Haay ok na ako ngayon. Kaysa nung kagabi. Haay... Andaming balitang malungkot. Hindi ko na kinaya no.
Donmark
Si Donmark po ay isang kaibigan nung college na nagturo sa akin ng ilang gintong kaalaman sa buhay. Hehehe! Well tinuruan nya akong i-appreciate ang pagpo-program sa java. Siya po ay isang malapit na kaibigan sa akin talaga. Kaya ganun na lang talaga ang pagkalungkot ko ng malaman ko ang nangyari sa kanya. Syaks talaga! Di ko mapigilan ang umiyak. Isang kaibigan ang nawala sa akin. Ang lungkot. Sobrang lungkot. Feeling ko gusto ko na rin pumunta kung nasaan siya ngayon. Kasama niya na si God eh. Haay! :(
Overnight sa Dorm
Ang hindi ko talaga malilimutan sa taong ito ay yung pagpo-program namin sa java nung Software Engineering class namin. Sobra! Isang pagpapakadakila ang ginawa niya. Uma-attend siya ng klase namin at gumagawa ng lab exercises...Pero would you believe na hindi siya enrolled nun? Pero isa siya sa mga naging grupmeyt ko.
Project namin nun scheduler na gawa sa java. Kami ang may pinakamahirap ng project nun. Mahirap dahil mahirap mag-implement ng scheduling algorithm na magpi-fit sa problem namin nun. Kaya kami nag-implement ng algo. Hehehe! And within two weeks, working na yung scheduler namin. Ang saya no! Pero grabe naman no! Dugo at pawis talaga ang puhunan namin. I mean puyatan araw-araw. Sobra-sobra ang naging sakripisyo nya nun para pumunta sa dorm namin para mag-implement at magprogram. "For the love of computer science" Yun ang tukso ko sa kanya nun...Kasi naman...Sobra talaga. Umaga na kami natatapos magprogram nun. Kapag naiisip ko yun...Wala lang..Yun lahat ng sakripisyong un para sa pag-aaral....Nadadagdagan lalo ang paggalang ko sa taong yun. Ngayon lang ako nakakilala ng ganun tao. Masuwerte ako at nakilala ko siya. :)
Nakakalungkot lang talaga...Wala ka na. Naisip ko nun na someday ire-return ko ang mga favors na ginawa mo nun para sa group. Di pa kita nalilibre ng lunch at dinner. Andaya mo! Kaso late na ata ako. Sorry. Salamat sa lahat ng pagpapatawa sa ICS lib... Kita na lang tayo diyan someday ok? Nauna ka lang...Hehehe. Badtrip ka. Andami makakamiss sa iyo. Ako rin mamimiss talaga kita.

Comments