Hmmn. Alam nyo ba ang napapasin ko sa lugar kung saan ako nagta-trabaho? Andaming singles. Singles...yung walang girlfriend, o walang boyfriend, yung hiwalay sa asawa, yung nakalimutan ng mag-asawa at yung ayaw pang mag-asawa. Ganito ba talaga kapag nagta-trabaho ka na? Alam ko maraming dahilan kung bakit sila nanatiling "single" hanggang ngayon. Teka, isa-isahin nga natin... Workaholic Hindi ko alam ha kung nag-aaplay ang dahilan na ito sa lahat. Pero dito as workplace ko...marami-rami ang workaholic. Siguro nga kasi single sila. O dahil sa marami lang talgang trabaho...Hindi ko rin talaga alam. Pero sa tingin ko, malaki talaga ang epekto nito sa mga taong single pa rin. Bakit? Sino ba naman ang papansin sa sarili niya pang buhay kung puro trabaho ang nasa isip niya? Obligasyon Kahit sino naman ang tanungin mong singles. Ganun naman ang sagot eh. Malaki pa raw ang obligasyon nila sa pamilya nila." Breadwinner". Yun ang tawag sa mga taong ito. Anga ganda pakinggan h...
My Crossroads stories