Skip to main content

I second the motion

This is written by my brod sa UPLB COSS. Totoo di kami close nito. Pinahirapan ako nito nung finals no! Pero I will always have respect on him. Grabe! Ang galing niyang sumulat. :)

I HEART L.B. by Nielsen Oliva

But it's always you I run home to, take me back, take me home away from here back to where… I am free –"Los Baños" by Sugarfree

Dalawang oras mula sa usok-infested streets of Metro Manila matatagpuan ang aking personal heaven dito sa mundo. Matanaw ko pa lang ang Mt. Makiling mula sa South Superhighway, kinikilig na ako. Wala naman akong girlfriend sa LB. Lalo nang wala ding boyfriend. Kahit ka-fling na pwedeng balikan, wala naman akong pupuntahan. Pero yung feeling pwede mong itulad sa pagpunta mo sa bahay ng mahal mo matapos ang isang buwang walang pag-uusap o pagkikita.

Nasa LB ang org ko, pero hindi naman kami close ng mga orgmates, actually parang iwas pa nga sila sakin e. Nandito sa Metro Manila ang mga kaibigan ko. Nasa Pasig ang pamilya ko. Wala naman akong ancestral roots sa Los Baños. Mayroon lang talagang hindi maintindihang connection sa pagitan ko at ng napakagandang lugar na to.

Bakit kaya ako napaibig sa Los Baños?

Suspect #1: Yung environment.
Kasi sa umaga, ang sarap langhapin ng hangin. Ang sarap panligo nung mainit na tubig na lumalabas sa gripo. Lalo na pag may matinding hangover, ang sarap pantanggal ng sakit ng ulo. Lalabas ka ng bahay, maririnig mo yung iba't ibang huni ng mga ibon. Dadampi sa mukha mo yung lamig ng simoy ng hangin, at didikit sa sapatos mo yung damo na nabasa ng hamog.
Hindi ko kayang lakarin ang Ayala Avenue from EDSA to Buendia, pero pag sa LB, kahit doblehin pa yung same distance, wala akong reklamo. Kahit ilang milyong bumbilya pa ang ilagay mo sa mga building ng Makati, walang tatalo sa napakagandang backdrop ng LB, ang Mt. Makiling. Minsan magtataka ka, sa isang araw na wala kang makikitang ulap, makikita mong nakatambay ang mga clouds sa tuktok ng bundok na ito.

Suspect #2: Yung pagkain.
Wala namang pinagkaiba yung pagkain sa LB kumpara sa Manila e. Sa totoo lang, hindi din ako madalas kumain ng buko pie. Madaming kainan sa LB, pero ginawa kong suspect yung pagkain kasi napamahal talaga ako sa nanay ko dahil siya yung araw-araw na nagluluto ng laman-tiyan ko. Kung gagawa ako ng list ng "The Best LB Food", nasa menu ko ang mantika-licious Ellen's Fried Chicken, yung Pinoy-style siomai sa Papu's, yung Doner Dorum (LB version ng shawarma), yung dinuguan na binebenta sa Lapitan's Meat Shop, yung chocolate cake ng MerNel's, yung tokwa sa IC's bar, at siyempre ang aking all-time favorite na Bug-Ong Roasted Chicken. May natikman pa akong bagong chibog, yung sa Ihaw Express na malapit sa White House.
Kahit sinong taga-LB ang tanungin ninyo, sasabihin nya na mas masarap ang Lucky Me Pancit Canton na niluto sa LB kesa sa niluto sa kung saang lugar.

Suspect #3: Yung inuman.
Kung magtatayo ka ng business sa LB na ayaw mong malugi, magtayo ka ng liquor shop o kaya ng affordable na bar. Dahil may kasabihan nga na "hindi ka taga-LB kung hindi ka marunong uminom". Madaming resto-bar sa LB, pero nothing beats the house parties. Bago pa sumikat yung gin-pomelo sa Manila, yung iniinom namin. Madami pa kaming nagawang kakaibang cocktail. Yung Kamehame Wave (vodka + ice tea), yung POGI (pineapple + orange + gin), yung FuKiKo (fundador, hershey's kisses, tsaka kape), yung Boracay (Tanduay + 3-in-1 coffee mix + tanduay), at ang walang kamatayang PiñaColaTa (pineapple + coke + tanduay). Sa LB, mas maganda ang tagayan kaysa kanya-kanyang kuha ng inom. At shempre kulang ang inom pag walang home-made pulutan ng Kilawing Cornick at ang sikat na sikat na Tuna-Skyflakes.

Suspect #4: Yung mga tao.
Ewan ko lang ngayon pero nung nandoon pa ako sa LB, walang social climber. Walang pa-sosyal dun. Yung mga galing sa mga mayayamang pamilya (conio in layman's terms), kailangang mag-fit sa masa. Hindi importante ang porma. Kahit naka-pambahay na damit at tsinelas ka pag papasok, tanggap ka ng lipunan. Kaya yung mga kilala ko na taga-UP Diliman dati, hindi ma-gets yung mga kwento ko kung gaano kami ka-barok sa UPLB. "How baboy naman the pig", ika nga nila.
Walang mapagkunwari sa LB. Siguro dahil nga small town lang to, lahat magkakakilala. Kung may pino-protektahan kang image, eventually, lahat ng baho mo lalabas din. Kaya mas magandang ilabas mo na yung totoong ikaw kasi mas mapapasama kung mabubuko ka lang.

Suspect #5: Yung memories.
Ahhh. The memories. Siguro sa lahat ng suspect ko, eto ang parang "Mastermind". Pag nakasakay ako sa jeep sa LB, o kaya kahit naglalakad lang, hindi ko naiiwasang tumingin sa isang bahay, sa isang bar, o sa isang kainan, at sabihin sa sarili ang mga bagay na tulad ng "uy,diyan yung first kiss ko sa 3rd girlfriend ko", o kaya "diyan sa bangketang yan natulog yung brod ko nung nalasing", o kaya "diyan kami pinakitaan ng multo". Halos lahat ng lugar sa LB, may naiwan akong memory doon. May mga napalitang mga establishments, pero may itatayong bago na maaaring pag-iwanan ulit ng alaala. Kung tutuusin, ang LB ay isang buhay na diary para sa akin. Bawat lugar, isang pahina. Bawat araw, isang linya.
Madaming hindi nakakaintindi sa akin kung bakit pabalik-balik ako sa Los Baños, lalo na yung mga batchmates ko noong college. Lagi ko nang naririnig yung mga phrases na "Grow up", "Move on with your life", "Leave the past behind", "Wala ka na sa stage ng buhay mo na college ka pa din". Masakit marinig, pero may point nga sila. Kaya minsan, tinanong ko yung housemate ko na umuuwi sa LB every weekend. Sabi ko "bakit kaya ako bumabalik sa LB eh isinusuka na ako ng mga tao doon, wala naman akong binabalikan, wala naman akong napapala?"
At hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi nya.
"Tinatanong pa ba yan? HOME. Home is where the heart is."

Comments

Anonymous said…
oi,karen,astig toh a!kaiyak,na-miss ko tuloy lalo ang elbi.huwaaaaah!ka-miss noh?kaya ako,every wikend din bumabalik-balik dun e.kahit gurang na ko cguro,babalik at babalik ako...kc nga "home is where the heart is". hay!
Kangel said…
ako rin...waaaah! miss na miss ko na ang UPLB. I will always remember LB...Sobra! Kasi doon talaga na-build character ko. :) Natin pala. I heart UPLB!
cialis said…
I, of course, a newcomer to this blog, but the author does not agree

Popular posts from this blog

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."