally umuwi na sa bahay after long istokwa days nya (Karel). (Super long story...) At siyempre yung pinaka-latest eh medyo nagkakaayos na rin ang parents ko. (After a long away at bati) Hehehehe. Hindi ba super merry ang Christmas namin? Salamat ng sobra Lord. Haha! Da best ka talaga. :)

3. At siyempre...kahit feeling ko na imposible na. I am still praying for the last one for the year today. Hmmn that..Hmmmn...the PROJECT. Sana. sana...maibigay na sa akin kung hindi this year, early first month of the next year. Hehe. (At may deadline? Haha!) SANA...PLS PLS.

4. At siyempre ung Digital SLR, Ipod Touch(malabo na ito...di na kaya...next story) at Dining table ni mama. :) And the Christmas pang-shopping ng family ko. (Haay...let me patiently wait for 13th month...pls... haha!)

5. As for me. I don't know yet. Hindi ko alam. Yung PROJECT naman na yun para rin sa knila na para rin sa akin. Pwede na yun. :) Yung mga dearly friends ko na lang ang aasahan ko. Hahaha! Sana maalala nila ako sa Pasko. Para I have something for myself. Hehehe! Calling AHEM...Friends? Haha!

God answered prayers. It may not be that fast. But surely His time is the perfect time unimaginagble to humans. :) Hindi ko tatanungin sa kanya kung paano Nya ginawa yun. Ang mahalaga...is He answered my prayers perfectly just the way I thought it would be answered. Amazing talaga!

I love you Lord. :) Super thank you talaga. Thanks in a million Father. You're simply amazing. You're simply the best Father! :) (NAKS...papalakas daw ba? Haha!)

Share it

Search This Blog

Loading...