Skip to main content

Paalam Sir...

Kababasa ko lang sa isang blog at email na namatay na si Dr. Pacifico Payawal. Siya po ang aming dakilang teacher sa Natsci 2. Dakila dahil saulo nya na talaga yung lecture notes nya. At kahit siguro paikutin mo siya ng tanong….masasagot nya. Magaling talaga.
Hindi na ako nagtataka na kapag binabasa ko ung mga lecture handbook namin noon…parang nagsasalitang Dr. Payawal ang nai-imagine ko. Parehas kasi yung mga wordings nya sa handbook at sa lecture class namin.

Terror daw si Sir Payawal. Malupit magpa-quiz yan. Paano? Yun ang ginagawa nyang attendance at ang cumulative scores ng quizzes ay isang exam…Patay sa kanya yung mga umaabsent. Kaya marami rin yun bumabagsak dahil sa ganun nyang sistema.

Pero ako…hindi ko napansin yung pagiging terror nya… Naisip ko na ok lang naman yun…Actually disiplina lang talaga para sa estudyante. Madali lang naman ang Natsci 2….pero humirap lang para sa mga estudyante dahil sa pasaway talaga sila…kasama na rin minsan ako…Hehe.

Ang naalala ko mga klase nya…eh ang walang kamatayan niyang klase sa Pangaea, ang plate tectonics, ang mga planets, ang mga earthquakes, volcanic eruption at ang biochemistry. Hate ko ang chemistry…pero nagustuhan ko nung nilagyan nya ng touch of bio…Gusto ko ang klase nya. At yun ang sa palagay ko worth attending to sa lahat ng mga naging non-major klase ko. Hehe. Hindi ko rin malilimutan yung pagpapapunta nya sa amin sa likod ng biosci para kunin ang mga results ng quizzes at exams namin… Patok!

At ngayon namaalam na siya… Hindi ko maiiwasan na talagang maging malungkot.
Pero masaya na rin ako…nakilala ko ang isang Dr. Payawal at naging bahagi ako ng long years of teaching nya ng Natsci 2. Great man of science. Great man of discipline. Great professor. Isang kawalan. Pero alam ko na na-fullfill nya na ang kanyang misyon saUPLB...sa aming mga estudyante. Ang taong nakitaan ko talaga ng love for teaching...

Paalam Sir. Thank you po. :)

Comments

Popular posts from this blog

When is the right time?

When is the right time? There is just this one guy who makes me happy everyday. He makes my heart beat faster. He makes me feel really special even he intends not to. I wanted to express what I feel but I'm afraid it may not be the right time. God only knows when... New Chapter: The Japanese  I wondered...why am I always affiliated to "japan" word. I was never a super fan of any anime. Oh there is one...Sailormoon series. Naruto? so so. Ah Yugi-oh! :D Gladly, I started and ended only these two series. And in between I met some japanese folks - some of them are acquaintance  and wives of friends. One of my friend dreams to flew in Japan. Another one is a collector of manga characters. Friends and college friends work there. Now surprised! I was hired by Aeon  as Managing Software Consultant for a project - a japanese company. Never thought of it. But my subconscious mind has been absorbing too much information about Japan and japanese culture. Now my turn ...

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."