Skip to main content

Posts

Showing posts from 2006

Christmas Parties Galore...

Update.update muna..hehe. Share ko lang na tatlong Christmas parties na po ang na-attendan ko.Hehe. Oo nga at masasarap ang pagkain na siya naman tlagang gusto ko.neg-enjoy po ako sa bawat party na yun.pero hindi ko namamalayan na napapagod na pala ako. Kanila lang kasing umaga ay sinumpong ako ng aking bestfriend na sakit. Ayun at hindi ko na naman ako nakatuloy sa sa isang tutorial session ko sa bicutan. Hindi ko alam pero naisip ko rin na there is reason for everthing. Paraan lang ng Diyos para mag-break muna..wala na kasi akong pahinga talaga. ;) Oh well.hehe. Company Party Oks naman naging party ngayon kaysa yung dati. Masarap ang pagkain at pinaka-fave ko eh yung nai-serve na dessert..Yum yum! Haay..sana makatikim ulit ako nun. Kwento ko lang lang ulit.At the last minute ay talagang lito ako kung pupunta sa Crowne Hotel pero hayun..dahil sa sinabi kong pupunta ako.pumunta talaga ako.Nakakahiya naman kasi kung hindi. At siyempre sinilip ko lang uli ang party nag-register tapos fly...

Ang Aking New Christmas Layout

Wala lang.. Gusto ko lang baguhin uli ang layout ng aking blog dahil sabihin natin na gusto kong sumabay sa season. Hehe. Gusto ko lang na parang maging greeting card ang header ng blog ko at sana ay naging successful ako sa paggawa. Pasensya na at hindi talaga ako creative na designer so suffer muna kayo.. : ) Colors: Dapat Red and Green pero bakit Magenta at Lavander itech? Wala lang rin lang po. Actually sa dami ng mga blog templates na pinagpilian ko..wala akong choice kung hindi gamitin na lang template na ito..ito lang kasi yung medyo akma dun sa naiisip kong design. Maraming ok tlaga. Marami yung mga green and red blog templates..Pero may pagkamadilim kasi sa paningin ko. Eh ayoko naman maging dark ang aura ng blog ko dahil magpa-pasko. Kaya ok na ang magenta at shades of pink at lavender sa isip-isip ko. Tutal naturalesa talaga akong mahilig naman sa pink, secondary ang lavender. Bakit Christmas Greeting ang nakalagay sa header? Eh ano bang care nyo? Hahaha! Joke lamang po. Sa ...

Ang Bikol at Mga Super bagyo...

Ang mababasa nyo sa ibaba ay isang email na galing sa aking brod from UPSCA (University of the Philippines @ Los Baños) na si Dominic. At dahil isa rin akong bikolana, lubos akong nahahabag sa mga taong nasalanta ng mudflow sa Albay dulot ng bagyong Reming (international name: Durian). Nakakalungkot na nangyari pa ito kung kailan magpapasko. Marami ang namatay kaya malungkot na Pasko ang naghihintay para sa namatayang pamilya. Hanggang ngayon ay walang kuryente dahil sa mga nagtumbahan poste. At higit sa lahat maraming pamilya ngayon dun ang nagugutom, nawalan ng tirahan at nawalan din ng ari-aria n ... Ngunit ang nakakatuwa sa pangyayari matapos kung mabasa ang email na ito ay nakikita pa rin ng mga Bikolano ang pag-asa sa kabila ng trahedya. At nararamdaman ko na kahit ilang bagyo pa ang dumating sa kanila... nakakatuwang naiisip pa rin nila na kontrolado pa rin ng Diyos ang lahat...na puso nila na hindi sila pababayaan ng Diyos anupaman ang mangyari. :) "...subalit sa lahat ng ...

Paalam Sir...

Kababasa ko lang sa isang blog at email na namatay na si Dr. Pacifico Payawal. Siya po ang aming dakilang teacher sa Natsci 2. Dakila dahil saulo nya na talaga yung lecture notes nya. At kahit siguro paikutin mo siya ng tanong….masasagot nya. Magaling talaga. Hindi na ako nagtataka na kapag binabasa ko ung mga lecture handbook namin noon…parang nagsasalitang Dr. Payawal ang nai-imagine ko. Parehas kasi yung mga wordings nya sa handbook at sa lecture class namin. Terror daw si Sir Payawal. Malupit magpa-quiz yan. Paano? Yun ang ginagawa nyang attendance at ang cumulative scores ng quizzes ay isang exam…Patay sa kanya yung mga umaabsent. Kaya marami rin yun bumabagsak dahil sa ganun nyang sistema. Pero ako…hindi ko napansin yung pagiging terror nya… Naisip ko na ok lang naman yun…Actually disiplina lang talaga para sa estudyante. Madali lang naman ang Natsci 2….pero humirap lang para sa mga estudyante dahil sa pasaway talaga sila…kasama na rin minsan ako…Hehe. Ang naalala ko mga klase ny...

Amnesia, Makahiya,... atbp.

Oh well andami ko ikukuwento. Sobra na ata ang pagkakamakakalimutin ko ngayon at nakaligtaan ko kung anong petsa na. Pumasok ang December ng nakakalimutan ko ang mga dapat kong gawin. Masyado akong naging occupied sa mga bagay na hindi kailangan I-prioritize at heto ako ngayon nalulungkot dahil sa epekto ng hindi ko pagpa-prioritize sa mga bagay na dapat inisip kong gawin. Dec. 1, 2006. Hindi ko naalala na may chapter meeting. Grabe na siguro ang pagkalimot ko dahil kahit kalkalin ko ang baul ng memorya ko ay hindi ko maisip na may sinabi ang mga brod and sisses ko sa SFC. Wala akong maalala. Wala. Haay ano ba ang nangyayari sa akin? Dec. 2, 2006. At ngayon araw, ay este madaling araw habang sinusulat ko itong blog entry ay nakalimutan ko na ngayon pala ang simula ng pagiging lector ko sa simbahan. Naalala ko naman siya in fairness kaso too late para gawin ang mga dapat gawin. Tinext ko siyempre si ate jenny, head ng Word Ministry at sinabi ko na nawalan ako ng track sa dates kaya naka...

GY Alone

Oh well, I’m all alone. Third day na po ng aking GY ko for this week…And this time…mag-isa. Hindi kasi pumasok si Rom na siyang kasama ko… Haaayy! Ngayon nakakaramdam ako ng lungkot at somehow awa (duh!) sa sarili ko? Hehe hindi ko rin alam… Basta ang nararamdaman ko ngayon ay lungkot dahil naiisip kong mag-isa ako. Kahit sanay ako….pero kapag nagsi-sink in sa akin yung thought…waaah! Haay. Kalma…Tiis… Suffer. Hehe =)

Updates (SFC, Pacquiao, Work)

Ang tagal ko na rin pala talagang hindi nakakapagpost. Waah! Madami kasing trabaho this week kaya kapag dinadalaw ko ang sarili kong blog titingnan ko lang kung may comments tapos basa lang...tapos yun lilipat na ako uli ng ibang site. Hehe. Update lang...This week ginugugol ko ang araw ko sa mga sumusunod: - Pagcheck ng adsense - Pag-check ng yahoo mail. – minsan di ko na rin ito nagagawa. - pagbubukas ng outlook - pagbabasa ng our daily bread site na minsan nakakalimutan ko pa kapag nabaon na ako sa pagbabasa ng sandamakmak na emails. - Paga-assign ng tasks - Paggawa ng mga tasks - Other concerns – pagbabasa ng blog; pagko-comment at paggawa ng blog entry. waaaah! Hindi ko na rin nagagawa kaya heto ngayong libre eh sinamantala ko na ang pagkakataon makagawa kahit isa. Malling; Merienda break….Chismaks…etc. Kung tutuusin pag na-enumerate lang parang ang dali. Pero dito nauubos ang oras ko. Hindi ko na rin masyado napapansin na inuubos ng mga ito ang lakas ko. Sobrang gusto ko ng humil...

Happy 2nd Anniversary

Kamusta naman kaya ang LB? Antagal ko na rin hindi nakakapunta sa LB? At heto na nga…finally bukas. Leave ako bukas- November 16, 2006…makakatapak muli ang paa ko sa mga luntiang damo ng freedom park…makikita ko uli ang sikat na banga ni Maria Makiling….ang ang Vetmed dorm kung tila nabubulok na rin sa katandaan…at ang lahat ng alaala ng aking college life…siguro magbabalik un lahat…for sure un…;) Very sure :) November 16, 2006 – 2nd Anniversary Anibesaryo ko dito sa ePac. Tama. Dalawang taon na po ako mga kapamilya…Ahehe. Dalawang taon na mabilis na pala ang nakalipas. Para sa kaalaman ng lahat eh matapos po akong makatapos ng aking degree sa UPLB at diretso po akong naghanap ng trabaho at dito nga po ako (hindi) pinalad na mapadpad. Haha! Ang mabilis na dalawang taon na kung saan ay iba’t ibang tao na ang aking mga nakasama at nakasalamuha. May mga umalis at dumating…may mga tao akong nagustuhan at muntik ng magustuhan. At siyempre ang hindi ko malilimutan ay may isang taong sobra ta...

Wazzzup?

Sad Feeling... Mahirap tlaga yung feeling ng iniiwanan….Hindi nawawala ang pain… Yung parang gusto mong maiyak pero naiisip mo naman na ka-OA-yan…Yung gusto mong magmakaawa na wag na lang…pero selfish ka naman pag ginawa mo un. Sobrang nalulungkot ako ngayon. Marami akon bagay na hindi nasasabi sa mga tao sa paligid ko. Pero napupuno na ang utak ko. Kaya heto sinusulat ko na naman. Nakakainis talaga…. Pero ganun talaga ako. Hindi mawala agad sa akin ang feeling na ito… Next topic na. =) Ano bang ginagawa ni Karen these days? Last Sunday katatapos lang lectors and commentators seminar sa Pasig. Magiging official proclaimer na ako ng Word. Matagal ko ng pinagppray ang service na ito…At heto binigay na Nya…Walang kasingsaya… =) Isang pribilehiyo ito para sa akin…. At pinagdarasal ko na magawa ko ito ng tama for the glory of His name… =) Next… Matatapos na rin ang CLP (Christian Life Program) na ilang weeks ko na rin binibisita sa Sun Valley sa Paranaque kada linggo para matapos. Pagkatapo...

Hilo

Sulat muna ako Marami na akong bagay na hindi nagagawa…na naisip kong kailangan ko talagang ipa-prioritize. 1. Reading daily bread as my first priority…pero dahil sa mga pag-aassign ng tasks…nalilimutan ko. 2. Ang mag-lunch kasama sina Romela at Joni 3. Ang maraming beses na pagbi-break ng aming team. Waah namimiss ko na talaga… 4. Ang buhay bilang isang simpleng mamamayan… Ang huminga… Waaahhhh!! Feeling ko magkakasakit ako… Nahihilo na ako… =(

At long last! - PR 4 na ako.... :)

At last! Nagwork na ang ilang linggo kong pagli-linkbuilding.... Matapos ang ilang araw na paglalaro ni Google sa PR eh nakamit ko na rin ang gusto maging PR for this year.... PR 4..Yahuuuuu!!!!! Salamat Google! At salamat sa mga iba ko pang friendships na bloggers! Mabuhay kayo... Yey!

Bad News and Good News

Bad News Been long quiet. Pero ito na magsasalita ako. Sa totoo lang medyo nakakapagod na yung mga events. Para ayaw tumigil kasi sa pagdating. Puro pag-alis. Nakaka-down. Nakaka-demoralize. Naiintindihan ko ang both parties. Pero heto wala akong magawa at wala akong makampihan dahil alam kong parehas silang tama. Naranasan ko na rin ung feeling na nadedehado ka. Naramdaman ko na rin yung pagkainip at pagkawala ng interes sa ginagawa mo. Yung iba kasi ito ang nararanasan…Andun ung pagkukumpara. Hindi naman maiiwasan yun. Hindi na yun mawawala. At siyempre kailangan mong magdesisyon. Desisyon na makakapagbago sa iyo at sa mga taong nakapaligid sa iyo. Di bale, araw araw mo naman ginagawa ang magdesisyon di ba? Marahil isa lang ito sa mga desisyon na ginawa mo o gagawin pa lang. Haay! Sana lang muna kahit saglit tumigil na… Hindi na kayang dalhin ng utak ko… Ambigat lang sa pakiramdam… Good News Nagkaayos na kami ng sister ko. Matagal ko na rin kasi siyang napatawad talaga pero hindi ko ...

Goodbyes...

Super sad afternoon… Last day na ni Sir Joel at nakakalungkot lang talaga na wala ng manager ang team namin. It’s such a dreadful feeling. Emptiness. Void. Deep sadness. Maraming rason kung bakit hanggang ngayon ay andito pa rin ako sa company. Because I serve with all my heart…Totoo. And I have tried na hindi isipin ang mga taong pinagsisilbihan ko. Dahil I know everbody will agree na hindi sila worth pagsilbihan. May reason si God kung bakit andito ako. I know. At kahit hindi ko alam yun…I have tried to fulfill the tasks that He has given me. Pero naging isa na rin sa mga rason ko kung bakit ako nagi-stay ay dahil kay Sir Joel. Nakita ko kasi sa kanya ang pagiging isang lider…isang aktibista rin katulad ko at higit sa lahat…nakita ko na naniniwala siya sa kakayahan namin lahat. Na kaya namin gawin kahit yung mga ginagawa niya… At tinuro nya ang lahat ng alam nya. Hindi siya madamot at higit sa lahat personally naramdaman ko na gusto nya maging successful kami sa lahat ng ginagawa nam...

Saludo

Oh well…natapos na rin ang lahat ng kainisan ko. God has supplied me all the patience and wisdom to understand them and do the right thing. Sana matapos na rin yung isa ko pang problema… I know may end din un…I’m still praying for it. Ano bang latest? Wala naman masyado. May mga tao lang akong hindi maintindihan lately. Yung mga taong nagseset ng date ng lakad pero hindi naman tumutuloy.Sinu-sino kaya ang mga yun?Haha! In fairness to them baka may mga rason naman sila…. At hindi ko na rin hawak siyempre ang mga iniisip nila… Wala lang nakakainis lang naman ng konti… at nakakalungkot na rin kasi gusto ko rin naman sila talagang makakuwentuhan at makita na rin. =( Isang Pagsaludo. Para sa mga agents na naabutan ko…(pauwi ako at sila naman ay papasok pa lang) saludo ako sa inyo. Nakikita ko pa silang may mga hawak na papel at tila sinasaulo ang script na babanggitin nila sa mga clients para lang marinig ang palakpakan ng kapwa nila kasamahan, o di kaya ay marinig ang salitang “acknowledge...

Rants! Rants!

Thursday - Sept 7 Napakahirap talaga para sa akin ang GY. Sa lahat naman siguro… Lalo pa ngayon na inabot ako ng sandamakmak na sakit. Halu-halong sakit ng ulo, malalang sipon to nth level (na naubos ko na ang 1 roll ng tissue!) at ang hindi matigil na ubo at manaka-nakang hika. Kung anu-ano na ang ginawa ko para hindi makaapekto ang lahat ng nararamdaman sakit sa trabaho ko pero wa epek e. Buti na lang kaunti lang ang trabaho ngayon… Kasi naman 60% ng shift ko ay na-consume ko sa paglabas-masok ng pantry para umigib ng mainit na tubig (paglanghap na mainit na hangin para guminhawa ang paghinga ko dahil sa dyaske kong sipon), uminom ng gamot na feeling ko walang epekto, at siyempre ung break na two hours kasama sina jill at jigz at rachelle :D Ayoko ng mag-GY! Pero ito ang trabaho. At ang hindi inaayawan ang trabaho tama? Hehe. :D Monday – Sept 11 Wala pa rin ako sa sarili ko na pumasok ngayon..,Kaya nga ayokong nag-aabsent dahil may ganito akong feeling. Wala ako huwisyo gawin ang mg...

Ang Miting

Ang hirap lang maniwala. Maganda lahat ng sinasabi ng taong yun pero bakit ganun...kahit pilitin ko sarili ko nung oras na yun...25% lang ang kayang i-absorb ng utak ko. Yung remaining 75% lahat un sinusuka ng utak ko. Hindi ko alam kung masyado lang siyang idealistic o ako lang yung pessimistic. Kagagaling ko lang sa nakaka-exhaust na meeting . Ang taong di ko sinasadyang naba-bad mouth ko kahapon pa ay hindi naman pala stupid after all. Isa pala siyang matalinong tao. Magaling magsalita (as literal na magaling) at mukhang matalino talaga. Bawat statements niya o arguments sa meeting na un ay talagang patama but most of the time encouraging. Nakakabuhay ng pangarap. Nakakapagpaisip sa amin na mag-self evaluate uli. Nag-aanyaya na magtiwala sa sistema na gusto nyang ma-implement. Magtiwala sa kanya as a leader. Haay mahirap yun… Oh well mukha naman masipag siya. Mukhang naman kakayanin nya. Kaya nya. Mukhang makakabuti naman sa lahat ang mga policies nya e… Sige…makikinig muna ako at s...

Limang bagay na gusto kong pasabugin...

1. Ang building namin. To be specific ung 37th floor. Gagawin ko ito pag natuloy ang forever GY shift na iyan.... hehe. 2. Ang mga taong naka-shades na hindi naman sobrang sikat ang araw at sa katunayan ay nagpi-freeze na ang lugar na aming kinatatayuan ay naka-shades pa rinAnak ng tokwa talaga! Ewan ko baaahh... Nakakainis lang talaga tingnan... (Haay kayren dapat intindihin mo na lang ang sarili mong shades... at maging sarili mong buhay...hahaha!) 3. Ang mga managers na sabik sa aircon na nagrerequest na palakasin ito sa lugar namin. 4. Ang mga taong hindi tumutupad sa kanilang mga pangako... (Huhuhu...sailormoon vcds ko. waaah!) Hehe..joke! Oks lang. Hindi na ako hihiram. Bibili na lang ako. yahuu! 5. Ang ang mga naglider-lideran... mga irrational policies at mga boss na hindi marunong kumuha ng opinyon ng mga tao nya... Naku pag natuloy lang yun... Naku lang... hindi lang ako magpapasabog ng tinitirhan nya..pati ang mga kasamahan ko sa opisina makikijoin :)) Siyempre...joke lang p...

Sleep obsessed

Sa araw-araw na lang grabeh... masasabi kong sobrang hirap na hirap na akong gumising… Parang nakadikit na ang ulo ko sa unan ko. Sinasabi ng utak ko, konti na lang… tulog ka pa … Sabay bagsak ng ulo ko uli. ZZzzzzzzz! Idlip … Maririnig ko na naman ang tawag ni mama. “Karen! Karen! 4:30 na! (ng umaga).” Parating ganun ang sinasabi nya at paulit-ulit nyang sigaw sa akin. Pero di ko alam… gumagana pa rin ako utak ko… kasi nung maka-lima o anim yata un na beses na tinawag nya ako para magising… Bumalikwas ako ng bangon. Feeling ko alas singko na. Pero nung bumaba ako… Gudlak… 4:30 pa lang eksakto! Badtrip! Minsan natutuwa na rin ako sa ginagawa sa akin ni mama. Ginigising nya ako siguro 4 am pa lang… dahil alam niyang sobra akong hirap na gisingin… :P Astig! dahil dun di ako nali-late. Yun lang naiistorbo ang tulog ko ng sobrang maaga. Boses agad ni mama naririnig ko… waaah! Bakit kasi 6am ang simula ng shift namin… Oh why? Oh whyyyy?!! Tapos sabado pa ngayon…dapat tulog pa ako…Pramis b...

Babies ko

Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero yes sila... sila ang mga babies ko...Nanggaling sila sa akin... Waah! *Haluscinations* Haha! Waaah! (ulet) Tinatawagan ko ang mommy ng mga batang ito...Willing po akong maging ina nila...kung kayo po at nagsasawa o nahihirapan sa kanila.Hehe. Sila ang gusto kong maging babies... :P How I wish sila ang mga magiging babies ko... So cuuuutteee! Kung mangyayari un siguro... grabeh... I'll be the most proud mom ever... Yaynesss...Kainggit ang mommy ng mga babies na ito.. - "Ok picture...1..2..3..!" - "Lets put our hands up in the air... Common!!" - "Halika rito... wag ka lumapit diyan...Kriminal iyan" - "May sasabihin ako sa iyong tsismis...wag ka maingay ha." - "Ang tigas naman talaga ng pagkain na ito...!" - "Ganito ba dapat ang pose? Hmmmn Teka...." - "Galit galit muna..." - "Hmmm...Talap talap.."

10 Panggulo

10 bagay lang gumugulo sa utak ko ngayon. Ngayong oras lang na ito ha. 1.Ang forever GY . 2.Ang kapatid ko sa bahay na sobrang nakagalitan ko. 3.Ang dyaske kong kras . Haha! - *kilig* 4.Ang suweldo sa Martes na sobrang tagal! 5.Ang SEO Team namin…huhu. 6.Ang kompanyang hindi ko alam kung kailan matuto kung paano mag-alaga ng tao . (O kung may pag-asa pang matuto) 7.Ang training ng mga agents dito. Grabeh… hindi ko alam kung effective … Nahihirapan akong marinig silang bumigkas ng salitang Ingles. Bakit kasi hindi na lang Filipino ang international language e… :P 8.Ang mga taong walang boses na sabihin ang tama…(Isa na ako roon… Huhu…) 9.Ang Bulkan Mayon na sana wag munang sumabog. 10.At higit sa lahat ang mga taong parati na lang nagri-request na palakasan ang aircon ng Quadrant 3, 37th floor ng building na ito. Mga panget silang lahat!!! Lamig na lamig na kami rito pero wala silang pakialam kung mga frozen human beings kami… Brrr! Mga panget kayo… ngayon lang siguro sila nakapa...

Thoughts...

Kung sinuman ang nagsabi na mahirap maging totoo sa sarili…Kasama na ako doon. Marami akong bagay na gustong gawin at sabihin pero hindi ko magawa dahil sa takot. Para na akong paranoid minsan pero hindi ko rin alam kung bakit ako ganito… Sana magkaroon ako ng lakas ng loob minsan para sabihin ang gusto sabihin… pero minsan naman gusto ko na rin makuntento na lang at manahimik na lang kasi hindi ko alam kung ang susunod kung sasabihin ay makakasakit ng iba o makakasakit ng mismong sarili ko. Haay… Hindi ko rin maintindihan kung saan ako lalagay...

GY Chronicles

Waaah! Hindi ko alam kung bakit may GY pa? Pero alam ko naman ang mga benefits ng GY na ito? Pero bakit nagdidilim na naman ang paningin ko at gusto kong mawala na sa mundo ang nakaisip ng shift na ito…. Hmmmp! Basta shift siya…Hahaha! (Peace tayo kung sino ka man :P ) Sa halip na matulog inisip ko na paganahin ang inaantok kong mga brain cells para makapagtayp. Sige tayp lang ng tayp… hindi ko rin naman alam ang dapat I-blog ngayon… Ay marami pala. Pero nakakatamad naman na ikuwento yun…syakness.. iniisip ko pa lang. Mas lalong akong inaantok. : ( About the ATM issue..nakow gusto ko na lang ibaon sa limot. Walang umaamin e. Ayokong magalit dahil lang dun. Pero pinagppray ko na umamin na lang yun ng personal. Sana… Leason learn: Kaya ko pala I-handle ang temper ko sa ganun sitwasyon. Sigh! Time check 5:36 AM – Mag-uuwian na. Salamat naman. Meron mababago sa team namin. At alam ko na na-hurt namin yung boss namin. Guilty rin ako sa mga nilista niyang kasalanan namin. Hehe. At para sa ka...

Trust Issues 101

Nawawala ang ATM ko. Dahil sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang memorya ko pagdating sa mga nawawalang bagay… Hindi ako agad nagbintang. Baka nga naman nawawala lang siya o na-misplace ko lang. Ganun naman ako parati e. Pero sa huli…pinilit ko pa rin kinalkal ang utak ko at pilit na inalala ang mga ginawa ko simula ng Sunday. Nalala ko pa nung Monday eh inayos ko ang wallet ko. At yun ang huling beses na nakita ko ang ATM ko. Wednesday morning… nalaman kong nawawala siya. Wednesday night na-check ko online ang account ko. Bawas na ang account ko ng Php 500. Abah! Siguro nag-withdraw ako nung Wednesday… pero hindi e. Wala akong naalala. Wala talaga…. Unti-unti kong ina-analyze ang mga bagay-bagay. Naisip ko pa na baka naiwan ko lang dito sa office ang badtrip kong ATM at may lokong kumuha. Pero naisip rin namin ng kasama ko kagabi… Kung may nakapulot noon dapat na-withdraw na niya yun lahat. At higit sa lahat alam nya dapat ang PIN ko. Oo nga… naisip ko dapat nga alam nya yun. Pero wala...

I won the battle!

Last week natapos na rin. I've overcome my fears. I can never thank God for giving me all the strength to do what is the right thing to do. Ang ano? Ang lapitan ang mama ko at gumawa ng ng move to totally end yung away namin. =) Thursday… Haha! Huwebes yun. Yun ang binigay ko sa sarili ko na taning para gawin ang dapat gawin. Ang araw na rin na un na naramdaman ko na mababa ako yung parang worthless ka sa sarili mo? Alam mo un? Yung nilunok mo na lahat ng pride mo. Parang sobrang pahiya ka na sa mismong sarili mo. Ganun. Pero hindi ko ininda ang sinasabi ng sarili ko… yung kahihiyan at pangma-mock na sinasabi ng utak ko. Paano na lang ang pride mo etc… etc. Eh paano kung walang nangyari sa ginawa mo… Eh di napahiya ka lang… Etc… etc.. (Hindi ko rin alam pero nararamdamn ko na nilalaban ko ang sarili ko) And on that fight… nanalo ang gusto ko. Sinunod ko ang tama. At hindi ako nagkamali sa naging resulta. It was a hit! Ah este it was a success! Hehe. Matagal ko ng plano ang makipag...

My so called older sister.

Bata pa lang kami madalas sabihin na kambal daw kami. Para kasi kaming pinagbiyak na bunga nung mga bata pa kami. Pero nung tumanda kami, narealized namin na hindi. Nga pala mas matangkad siya sa akin. Kaya mas napagkakamalan na mas matanda sa akin ang kapatid kong ito. Mas maganda rin siya sa akin. Palibhasa kikay. Kahit sobrang tipid sa paggastos...kikay siya at alam nya mahalin ang sarili nya. Hehe di katulad ko dati. Ginusto nya ang iba't ibang propesyon. Nung bata kami gusto nya raw magtrabaho sa Goldilocks Haller para raw maka-sneak in siya para kumain ng maraming cakes... At habang lumalaki ang bruhang ito ay ginusto nya naman maging officer sa school sa ROTC . At nagawa niya. Sinubukan nya rin pumasok sa Army sa pamamagitan ng kursong criminology ... Would you believe that?!!!Sa kikay ng kapatid kong ito, naisip nya yun? Hindi rin ako makapaniwala... Pero oo ganito tumakbo ang pag-iisip ng babaing ito. Hindi lang masyadong naging maganda ang takbo ng career ng kapatid ko. ...

Bread Shared

Sigh! Gusto ko na lang matapos ang lahat ng problem ko. Pero Jesus has reminded me again of one promise... Na may end ang lahat ng ito. I can feel His presence sa kahit saan lugar... lalo na sa mga moments ko na nalulungkot talaga ako at naiiyak na sa sobrang sakit. Its been months yeah.. Pero this week... hopefully matapos na. My bread reveals me today na Jesus undergoes the same struggle. Magkaiba lang kami dahil mas mahirap sa kanya. He saved the world. He saved mankind. He suffered. Maliit lang ang suffering ko kumpara sa Kanya. But the most striking words for me today is yung prayer nya sa Mount of Olives ... Luke 22: 42-44 "Father, if you are willing, take this cup from me; yet not my will, but yours be done." An angel from heaven appeared to him and strengthened him. And being in anguish, he prayed more earnestly..." Hindi ko alam kung may end. Pero I trust You my life. "Yet not my will, but Yours be done" Sigh!

Dying...

Halos ilang weeks na rin na halos wala akong post. Hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin. Pero ang alam ko may problema. Problemang kailangan ng solusyon Ngayon week na ito andami kong pinalampas na pagkakataon para magawa ko ang isang bagay na dapat matagal ko ng ginawa. Hindi ko na pinapansin ang nararamdaman ko at halos nagiging manhid na nga ako. Naalala nyo yung testing ko? Hindi ko pa rin yun tapos… =( Nalulungkot na ako talaga…pero kalian ba ako magkakaroon ng lakas ng loob na magsalita? Kailan ba ako matuto na magsabi ng totoo kong nararamdaman? (Paalala lamang sa mga malisyoso…hindi pag-ibig ang problema ko…) Minsan naiisip ko na wala na siguro itong katapusan…Pero alam ko na Siya lang nakakaalam ng totoo kong nararamdaman. Pagod na rin ako. Buti na lang andyan Siya, ang walang sawang nagbibigay sa aking ng lahat ng lakas na kailangan ko… Sa pagsusulat… Sa pagsusulat ko nasasabi ang lahat ng gusto kong sabihin. Pero sa isang iglap napan...

HOME = BEST PLACE ON EARTH ?

Ang mga pinoy meron na talagang ganitong kasabihan noon pa. Positibo naman talaga kung iisipin di ba? Pero may negatibong implikasyon rin pala ang kasabihan na ito... Sa book ni Bo Sanchez na The Past does not define your future, nakita ko yung bad side ng saying na ito... sad pero totoo. TUnay nga na magaling siyang manunulat..dahil nakita niya ang mga salitang ito sa ibang aspeto. Narinig kong nag-uusap ang mga call center agents sa CR...(Siyempre ladies CR un no... ) Agent 1: "Hirap talaga ng GY no? ANg hirap talaga kumita ng pera." Agent 2: "Oo nga. Pero narinig mo ba yung pinapagalitan kanina yung kasama natin...bago lang ata yun e... PInahiya talaga siya... Syaks parang gusto ko ng lumipat" Agent 1: "Ayoko ng lumipat... Andami naghahanap ng trabaho ngayon... Ayoko ng maghanap... Nakakapagod... Dito na lang ako." Grabe no? Kung titingnan parang playing safe lang naman talaga si Agent 1. Totoo naman mahirap humanap ng trabaho bukod pa sa talagang magas...

Questions on Destiny

Actually this article is one I read from a friend friendster's profile (gets?)... Nagustuhan ko ang article nya sa friendster at ang makulit kong sarili ay hindi mapigilan mag-comment. Hehe. :D I hope hindi siya ma-offend sa mga comments ko... :) So here it goes...(edited na siya...) Destiny is something that is already planned out to happen to you in the future... or some may call it, the "plan of God" for you... ---> palagay ko tama ito. well for me, idon't believe in such things... ---> maaga pa para magsalita. :P God gave us a mind and a heart, and the FREEDOM to choose... ---> well kung ang isang choice ay gagawin sa maling oras at lugar... dangerous yun sa iyo... Hindi naman gusto ni God na gawin mo un. So FREEDOM is not so good at all. It entails responsibility. eh since young ka pa..you make impulsive decisions... if our future is pre-destined for us, what is the essenceof our freedom? how would you feel if you want to be a doctor in the future coz yo...

Ouch!

God has revealed something for me today... When challenged, he resists the urge to get his back up like a threatened tomcat. Instead, correction becomes a faithful friend and a necessary means to improvement (v.9). On the other hand, when a “scoffer” is rebuked, he responds with anger and hate (v.8). Because of his overinflated ego, he won’t listen when told he has erred. Ouch! Yun lang masakit na. Guilty ako e. This weeks testing really make me realize kung anong pang areas ang kailangan ng healing. Sad talaga. Pero I know Siya rin naman nagbibigay ng strength. I know at the end of this may matutunan talaga ko. Well the agony will always be there. But I know in the end... Siya pa rin ang may kontrol. Nakakangiti pa ako e. Sana lang matapos na rin talaga. Sana...

LONG ROUGH ROAD TRIP to DREAM BEACH (ay DREAM LAND pala)

Antagal ko ng hind magpost! Sa wakas.. ito na ang pagkakataon ko. Gusto-gusto ko na rin isulat ang lahat ng laman ng utak ko… May nakapag-trigger na naman kasi. Kaya heto… ito na ang report ko… Babasahin mo ba? (isip ka muna…mahaba-haba rin ito…nyahahaha!) LONG ROUGH ROAD TRIP to DREAM BEACH (ay DREAM LAND pala) Batangas Escapade- April 22-23 Nagkaroon na rin ako kahit papaano ng maagang bakasyon kasama ko ang highschool barkada. Actually ang original plan ay sa batangas beach… hindi ko alam ang name ng magandang beach na yun pero hindi kami doon napunta at nagkaroon kami ng unbelievable na biyahe na hindi namin malilimutan habang kami ay humihinga dito sa earth. TLC – Total Loving Company. Pangalan ng grupo namin. Miyembro.. Accountant/Birthday Girl – Catie Accenture work-girl – Yehlen Makati Office girl – Leigh Lovely Housewife – Fairy Engineer/Programmer – Katty (absent ang bruhang ito sa gimik! Hmmmf!) Web Developer/SEO/Blogger – Karen (ang sumusulat ng report na ito) Kasi naman an...

Si Kuya R

GY Shift For Now. GY. Ito ang shift bumubuhay sa marami sa aming empleyado ng kumpanyang ito. Pero wala kaming magagawa kundi tanggapin at gampanan ang trabahong ito sa ganitong oras. Mas mabuti naman ito kaysa sa iba. Di ba? Pero isa lang masasabi sa shift na ito….. Waaaaaaaaaaaahhhhhhhh! Si Kuya R. Well may ka-meet akong isang close friend ko sa UPLB kanina. Si Kuya R. Siya ang tipo ng lalaki na hahangaan ng kahit sinong babae pagdating sa views nya sa buhay. Bukod sa pagiging gentleman na siyang pinakahinangaan ko sa kanya at siyang dahilan ng pagkakaroon ko aking malaking respeto ay napaka-simple lang ng gusto nya sa buhay. Hindi siya naghahangad ng sobrang yaman sa mundo…(pero gusto nyang magkaroon ng gadgets ha…hahaha!) Pero isa lang ang sigurado ko… hindi siya yung ambisyoso… Siya yung tipo ng tao na kapag kaibigan mo… siya yung mas magbibigay kaysa sa yung tumatanggap. Kaya kami nagmeet ay dahil sa isang babae sa knyang past na hinahanap niya at gusto nyang makita. Kung nasa ba...

Latest Updates

Ang tagal ko ng hindi nagpo-post. Andami ko rin talagang ginagawa na hindi ko na masingit pati ang paga-update ng blog ko. Tapos halos mag-iisang-linggo at kalahati na akong GY. OO isa na akong zombie na gising sa gabi. Ang pagkakatulad namin naghahanap kami ng paraan para kumain. Ang zombie pumapatay ng tao para kumain ako naman kumakain ng templates,keywords at maraming uploads... in short... nagta-trabaho po ang inyong lingkod para kumain din… Wala lang talaga akong magawa ngayon… ah este ayoko munang gumawa… Hindi ko alam kahit sobrang antok na ako mas naisip kong magtyp kaysa sa umidlip… Aaminin ko na napakaraming laman ang utak ko na hindi ko na nagawang isulat… dahil ngayon mas natuto akong ipaalam ito kay God at pagnilay-nilayan muna bago ko I-broadcast ito sa madlang pipol. : ) GY Shift for now Ok naman ang GY. Hiyang na hiyang nga ako e….(Arrrrggggghhhh!!!!) Ano ba naman kasi ang naisip ng taong yun para baguhin ang aming shift… Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya…. Haay...

Reward or Test?

Been with these mixed emotions lately. But God is really blessing me so much. Ewan ko ba sa kabila ng lahat... Ambait nya pa rin talaga… kinakabahan na nga ako e…kasi noon nagkaroon ako ng thinking na kapag sobrang saya mo ngayon…bukas malungkot ka…Pero siyempre hindi ko na masyadong na-aaplay… Lalo na ngayon… I know I should be happy everyday…for the grace, wisdom, strength and peace He showered continuously on me (as in non-stop :P )… I don’t know if this is a reward or another tests of faith. Pero all I can do now is pray for my thoughts at alam ko kung gaano niya naman kung gaano ako ka-weak pagdating sa emotions. Naiisip ko na another test ito…May feeling ako na ganun nga…But I know this testing will refine my character. And if its all according to plan then so be it… =) "And we know that in all things God works for the good of those who love him,who have been called according to his purpose....those he called, he also justified; those he justified, he also glorified. "

Nice Weekend

Nakakalungkot lang simulan ang araw na may mabasa ka sa blog mo na hindi nakakatuwa. Sa kabila ng lahat ng gud news this weekend at kung gaano ito ka-fullfilling para sa akin ay mababasa akong hindi maganda. 2nd Month sa Talking Hands Nakakatuwa na makasamuha ko uli ang mga deaf and mute sa Immaculate Conception Church. Kahit hindi sila nakakapagsalita at nakakarinig ay nakita ko na interesado silang makipag-interct sa amin ng kasamahan kong si Tope (ang dakila po naming brod sa UPSCA – para kay Rom). Ang hirap nga lang kasi talagang kaunti pa lang ang alam naming na sign language. Magaganda ang art works na nagawa ng mga kasamahan namin. Yun lang no… yung sa amin hehe… hindi namin natapos… Sinamahan kasi namin ng tawanan at kwentuhan yung paggawa kaya hayun… Frame lang ang nagawa namin. Hehe. Pero kung enjoyment lang naman. Sobrang enjoy yung buong session. Special thanks para kay Tope dahil sa pagpunta nya nung Sunday. Pero brod, sa sunod agahan mo ha…para maka-attend ng class. Thank...

Ang sakit lang talaga...

May mga bagay lang siguro na di ko kayang baguhin. At kailangan na lang siguro akong manahimik kahit na labag ito sa kalooban ko. Mahirap at ang hirap-hirap....Pero dahil sa nahihirapan ako...napatunayan kong tao ako at hindi ko ito kaya kung ako lang. Pero alam ko naman na andiyan lang Siya...nagmamasid at nagbabantay. =) WORTHLESS Akala ko ito na yung pinaka-least na salita na maari kong marinig o maramdaman sa biyahe ng life ko. Pero iba pala talaga yung pakiramdam kapag andiyan na. Nakakaparanoid. At kahit ang isang bahagi ng sarili ko ay nagsasabi na wala silang intensyon na iparamdam o sabihin yun...nasasaktan pa rin ako. Alam ko naman ang worth ko. At alam ng Diyos at alam ko natutuwa siya sa lahat ng ginagawa ko. Ok na sa akin yun...kaso, masakit pa rin talaga kapag naramdaman mo at pinaramdam ito intentionally or unintentionally. Doon bumabangon ang iba't-ibang emosyon ko. Gusto kong magsalita na tama na... Pero iniisip ko ano na lang mangyayari sa akin bukas? ANG PANINIWA...

MARIPOSA

Haay! Matagal na akong nagsusulat ng wala sa sarili ko. Ang mga huling write-ups ko this past few weeks I guess ay ang pinaka-safe na pwede ko pang maisip. Kasi ang lahat ng mga naisip kong topic marami na naman ang magre-react. Gosh no! Nakakapagod na i-entertain ang ang mga reactions na yun. Marami silang hindi maintindihan sa mga sinusulat ko. Pero ang alam ko lang naiintindihan ko ang mga reaksiyon nila. FLASHBACK. Sorry pero kailangan ko I-flash back ang mga oras na may paniniwala akong dapat kong isulat ang lahat ng dapat kong isulat. Dahil yun na ang nakasanayan kong gawin simula pa nung bata ako. Ito lang ang naiisip kong outlet noon sa lahat ng mga saya, frustrations at sa lahat ng depressions na hindi ko kayang sabihin o i-express sa salita. Kaya siguro nabuhay pa ako. Buti na lang pala natuto akong magsulat… May mga naisulat akong nakapagpatawa at nakapagpasaya ng tao. Meron din naintriga at nasaktan sa mga sinulat ko. Meron articles na nagpapasalamat sa mga tao, andun yung ...