Skip to main content

No Breakfast

So sad lang talaga... Ang bigat ng pakiramdam ko. Nahihilo...Epekto lang siguro ito ng di ko pag-aalmusal. Sayang masarap pa naman ang ulam.

FOREVER OTHERS

Ako lang mag-isa ngayong umaga. Nakakalungkot. Paano ba maging manhid? Hirap talaga...Dati ganuon ako. Ngayon...prang gusto ko ng bumalik sa dati. Yung wala akong pakiramdam. Yung bingi ako at bulag. Masarap ang ganuong state. Iniisip mo lang ang sarili mo eh. Kaya marami akong kakilalang ganuon. Ayaw kasi nila masaktan o seryosohin ang mga bagay-bagay. Doon sila masaya sa ganun...Ganuon din kaya ako?

Ako kasi isip ng isip sa iba. Parating iniisip ang iba. Laging nilalagay ang sarili sa iba. Masyado ko ata naparaktis ung "Bayan muna bago sarili"... i.e. ang kahulugan ng bayan ---kapwa, iba ..etc. Ayaw ko na mag-isip muna. Kailan ba ako hihinto?

Reminiscin UPLB

Sa UP. Kapag ganito ang state of mind ko. Pumupunta ako ng freedom park. Sumisigaw ako. Hindi naman ako nagmumura. Sinisigaw ko lahat ng gustong sabihin. Lahat ng nasa utak ko, Lahat ng galit ko at inis ko sa mundo....Tapos umiiyak ako...(Ei may kasama ako kapag ginagwa ko yun ha...Bestfren ko). Kasama ko bestfren ko sumisigaw...Tapos..magaan na pakiramdam namin. Makakangiti na ako ng totoong ngiti na tanging mga kaibigan ko lang ang totoong nakakaalam. Namimiss ko na ang UPLB. Ang dorm ko. Ang mga dormates ko. Ang lahat ng tambayan namin. Namimiss ko na talaga. Kapag may problema ako ng isang araw...di ko na yun naiisip sa susunod....Bakit ngayon hindi na? Problema ko nung isang linggo problema ko pa rin...Haay!

Haay! Hirap talaga ng walang kain...Kung anu-ano ang nasasabi ko.

Comments

Anonymous said…
i love the new layout :) i agree with yang. if you're not the type of person who thinks of others, i would only have two minus one friends at the office who could listen to my tragic life experiences :)
Anonymous said…
worrying won't help. surrender your thoughts to god. peace out!

Popular posts from this blog

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."